Chapter 4

785 27 9
                                    

-------------------------------------------------

(JULIA)

"Julia, handa na ba ang mga gamit mo?" tanong ni Tita pagpasok ko sa kusina para mag-almusal. "Opo," sagot ko. Friday na kasi ngayon at kailangan ko na mag-move out bukas ng hapon. Konti lang naman ang gamit ko kaya na-pack ko agad. Tumango sya, "Mabuti." Tumayo sya at lumabas para siguro maggawa ng household chores. 

Kumain ako ng pandesal at uminom ng konting kape tapos naghanda nang umalis. Tumingin ako sa salamin at napasimangot. Pugto ang aking mga mata. May malalaking eyebags sa ilalim ng aking mga mata. At parang ang lifeless nung mga mata ko.

Feeling ko hindi ako yung tinitingnan ko. Alam nyo yung feeling na yun? Yung hindi mo na makilala ang sarili mo dahil ang laki ng pinagbago mo? Nakakatawa minsan, di ba? Isang araw, ganito ka tapos 5 seconds later, entirely different na. Ganun ang nangyari sa akin. Nung nawala si Kuya, feeling ko nawala na din ako. Mag-iisang taon na pero hindi ko pa rin nahahanap ulit ang aking sarili. 

Nag-look away ako at binuksan ang drawer nung dresser. Sa ilalim ng mga gamit, may nakita akong gunting. Umupo ako sa sahig at sinandal ang aking likod sa pader. Linagay ko yung blade ng gunting sa aking wrist. Kita pa rin yung dati kong mga sugat na in-inflict ko sa aking sarili at hindi ko mapigilang maiyak. 

"Nangako ka na, Julia. Tama na 'to..."

Rinig na rinig ko pa rin yung boses mo, Kuya. Panaginip lang ba yun? Bakit nararamdaman ko pa rin yung hawak mo? Nakikita ko pa yung ngiti mo? Naaamoy ko pa yung pabango mo? Kuya, anong gagawin ko ngayon? Sobrang naiinis ako sa sarili ko. Di ba ako yung may dahil? Bakit di na lang ako yung namatay? Bakit ikaw pa? Bakit hindi ako?

 "Tama na 'to..."

Binaba ko ang aking kamay at tinapon ang gunting palayo. Tinaas ko ang aking mga tuhod para yakapin ang mga ito at humikbi. 

-Knock, Knock-

"Julia? Nandyan ka pa ba? Tanghali na. Baka ma-late ka..." 

Pinilit kong tumahan tapos tumayo ako para ayusin ang sarili. Kinuha ko ang aking bag at umalis na nang hindi nagpapaalam.

Habang papunta sa school, nakita ko si David John na naglalakad sa harap ko. Yung stalker na sinundan ako sa trabaho ko 3 days ago? Yun. Weird, di ba? Di naman kami magkakilala, bigla na lang nang-aabala at nangengelam ng buhay. Nakakainis. 

Iningatan ko ang aking paglalakad para hindi makuha ang pansin nya. Baka kausapin na naman ako. Mas sasama pa ang mood ko. Pinanood ko sya nang maigi. Ang angas talaga maglakad. Akala mo kung sino. Psh. 

Maya-maya, may lumapit sa kanyang tatlong mga lalaki at tatlong mga babae. Mukhang magkakakilala sila pero hindi nya pinahalata ito dahil parang snob lang sya sa kanila habang nag-uusap usap sila.

Teka, Julia. Parang ikaw naman ang stalker nito ah?!  

Fix You (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon