×Chapter 19×

1K 33 0
                                    

Russel's POV

Nung nalaman ko yung threat kay Jcynd, tbh kinabahan ako. Ayoko naman yun ipakita sakanya kasi baka mas lalo lang siyang matakot.

Walang akong clue kung sino man ang pwedeng gumawa sakanya nito. Siguro nga meron na akong naiisip pero imposible...ayoko ring isipin.

*phone call*

Napabalikwas ako ng biglang tumunog ang phone ko. Agad ko naman itong kinuha sa may coffee table namin at nang makita ko ang caller napa kunot noo ako.

(Phone call)

"Hello?"

[Russel...]

"Annie? What happen? I told you, tanggapin mo nalang. Masaya na ako rito kaya please, just accept the fact that I would never come back to you--"

[I know, and I already accept it. I just call you because I want to make things up to the both of us. Please? And after this I'm going to stop]

"Fine...so where?"

[At the coffee shop, near to your subdivision]

"Okay, I'm coming bye"

[Thank yo--]

(End call)

Alam ko kasing hindi titigil kakakulit saakin si Annie pag hindi ko siya pinag bigyan ngayon. And gusto ko ring tapusin ang lahat sa maayos na paraan. Ayokong maging harsh sakanya dahil alam kong mahirap rin to para sakanya. Kahit naman ano pa ang mangyari minahal ko rin naman si Annie. Hindi nga lang katulad ng pag mamahal ko para kay Jcynd.

Nag ayos na ako at pumunta sa coffee shop na meeting place namin. Pumasok ako roon at nahagip ko na agad ang pwesto ni Annie.

Nilapitan ko siya, nang tuluyan nya na akong makita napangiti ito at pinaupo ako.

"Kamusta?" Tanong niya pa. Tumango lang ako.

"Ayos naman. Can you please direct to the point?" Diretsyo kong sabi. Nag bago naman ang ekpresyon nya na kanina ay naka ngiti ngayon naman ay mangiyak ngiyak na. Hindi ko tuloy mapigilang sisihin ang sarili ko.

"I want to talk to you" ngumiti ito ng pilit at napakagat pa sa labi para pigilan ang pag luha nya. Naikulom ko tuloy ang kamay ko. Masakit sakin na nakikita siyang umiiyak ng dahil saakin. Pero kailangan kong pigilan na maawa sakanya dahil sa simula't sapul kasalanan nya.

"About what?" Walang emosyon kong sabi. Napabuga siya ng hangin.

"As what I said earlier, tanggap kona. And hindi pa nga lang ako nakaka move on pero kaya ko naman. Pupunta ako sa California" pigil na luhang sabi nya. Napatango tango naman ako kunwari'y sang ayon.

"Osige, ingat" tatayo na sana ako ng pigilan nya ako. This time hindi na nya mapigilan ang pag iyak nya.

"Thats it? Wala na ba talaga?" Sabi nito sabay hikbi pa kaya napatingin ang ibang tao na nandito. Napapikit naman ako.

"I told you before, mahal kona si Jcynd. And yung nararamdaman ko towards you ay dahil lang sa pangungulila ko kay Jcynd. I'm sorry but I have to go" tumayo na talaga ako ng tuluyan at iniwan siya ron. Nasabi ko ba talaga yun? Totoo naman kasi yun. Akala ko rin mahal ko siya e. Pero minahal ko lang pala siya dahil sa pangungulila ko kay Jcynd. Alam kong mali pero nagawa ko pa rin. Sana lang talaga ay tigilan nya na kami....
---
Jcynd POV

TNL BOOK2:My Ex Is My Love Team [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon