×Chapter 7×

1.4K 34 0
                                    

2 days later..

2 days ko nang iniiwasan si Russel at mas lalo pang nag padali sakin ay dahil wala kaming shoot ng mga nakaraang araw pero iba ngayon kasi may shoot na kami
----
"Cynd, next week invited kayo ni Russel para sa birthday party ni Ms. Shai. Payag ba kayo?" Tanong ni Yanna habang papasok kami sa studio.

"Okay okay payag ako" sabi ko at pumasok na kami sa loob. Naabutan kong nag aayos na sila para sa shoot namin. Binati ko sila at nag punta na sa tent ko para mag ayos.

-----
"Bakit? Wala naba? Wala na ba talaga?" Naluluha nyang sabi. Sa totoo lang ang galing nya talaga umarte.

"Sorry Kyle, mahal kita...alam mo yan...pero hindi ko kayang suwayin si mommy. Alam mong si mommy nalang ang natitira kong pamilya. Wag ngayon Kyle...wag ngayon na close na kami ni mama.." binitawan kona ang kamay nya at tumalikod.

"Naiintindihan ko...pero ganon nalang ba talaga? Hindi kana lalaban? Ako nalang ba ang lumalaban?" Nabigla ako sa pag patak ng luha ko. Hindi ko iyon inaasahan! Siguro nga na dala lamang ako.

"Pasensya na Kyle" and there umalis na ako at nag cut na si direct wohooo! Nice nice! Hindi kona alam kung paano ako iiwas sa asungot na to huhuhu. Pero buti na nga lang ay hindi na din nya ako kinukukit about dun sa nagawa 'kuno' ko.

"Cynd, pansin ko bakit hindi ata kayo nag uusap ni Sir?" Tanong ni Yanna habang inaayusan ako.

"Hindi naman kasi kami close diba? So bakit ko sya kakausapin?" Pag dadahilan ko pa. Hindi nya pwedeng malaman na kaya ko iiwasan si Russel eh dahil inamin kona mahal ko sya. Psh feelengero pa naman din ang lalaking iyon-.-

"Alam mo Cynd, ang problema hindi mo yan maiiwasan kaya ngayon palang harapin mona bago mahuli ang lahat" pag kakasabi nya nun ngumiti sya at umalis sa tent ko.

Hinunting talaga ako ng mga sinabi ni Yanna, nakakainis man pero may point sya. Hindi ko kaylangang iwasan nalang si Russel. Dapat harapin ko sya at sabihin sa kanya na hindi ko talaga sya mahal at kaya ko lang nasabi iyon eh dahil nga lasing ako. Pero hindi ko alam bakit kinakabahan ako? Ayokong sabihin kasi baka mapahiya ako...pero bahala na! Sasabihin ko nalang para hindi na ako mahirapan na iwasan pa sya. Ano nga ba ang ikinatatakot ko? Aish Kaazar!
----
"Cut!!!" Matapos ang shoot nag ayos na kami sa kanya kanya naming tent. Napapikit naman ako dahil na rin sa pagod. Madaling araw na kasi ngayon eh. Kakatapos lang namin.

"Cynd, Rus tara mag usap tayo sa garden" pag yaya ni Direct. Tatanggi pa sana ako kaso umalis na sya. Ano kayang pag uusapan namin?

Pag punta ko sa garden andun na si Russel nag p'phone. Aalis na muna sana ako kaso nakita na nya ako kaya nag buntong hininga ako at lumakad na baka isipin nya pa eh iniiwasan ko sya.

'Bakit jcynd hindi nga ba?' Bulong ng maliit na boses sa utak ko. Kpayn! Panalo na sya-.-

Ang tahimik namin dito at ni isa walang tumangkang mag simula ng topic. Busy sya sa pag tetext habang ako naman eh tumitingin nalang sa paligid. Bakit ang tagal naman ni Sir?

"Hmm...Russel" pag tatawag ko. Ayoko ng patagalin pa to gusto kong sabihin sa kanya na hindi ko naman na sya mahal. Pero bakit ganon? Parang hindi ko kaya?

"Hmm?" Nag dadalawang isip ako kung sasabihin ko pa ba o hindi na. Eh ano naman kasi sa kanya kung sasabihin ko pa diba?

"Y-yung ano...nung nalasing ako...hindi t-totoo yung mga sinabi ko. Lasing lang ako nun kaya na sabi ko yon..." yumuko ako para takpan ang mukha ko. Parang unti-unting na warak ang puso ko ng marinig ang sagot nya...

"Wala yun. Wala naman akong pakielam pa ron" sagot nya...napa 'ah' nalang ako. Tama naman sya bakit nya pa i bibig deal yun? Ano nga ba ako sa kanya? Napaka tanga ko naman para isipin na baka meron pa..na baka mahal nya pa ako. Siguro nga kaylangan kona talaga syang kalimutan. T*ngina ang sakit pala..Ang OA ko man pero masakit talaga...sobra. Wala eh first love ko sya.

Tumayo nalang ako at tumalikod para pahirin ang mga luha ko.

"A-alis na ako, pasabi nalang k-kay direct na h-hinahanap na ako samin" tumakbo na ako at dumeretsyo sa tent ko. Yumuko ako at umiyak ng mahina. Putspa dapat pala hindi ko nalang tinanong.

------
1 week later...

Ngayon ang birthday party ni Shai. Hindi artista si Shai pero ang tatay nya ay sikat na direktor  at nagulat nalang  nga ako ng imbitahan nya kami. Hindi kami kasi kami close nun at mukhang malaki ang galit nya sa akin! Siguro iinggitin nanaman ako nun. If I know eh may gusto yon kay Russel at alam nya din na may past kami ni Russel kaya siguro inis na inis sya. Dahil para hindi ako mukhang affected sa kanya pumayag pa rin ako.
"Aba! Jcynd ko is that you!?" Nilingon ko ang nag salita. Psh si Cyrus pala.

"Ganda ko noh?" Sabay pogi sign ko pa. Natawa naman sya kaya sinamaan ko sya ng tingin. Kung maka tawa kasi akala mo ang gwapo gwapo-.-

----
Nasa reception na ako(bar)at sobrang daming tao at ang ingay dahil sa mga party music. Nag lakad na ako papasok sa loob at nakita ko agad si Direct kaya nilapitan ko sya.

"Hi sir, sila Yanna ba hindi invited?" Tanong ko. Ngumiti naman sya.

"Hindi nga eh. Want some?" Tinaas nya yung drinks nya.

"Sige sir kuha lang ako" aalis na sana ako kaso pinigilan nya ako.

"Ako na" wala na akong nagawa pa ng mag simula na syang mag lakad. Sa totoo lang gwapo naman talaga si Ethan, matalino din sya at kasing age lang din namin sya ni Russel. Sa totoo lang madami din ang may gusto sa kanya at dati ay niligawan nya na din ako pero hindi ako pumayag kasi hindi pako move on that time.

Nag tingin tingin nalang ako sa paligid at nahinto ako sa nakita ko. Teka, si Annie ba yun!? Teka eh paano naman sya naka punta dito? Unless, may kaibigan or kapamilya sya na kasama dito at ininvite?

"Are you okay?" Hindi kona napansin pa na andito na pala si Ethan. Gulong gulo ako. Bakit andito sya? Hindi ko alam pero sa pag kakataong ito parang masama ang kutob ko.
----

TNL BOOK2:My Ex Is My Love Team [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora