×Chapter 4×

1.8K 40 2
                                    

Kainis kainis kainis!!!! Sobra akong naiinis sa unggoy na yun! Naiirita ako! Muntik na akong himatayin kanina sa sasakyan dahil wala sino mang nag tangkang mag simula ng usapan ang awkward! Humanda talaga sakin yung si Cyrusssss! Napaka wrong timing naman talaga nya! Pag ako hindi nya binigyan ng valid reason kung bakit hindi nya ako sinundo hindi ko yun papansinin hanggang 2 weeks promiseeee.

Ang OA kona tuloy! Pumasok agad ako sa kwarto nya ng walang paalam

"YAHHHHH!!!!" sigaw ko. Nagulat naman ito at nabitawan ang cellphone nya muntik nya pang maihagis sa akin yun! Laughtrip talaga ang lokong ito!

"Putspa naman Jcynd! Bakit kaba nang gugulat? Pwedeng itikom ang bibig kahit minsan ano po?" Naiinis nyang sabi. Sinamaan ko sya ng tingin at sinugod pinag sasabunot ko sya hindi naman sya gumaganti subukan nya lang!

"Aray beybe! Masakit na promise! Oi! Masakit nga sabi!" Mangiyak ngiyak nyang sabi kaya tinigilan kona.

"Loko ka kasi! Nakakailang calls ako syo pero ni isa hindi mo sinasagot! Alam mo bang dahil dun eh nag kanda malas malas ako!?" Pamaktol akong naupo sa tabi nya.

"Huh? Bakit? Nag p'ps4 ako kanina eh kaya hindi ko napansin" nag buntong hininga ako at ikinkwento sa kanya yung nangyari tawa sya ng tawa kasi daw feeling nya eh may gusto pa yung si Russel sakin! Sabi ko naman na wala pero hindi sya naniniwala tas nag blublush pa daw ako! Ang sama nyang unggoy-.-

"Nararamdaman ko talaga beybe na may gusto pa syo yun! Ang nakakatawa lang eh ang gago nya! Kaytanda na nya natotorpe pa!" Sabi nya sabay halakhak binato ko nga ng unan kahit kailan nakakainis sya!

"Hindi nakakatawa!" Inis kong sabi. Tumawa lang sya ng tumawa. Kaya sa inis ko pinag sasapak ko nanaman sya.

"Ouch! Oo na hindi na nga eh! Aray!" Tinigilan kona sya at nag buntong hininga.

"Seryoso na, ano ng gagawin ko? Pano ako makaka move on ng 100% kung kasama ko sya lagi sa shoot?" Napapikit nalang ako ay isinandal ang ulo ko sa headboard. Naramdaman ko namang inakbayan nya ako.

"Ayos lang yan, basta isipin mo lang na trabaho lang at walang personalan. Tyaka dapat pag binigyan mo sya ng chance siguraduhin mong pang matagalan na at pang altar mona sya" medyo natatawa ako kasi ang korni nya! Pero syempre pinipigilan ko baka hindi ako pansinin nyan ng 2 weeks! Dati kasi nung seryoso sya tapos nag dradrama umiyak pa yan sa harap ko! Kasi daw ang sakit ng puso nya tawang tawa ako nun tapos sa inis nya hindi nya ako kinausap ng 2 weeks! Grabihan!

"Tsk, ayoko na din. Alam mo bang nag bago na sya? I mean mas lalo syang naging bad boy tyaka may Gf na ata yun eh! May katawagan pang baby! Nag i love you pa! Kadiri!" Natawa naman sya ng bahagya at mas hinigpitan ang pag kakaakbay nya.

"You acting like a jealous girlfriend" natawa na din ako dahil sa aydeyang iyon. Hindi mona ako maloloko ngayon Russel, By this time I'll make sure that you will never ever hurt me...again..I'll make you fall inlove first.

-----
"Mahal? Mahal mo ang anak ko!? The heck!? Hindi sya babagay syo! Ayoko sya para syo!" Sigaw ni ma'am Jona. My mom, dito sa shoot.

"Mom, I love him..please mom ayoko pong ikasal kay Lev--"

"No! I dont like him for you! Hindi ka nyan mabubuhay! Mahirap lang sya! Hindi ka nya matataguyod!" Lumuhod si Russel. I mean si Kyle.

"Please madam, I love Gabriel pag bigyan nyo na po kami. Mahal ko po ang anak nyo" biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Gosh! Bakit ganon? Yung pag kabangit nya ng huling word tumitig sya sa akin na para bang akin nya pinapahiwatig ang mga katagang iyon.

"Let's go Gabriel" tanging sabi ni ma'am Jona--my mom

"Mom!" Pag mamakaawa ko. Inis na humarap si mom sakin.

"Go now b*st@rd!" Sigaw nya kay Kyle.

"Lets go Gabriel!" Ulit ni mom at pumasok na sya kotse. Tumayo si Kyle at sobra akong naawa sa itsura nya. Para bang naalala ko yung mukha nya 2 years ago. Napailing nalang ako sa isip ko. Ano ba Jcynd!? Focus! Napaparanoid nanaman ako si Cyrus kasi daming alam kagabi!

"Kyle...Im sorry" sabi ko sa kanya at niyakap sya kumabog ng sobra sobra ang puso ko parang may party sa loob!

"I love you Jcynd" nahinto ako sa sinabi nya. Ano daw!? Tama ba yung narinig ko!? Napapikit ako ano ba Jcynd!? Ano ano ng naiisip ko bakit naman nya yun sasabihin aber? Gabriel yun Jcynd! Nabingi kalang!

"I love you too"akala ko hahalikan nya ako sa labi yun pla sa noo lang. Kung hindi jusq baka nag mindang nanaman ang puso ko. Pacheck up na ata ako eh?
----
Natapos ang shoot namin ng maayos. Nakakailang nga eh! Pero keri lang! Trabaho lang to walang personalan. Labas na yung personal issue namin ano!

"Hey" nagulat ako ng may mag salita si Russel pla. Itinago kona yung phone ko at humarap sa kanya.

"What?" Mataray kong tanong napailing at napatawa naman sya na ikinakulo ng bunbunan ko-.-

"Chill! Para ka namang binagsakan ng langit at lupa sa asim ng mukha mo" natatawa nyang sabi inirapan ko lang sya.

"Pumunta kaba dito para mang inis?" Pigalan nyo ko mapapatikim ko talaga ko ng flying kick!

"Chill lang kasi, pinapatawag tayo ni direct may sasabihin daw" for the last time inirapan ko ulet sya at nag simula ng mag lakad. Ewan koba kung bakit naiinis ako baliw na din ata ako-.-

----
3 days later..

Nasa may studio kami ngayon walang shoot pero pinapunta kami ni direct. Si Yanna, Mommy  A, Jonas, Chelsia, Ryan, Zyn, direct,Janna, ako at si Russel Yung mga kasama papanuorin kasi namin yung 1 week shoot namin tapos mag cecelebrate daw kasi top rating kami yohoo! Simpleng salo salo sa bar mamayang gabi lahat ng katrabaho andon nirentahan din ni Direct yung bar. Yess! Namiss kong mag parteh parteh!!(party party)

Habang nanonood kami hindi ko maiwasang isipin na ako pla yun? Napansin ko lang na bakit pla nag artista si Russel? Diba hindi naman nya hilig yon? Naalala kopa nung nag uusap usap kami nila John nun pinag tawan nya ako na hindi ko daw bagay mag artista pero tingnan mo sya ngayon artista na din sakalin ko yang Russel na yan eh!

Kamusta na kaya si John? Tagal na din nung last kaming mag kita nun. Artista na din pla sya kaso mag kaibang company kasi pinag tratrabahuhan namin eh. Minsan nalang kami mag kita pag may special occasion sa mundo ng mga Artista. Grabehan! Namiss kona din sila Shaine, Barbie, Jc, Shawn at Argem T_T 

Sigurado akong mag tatampo na yung mga yon kasi pag minsan inaaya nila ako pero hindi ako maka sama kasi busy sabi ko naman babawi ako pero hindi naman ako nakakabawi. Dadalawin ko nalang sila pag free time kona. Busy din kasi yun sa pag aaral nila lalo na't patapos na sila.

Anyways, napunta na pla ako sa planetang Mars sa kakaisip ko hindi ko namalayan na tapos na pla-.-

"Goodbye guys and congrats satin! Kita kita nalang sa Bar mamaya!" Masayang pamamalam ni Direct. Nag beso beso lang kami at umalis na din. Tinawag ko si Cyrus pero hindi daw nya ako masusundo kasi daw may ginagawa sya busy daw sya ipapasundo nalang daw nya ako kay mama pumayag naman si mama.

"Sabay kana sakin" napalingon ako sa nag salita si Russel nanaman.

"Hindi na susunduin ako ni--"

"Ni beybe mo?" Nakataas kilay nyang sabi hindi naman ako nag patalo kaya tinaasan ko din sya ng kilay take note! With matching pamewang pa.

"Pake mo?" Pang hahamon ko napakamot naman sya ng ulo sa inis.

"Nag mamagandang loob na nga tatarayan pa" pabulong nyang sabi pero narinig ko iyon! Abuh nang gigil nanaman ako! Pinakulo nya talaga ang bubunan at ulo ko! To the highest level!

"Sino bang nag sabi syo na mag magandang loob ka? You dont have to pretend that your a nice person. I know you that much na" naguilty naman ako dahil parang na offend sya sa sinabi ko mag sosorry sana ako kaso hindi ko alam kung paano nahihiya din kasi ako. Bago pa ako makapag salita may bumusina na. Shit nakalimutan ko si Mama pla! Ibinaba nya ang salamin ng kotse nya at sumilip. Nag bago ang ekpresyon ng mukha nya ng makita nya ako kasama si Russel Shit shit shit! Natataranda nako dito pano na this!?
----

TNL BOOK2:My Ex Is My Love Team [COMPLETED]Where stories live. Discover now