×Chapter 5×

1.5K 35 1
                                    

Lagot na talaga ako!!! Kahit si Russel bakas sa mukha nya ang pag kagulat. Kaya bago pa maka labas si mama at nag karoon ng World War III eh pumasok nako sa kotse at sinabi kay mama na ipaandar nya na naginawa naman nya.

Matapos ang ilang minuto wala paring umiimik sa amin ni mama. Galit nga sya:<

"Ma.." pag tatawag ko tanging 'hmm' lang ang sagot nya. Napabuntong hininga ako.

"Ma yung kanina kasi...Mali po yung iniisip nyo na baka kami na ulet. Wala lang po yun ma. Tyaka ano po ma sorry po kasi--"

"Naiintindihan ko. Ang akin lang dapat sinabi mo sa akin. Papayagan naman kita dahil alam kong masaya ka at pangarap mo ang pag aartista." Mangiyak ngikay ko syang niyakap sa beywang. Ang understanding talaga ni mama.

"I love you ma" mabilis nyang dinampian ng halik ang ulo ko.

"I love you too anak"

----
"Ma alis na po ako!" Sabi ko sabay kiss sa pisngi ni mama.

"Sige mag iingat ka." Lumabas nako ng bahay at pumunta na sa kotse ko. Hindi nako mag papahatid kay Cyrus kahit gusto nya. Hindi naman kasi ako mag lalasing ng sobra no! Tyaka kaya kong umuwi mag isa alam ko rin kasing pagod na si Cyrus dahil balik trabaho na nanaman sya at kakatapos lang irenovate yung dating bar nya into club. Oh diba? Bumobongga sya.

"Wohoooo!" Samot saring ingay at usok ang sumalubong sakin ng maka pasok ako ng tuluyan sa bar aba grabe naman talaga! Ngayon nalang kasi ako nag punta sa bar kaya nanibago ako. Pumunta nako sa 2nd floor kung saan nag pareserved sila direct.

Pag punta ko don nag sasaya sila ng makita ako ni Yanna hinila nya ako at pinaupo nanadya ata tong si Yanna at tinabi ako sa unggoy-.-

Nag kwekwentuhan at nag iinuman sila. Yes sila lang. Kainis kasi tong unggoy! Pag iinom ako kukunin nya tapos sya yung iinom! Tapos pag itatanong ko kung bakit nya inagaw ang lagi nyang dahilan 'wala lang' nakakainis! Pag din pinapatagay nila ako kinukuha nya!

"Tara guys masyadong boring dito baba tayo sa dance floor!" Pag yaya ni Chelsea, aba ang bruha parang enjoy na enjoy ngayon. Punayag naman sila kaya sumama na din ako ayokong mag isa nuh!

Pag baba namin sayaw sila ng sayaw at talagang tinamaan na sila ng alak tsk tsk sa mantalang ako naman eh painom inom lang ng juice huhu bantay sarado ako nung unggoy eh huhu di man ako maka inom ng kaunting alak.

Dahil sa naiinip nako sa loob ng bar napag pasyahan kong lumabas muna para mag pahangin.

Nag tungo ako sa may harap ng bar at sobrang presko! Sa gitna ng pag mumuni muni ko papasok na sana ako para balikan sila Yanna kaso may nahagip ang mga mata ko.

Napakulom ang mga palad ko sa hindi ko malamang dahilan. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Puot,galit at sakit. Para bang nadudurog ang puso ko. Ang OA ba? But its true supper sakit. Yung para bang binagsakan ng batong buhay ang puso mo? Tapos parang napupunit ito? Shocks! Ang sakit talaga.

Hindi ko makaya ang nakita ko kaya pumasok nalang ako sa loob. So ganon nalang yon? 2 years akong umiyak tapos sya nag sasaya? 2 years na parang patay ang puso ko pero sakanya maayos at walang sugat? 2 years kong sinisi ang sarili ko tapos sya naka hanap ng iba? 2 y-years akong naging tanga na someday babalikan nya ako yun pla may nag papasaya na sakanya?

"Bigyan mo ako ng pinaka matapang nyong drinks" sabi ko sa bartender. Tumingin ito sa akin at nag aalinlangan pa kung bibigyan nya ako o hindi. Kaya tiningnan ko sya gamit ang what-are-you-waiting-for?

Wala na syang nagawa pa at binigyan nya nalang ako ng pinaka matapang nilang drinks sa isang inom ko palang ang pait at natablahan na ako ng kaunti! Hindi na kasi ako sanay sa nga inuming ganto.

Naka 6 glasses din ako bago may humila sa akin patayo. At napangisi ako ng makita ko ang manloloko hikhik.

"What are you doing!?"tanong nya ngumisi ako at inalis ang kamay nya sa braso ko.

"Umiino*hik*nom..hikhok ahihi" sabi ko sabay lakad kaso pinaharap nya ulet ako sa kanya and this time sobrang seryoso ng mukha nya.

"May problema kaba?" Problema? Kung alam mo lang kung ano at sino yon.

"Paki*hik*mho bah?" Hinawakan nya ang mukha ko kaya nag pumiglas ako pero masyado syang malakas.

"Anong problema?" Napatingin ako sa mga mata nya.

"Ikhaw hihi. Awam mho? Ang *hik* guwandwa ng matash moe hihi" sabay hawak sa pilik mata nya.

"H-hey..lasing kana tara ipag papaalam na kita kay direct" sabi pa nya.

"Ayaw ko!*hik* ayaw ku pang umuwiiii!" Napa kamot sya sa ulo nya dahil sa inis.

"Ano ba!? Iuuwi na kita!" Napatulala ako.

"B-bakit ka naninigaw!?" Naiiyak kong sabi. Nag panic naman sya at pinunasan ang luha ko.

"Sshhh...Im sorry hindi kita sinisigawan..shit..h-hey I said I'm sorry..I really do..so please stop crying" pag papatahan nya pero hindi ko sya pinasin dahil tuloy pa rin ako sa pag iyak.

"Bakit ba andito ka!? Bakit hindi mo samahan yung kamake out mo kanina!?" Para bang nawala ang pag kalasing ko sa pag kakataong ito.

"W-what?" Gulat nyang sabi hindi nya siguro iniexpect na makikita ko sya..tss.

"Wag ka nang mag dahilan! Nakita kona! Sihge nah! Umalish kana! Iwan mo na ku ulet! Babye!" Sabi ko at natawa pa ng mapait habang umiiyak. Baliw na ata ako.

"Tara na" mag sasalita pa sana ako kaso hinila na nya ako papalabas sa bar.

"Oy! A-ano bah!!!" Nag pupumiglas ako kaso wala akong nagawa dahil masyadong matigas ang bisceps nya--arggg! Ano bang pinag sasabi ko!?

"Uy.." tawag ko sa kanya habang nag dridrive sya. Tumingin sya saglit sakin.

"Oh?"napahigikgik ako dahil sa pinansin nya ako.

"Ang gwapo*hik* mo po nuh? Ahihi" napakamot sya sa batok at parang nahiya.

"Ganyan ka pla malasing tsk tsk" pailing iling nyang sabi. Ano daw?

"Anuh? Ulitin mo shinabi mu!*hik*" umiling lang sya.

"Awam mo ba? Nung nag *hik* b-break tayo muntik ng bumi*hik*gay ituh!" Sabay turo sa puso ko.

"Alahm mue bah? Hindi man nag han*hik* nap ng ibah tu" sabay turo ulet sa puso ko. Napapapikit na ako pero pinipigilan ko...

"Alam mo bang mahal kapa nito?" Malinaw kong sabi. Nagulat sya mag sasalita pa sana sya ng kinalikan ko sya agad sa labi nya at bumagsak na at tuluyan ng naka tulog..

---

TNL BOOK2:My Ex Is My Love Team [COMPLETED]Where stories live. Discover now