×Chapter 8×

1.3K 30 0
                                    

"Kanina kapa preoccupied Jcynd, ayos ka lang talaga?" Tumango nalang ako.

"Okay lang talaga ako--"

"Ethan?" Napatingin kami sa nag salita and I froze on my spot when I saw her...Annie.

"Ow Annie! What's up? I miss you!" Nag yakapan si Annie at Ethan. I wonder kung kaano ano ba nya si Annie?

"I miss you too! Ow Jcynd?" I fake a smile.

"Hi Annie, long time no see" nag beso beso kami ni Annie.

"Wait,mag kakilala kayo?" Tanong ni Ethan.

"Yes, siya yung ex ni Russel" napatulala si Sir shit! Hindi nga pala nya alam na Ex ko si Russel! Arrgg!

"Mag Ex kayo ni Russel!?" Gulat na tanong nya. I lowered my gaze and nod.

"Omge, so hindi mo alam?" Kunwaring gulat na sabi ni Annie, if I know gusto nya lang ako ipahiya!

"W-wala silang sinabi sakin. Kaya pala ang galing nyong umarte kasi dati palang kayo...wow" hindi ko alam kung galit ba sya o ano.

"Excuse me" umalis si sir Ethan at naiwan kami ni Annie dito.

"Ano bang gusto mo ah? Ano nanaman ba Annie? Hindi ka pa ba masaya na nakuha mo na si Russel? Pwede ba...please tigilan mo na ako!" Tumawa lang ito na mas lalong nag pakulo sa dugo ko.

"Relax, sabi ko naman syo hindi pa ako matatapos hagat buhay pa ako kaya mag handa ka pa sa mga bagay dahil baka hindi mo kayanin" matapos nyang sabihin iyon ay umalis na sya. Sabi ko na nga ba eh! May balak ang babaeng yun! Hanggang ngayon ba naman! Ang tagal tagal na nun! Nasa kanya na nga si Russel eh! Ano pa bang gusto nya?
---
"One Tequila!" Sa inis ko kay Annie binuhos ko nalang sa inom lahat ng galit ko kahit na pa sobrang pait! Tumatagos sa lalamunan ko!

"Tama na nga yan" nagulat ako ng may umagaw sa baso ko at nakita kong si Russel pala.

"Eh bakit ba? Akina nga yan!" Mas lalo akong nainis nung ininom nya yung nasa baso ko! Kainis!

"Ano ba Russel!? Akina nga kasi yan!" Hindi nya ako pinakinggan at hinarap ng napaka seryoso nyang mukha.

"Tell me, ano bang problema mo? Hindi ka naman umiinom dati ah?" Napangisi ako. So hindi nya alam?

"Nag bago ako simula nung iniwan mo ako" aalis na sana ako ng higitin nya ang braso ko at iniharap nya sa kanya. Ngayon lang ako natakot sa kanya ng ganito.

"Hindi na ikaw yan Jcynd...hindi na ikaw yung Jcynd na minahal ko" gusto kong maiyak ngayon at mag taitrums! Tangina bakit MINAHAL!? bakit hindi mahal!? Tangina! Ang sakit pala!

"After so many years Russel! Tangina nag kaharap din tayo! Sabihin mo nga sakin! Bakit!? Nag kulang ba ako!?" Hindi kona napigilan pa ang pag patak ng mga luha ko. Wala na akong pakielam kung may nakakakita/nakakakilala samin/sakin. Basta ang alam ko masakit..alam kong kasalanan ko na hindi ako sumipot pero nag bigay sya ng rason para gawin ko yon!

"Lasing kana...halika na ihahatid na kita. Nakakagawa na tayo ng eksena dito" mag sasalita pa sana ako ng hilain nya ako palabas at sinubukan kong kumalas pero masyado syang malakas!

"Tangina Russel bitawan mo ako!" Binitawan nya ako ng makalabas na kami. Hinarap nya ako at nakita ko nanaman ang mga mata nya na hindi ko nakita nung kami pa...nakakatakot ang mga mata nya ngayon. Para bang wala na syang pakielam sakin..

"Alam mo kung bakit!? Binigyan kita ng pagkakataon Jcynd! Sinabi ko syo na pumunta ka sa tagpuan natin! Pero anong ginawa mo!? Wala! Umalis ka at iniwan ako! Tangina Jcynd alam mo bang muntik ko ng kinamatay yon!? Hindi lang ikaw ang nasaktan Jcynd! Sana inisip mo din ang nararamdaman ko! Tao din ako! Nasasaktan ako! Tangina!--" napahagulgol na ako sa inis at sa sakit na nakabaon sa puso ko.

"Kung sanang hindi mo nilandi si Annie edi sana tayo pa at masaya tayo!?bakit ba kasi Russel!? Am I not enough!? Huh!? Tell me!!" Pinag papalo ko sya sa dibdib at hinuli nya ang kamay ko at sobrang sakit ng pag kakahawak nya dun.

"Hindi ko sya nilandi Jcynd! Kung sanang pinakinggan mo ako noon! Kung sana Jcynd! Baka sakaling tayo pa at naayos natin to! Tangina! Tigilan nanatin tong katarantaduhan nato! Hindi na kita mahal Jcynd! May iba nakong mahal! Kaya please itigil nanatin yung issue sating dalawa...sana maging masaya kanalang para sa amin..." that heartfull words...ayoko na...I felt like dying...ayoko ng ganito...yung unti unti nanaman syang lumalayo sa paningin ko...yung wala akong magawa kung hindi umiyak...tama sya...kailangan ko na talagang mag move on...may mahal na syang iba Jcynd...tanggapin mo nalang na ikaw nalang yung nag mamahal sa inyong dalawa.

"Tumahan kana jan" napatingin ako sa nasa harap ko at niyakap sya agad.

"Bakit lagi nalang ako nasasaktan Cyrus? Bakit lagi nalang? Hindi ba pwedeng sumaya kahit konte?" Niyakap nya ako ng mahigpit.

"Dahil mahal mo pa sya...ngayong narinig mona mula sa kanya na hindi kana nya mahal siguro kaylangan mo na talagang mag move on...ayun nalang yung pinanghahawakan mo para maka move on kana...isipin mo na wala na sya..patayin mona sya sa isip at puso mo Cynd....makakabangon ka dib after this. Pangako andito ako sa tabi mo bilang pinsan at bestfriend mo..." napaiyak nanaman ako at pilit sinisink in sa isip ko ang katagang...

"Hindi na kita mahal Jcynd! May iba nakong mahal! "

"Hindi na kita mahal Jcynd! May iba nakong mahal! "

"Hindi na kita mahal Jcynd! May iba nakong mahal! "

"Bakit ang dali naman nya akong kalimutan?" Humiwalay si Cyrus sa pag kakayap sakin at pinunasan ang luha ko sa mga pisngi ko.

"Hayaan mo lang sya...makakahanap ka din ng para syo...sya nga naka hanap ikaw pa kaya? Kaya ngumiti kana jan at ipamukha sa kanya na hindi ka affected." Tama si Cyrus...walang magagawa ang pag iyak ko...hindi ko dapat sya iniiyakan...hindi nya ako mahal? Nakalimutan nya na ako? Kaya ko din yun! Ipapakita ko syo...

Dear Tadhana,
Siguro hindi lang talaga kami yung para sa isa't isa..ngayong narinig kona ang katagang iyon alam ko ng wala na talaga...salamat dahil kahit papaano eh binigay mo sya sa akin kahit sa ilang saglit lang. Maraming salamat..
-Jcynd
----

TNL BOOK2:My Ex Is My Love Team [COMPLETED]Where stories live. Discover now