Para sa mga hindi sumusunod sa 3-month rule

1.1K 8 1
                                    

Hindi nyo alam ang salitang respeto? 

Teka lang, ano nga ba ang 3 month rule?

Sabi ni Popoy sa one more chance, lahat ng taong nainlove at nagmahal at nakipagbreak, kinakailangan daw munang dumaan sa tatlong buwan bago magkajowa ulit. Sabi naman ng iba, delikadesa daw yan. Kung ikaw ang nangiwan, ang 3 month rule ang time na binibigay mo sa ex mo para magluksa sya. Nakasakit ka daw kasi kaya binibigyan mo ng time. Pero kung ako ang tatanungin mo?

Para sakin ang 3 month rule, yan yung time mo para sa sarili mo, "para mahanap mo yung dating ikaw na nawala simula nung minahal mo yang gagong ex mo.." Time para mahanap mo yung mawala sayo, time para sa mga kaibigan at pamilya mo. In short, time para makamove on. 

Kasi ang pagmomove on ay isang proseso, kahit gaano ka patagal o kahabang panahon ang kailangan dito, hindi mo yun matatapos hangga't hindi ka nagsisimula.

Ang 3 month rule daw ay kailangan bago ka pumasok sa isang relasyon ulit. Yan yung time na binibigyan mo ng respeto ang ex mo. 

Hindi yung wala pang one week na break kayo, may bago ka na agad kalandian. 

Ang landi mo bh3. 

For me, tama lang na sumunod ka sa rule na yun. Para sa ex mo at sa magiging bago mong jowa. Heller? Iisipin lang ng ex mo na malandi ka, at iisipin ng bago mo na nirerebound mo lang sya kapag hindi mo sinunod ang rule na ito! 

Kaya ikaw, magbigay ka ng respeto sa ex mo. Kahit sa sarili mo. Alam mo ba na kapag hindi mo sinunod ang 3 month rule, huhusgahan ka ng ibang tao. Kesyo, malandi ka daw at hindi nagseryoso. Kesyo, gago ka daw at manggagamit lang. 

Para sa mga taong katulad ninyo? Ang masasabi ko lang, napakahaharot nyo! Joke. Hahaha. Pero seryoso na, magbigay ka naman ng respeto kung nagseryosso ka talaga habang nasa isang relasyon ka pa. 

Sobrang sakit kayang makita yung ex mo, wala pang one week na break kayo, eh may bago na agad. 

Nagmamadali makamove on, koya?! Ate?! 

Minsan, yang mga pinapalit nyo sa ex nyo, ginagawa nyo lang rebound. Uyy, aminin! 

Namimiss mo ex mo noh? Kaya gumagamit ka ng ibang tao na katulad nya. Yung isang taong nakikita mo sa kanya ang ex mo. :> 

Aminin mo na kasi. 

Ang payo ko lang sa inyo, kung ayaw nyong sumunod sa 3 month rule, kahit 2 weeks man lang! Wag muna kayong makipaglandian. Di nyo ba talaga mapigilan ang sarili nyo na walang kalandian? 

Haaaaaaaay. Ewan ko sa inyo, pero sana yung salitang respeto alam ninyo. Kawawa naman ex mo eh. Kawawa yung bago mong nilalandi.

At syempre, kawawa ka. 

Kasi ang hindi mo alam, sa tuwing nakikita ka ng ibang tao sinasabi nila sa isip nila na, "ay ang landi naman, kakabreak palang nya, may bago na agad syang nilalandi." 

All about pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon