Feelings that come back..

600 2 0
                                    

.. are the feelings that never left. 

Haaaay. Yung nakamove on ka na naman. Antagal nyong hindi nagkita, hindi nagkausap. Wala ka ng balita sa kanya. Akala mo okay ka na, akala mo okay na sya. 

Akala mo okay na ang lahat.

Pero hindi pala. 

Well, akala mo lang pala talaga yun. 

Pero nung nagparamdam sya, dyan na papasok yung mga tanong na..

Bakit? Akala ko ba nakamove on na ako? Akala ko ba okay na ako? Akala ko tapos na.. 

Tapos susunod yung mga tanong na.. 

Closure ba to? May second chance pa kaya? Anong kailangan ng kumag na to? Bakit nagparamdam sya? Namiss nya kaya ako? Mahal pa kaya nya ako? Pwede ba kayang magwork to kung sakaling.. magkabalikan kami? 

Yung once na nagparamdam ang ex mo, napapaback to zero ka. Parang back to zero na pagmomove on. Mapapa- anak ng $%^#^% naman oh! Ba't bumalik yung feelings?! 

Ang hirap kaya ng ganun. Bumalik lang sya, pati feelings mo sumunod na rin. Bumalik na rin. 

Eh ex mo kasi yun. 

Mahirap kalimutan. Kaya pag bumalik, hindi pwedeng hindi ka aasa na may second chance pa. Lalo na kung pakiramdam mo, walang nagbago sa inyo. Yung pakiramdam na, "ay pwede pa." 

Papasok yung palagi na naman kayong magkatext. 

Palagi na naman kayong magkausap sa telepono.

Palagi na naman kayong magkapuyatan. 

Napapagusapan ninyo kung bakit kayo nagbreak (ay bat nga ba tayo nagbreak? haha sayang tayo) 

Napapagusapan nyo yung mga nasayang na pangarap nyo.

Napapagusapan nyo yung mga pagbabagong nangyari sa inyo, noong nagkahiwalay kayo. 

Napapagusapan nyo kung pwede pa. 

At minsan, may magtatanong sa inyo "mahal mo pa ba ako?" 

At dahil may umaasa, ang isasagot sa tanong na ito ay, "oo. ikaw, mahal mo pa ba ako?" 

Maglalandian na naman kayo. 

Ooops! Don't get me wrong. Hindi ko sinasabi na mali ang magkabalikan kayo ng ex mo. Malay mo, my ex still my next zoned ka. 

Ang sinasabi ko lang, kung makikipagbalikan ka, siguraduhin mo. Kasi baka sa second chance nyo, magkamali na naman kayo. Magkasakitan. Baka makalimutan nyo na naman na yan ang second chance nyo, at baka masayang nyo. 

Rare na kasi ang second chance sa ngayon eh. Hindi lahat nabibigyan ng ganyan. Kaya kung sa tingin mo, for good naman na magkabalikan kayo at better na kayo para sa isa't isa. Give it a try. Again. Risk it lalo na kung worth it. 

Pero kung sa tingin mo, hindi magiging mabuti na magkaayos kayo ulit, edi wag na. Kasi, baka kapag lalo nating pinilit, lalo lang tayong masaktan. 

Kung sa tingin mo, hindi magiging better, wag na lang. Para din sa sarili mo, para din sa kanya. Balancing lang naman yan ng pag let go at pag hold on. Kung sa tingin mo, hindi ka magiging masaya kapag nagkabalikan kayo, wag na lang. 

Whatever you do, make sure it makes you happy. 

All about pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon