Depression

229 3 0
                                    

Naranasan mo na bang tumawa ng sobrang lakas, sumakit yung tyan mo, sobrang saya mo..


Then napatigil ka.


Nalungkot ka.


100 to 0, real quick.

That is depression.

Ang dami ng tao ang nagpapakamatay dahil sa depression, bakit nga ba? Para sa ibang tao, ito daw ay "kaartehan".

"Okay lang yan"
"Itulog mo na lang"
"Buti ka nga ganyan lang eh, yung iba mas malala pa dyan sa problema mo."
"Hayaan mo na."
"Lilipas rin yan."

Yan ang mga karaniwang naririnig ko tuwing nalulungkot ako - kapag umaatake yung tinatawag kong "100-0 real quick" Ganun pala talaga yun noh? One minute, sobrang okay ka. Then the next, yun malungkot ka na naman.

Hindi dahil sa isang dahilan.

Minsan, hindi mo na alam kung ano yung dahilan.

Ang hirap kasi ireach out sa ibang tao na depressed ka, minsan iniisip nila "suicidal" ka na agad. Baka kaawaan ka nila. Ayaw mo ng mandamay, gusto mo na lang sarilihin hangga't kaya. Depression feels like, "I am not alone, but why do I feel like I am?"

Minsan mag sspend ka ng isang araw na sobrang saya, pero pagdating ng gabi? Ayan na naman, magisa ka na naman.

Naiiyak ka na naman.

Naaalala mo na naman yung mga bagay na dapat hindi mo na naaalala.

Kasi tapos na.
Kasi nangyari na.
Kasi hindi mo na mababago pa.

Pero bakit ang sakit pa rin?

Bakit iniiyakan mo pa rin?

Kasi yung damage, malalim. Tumatak hanggang kaluluwa mo. Hindi mo na maalis sa isip mo.

Minsan okay naman, pero may mga pagkakataon talaga na bakit parang ang lungkot na naman? May mga panahon na naiisip mong "wala eh, ganun na talaga ang buhay."

Minsan masaya, madalas malungkot.

Ang hirap, at the end of the day all you have is yourself.

That has to be enough.
It is tough.

To everyone who's struggling, kaya nyo yan. Ilapit mo sa Diyos, iiyak mo. Sabihin mo lahat ng hinanakit mo, hilingin mo na sana kunin na nya yung sakit. Iiyak mo hanggang sa mapagod ka na. Bumangon ka pa rin araw araw, hangga't may chance - maniwala ka sakin - kaya mong bumawi. Kaya mong bumangon. Kaya mong isurvive ang shit na mundong ito.

All about pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon