Fambam (Dedicated to my family)

380 2 0
                                    

Pag ba all about pag ibig, tungkol lang sa 2 tao? Diba, hindi. 

This page is for my family. 

Realizations ko lang about my family. 

Masasabi ko na sobrang swerte ko sa pamilya ko. Literal na swerte. Una, kasi buo kami. Pangalawa, masaya kami. Pangatlo, mahal na mahal namin ang isa't isa. Walang pagsubok na hindi namin hinarap ng sama sama. Ganon ako kaswerte sa pamilya ko. Ganon sila kalahaga sakin. Yung bond namin araw araw. Simpleng kakain kami ng sabay sabay, magkkwento tungkol sa nangyare noon. Magkkwento ang tatay ko ng mga karanasan nya na nagtuturo din samin para mabuhay kami ng maayos. Masasabi ko na napalaki kami ng maayos ng mga magulang namin. Yung mga life advice nila, kakaiba. Talagang hugot kung hugot! 

Open na open din ako sa parents ko. Nakakapagsabi ako ng problema sa kanila, tapos kapag umiiyak ako papatahanin nila ako. Sila yung klase ng magulang na strikto, pero sweet. Yung kapag malungkot ako sasabihan nila ako, "ate, bakit ka malungkot?" Ate kasi ang tawag nila sa akin simula noong pinanganak ang kapatid ko. Pero kapag Kristel na ang tawag sakin ng nanay o tatay ko? Naku, galit sa akin ang mga yun kapag ganon. Pero syempre, hindi nila ako natitiis. 

Noon, mahilig ako magbaby talk. Yung tipong, "mommy! (Inay talaga ang tawag ko sa mama ko) i want this, that, everything!" Spoiled ako sa kanila, lalo na sa tatay ko. Yung mga pwede nyang ibigay, binibigay nya talaga. Humiling ako ng camera for my graduation gift, binigay nya. Humiling ako ng bagong cellphone, binigay nya. Mga simpleng bagay na alam kong pinagtrabahuhan nya. Alam kong kasama yun sa mga pinaghirapan nya. Sya yung tipo ng tatay na, mainitin ang ulo, akala mo palagi galit pero pag sinabi ko ng "bat po kayo galit?" sasagot yun ng, "hindi ako galit" tapos ngingiti, laging isasayaw ang nanay ko tuwing tutunog ang theme song nila. Yung tipo ng tatay na masarap magluto! Kaya ang lulusog namin ng kapatid ko eh. Yung tatay na maalaga. Yung tatay na open sa aming pamilya. Yung tatay na mahal na mahal kami. Yung tatay na tinuturuan kami ng magandang asal. Yung tatay na palaging nandyan. Yung tatay na corny magjoke. Yung tatay na hardworking. Yung tatay na strikto pero sweet. Yung tatay na, para sa akin perpekto. Yung tatay na hihilingin ng lahat. Tatay ko yun! Mahal na mahal ko yun! Daddy's girl nga ako eh. Proud ako dun, kasi yung iba hindi close sa tatay nila kahit nandyan lang sa tabi nila. Ako? Magkalayo man kami tuwing nasa ibang bansa sya, at kahit pa nasa bahay sya, close na close kami. 

Yung inay ko naman? Mainitin din ang ulo nya, lalo na pag sinusumpong ako ng katamaran ko. Gusto nya palaging okay ang mga bagay bagay dito sa bahay. Gusto nya makitang maayos kami ng kapatid ko. Maganda ang nanay ko. Tuwing ipapakita nya ang picture nya noong dalaga pa sya, mapapaisip ako, swerte ng tatay ko dito sa nanay ko ah! Maganda kasi sya at mahinhing babae. Hindi yun tumatawa ng sobrang malakas. Ako, oo. Tumatawa ako ng ganon. Hindi ko namana sa kanya ang pagiging Maria Clara nya eh, lol. Maalagain din yon. Strikto din katulad ng tatay ko, pero hindi naman sobra. Pag nagpapaalam ako ng maayos sa kanila, pinapayagan nila ako. Basta wag lang uuwi ng gabi at wag kung sino sino ang kasama. Gusto rin nila na kilala ang friends ko. Gusto rin nila na open ako sa kanila. Yung nanay ko, mabait. Sobrang bait. Ayaw kong umiiyak yun eh, kasi ako ang nasasaktan. Gusto ko lagi syang okay, lagi silang okay. 

Yung kapatid ko naman, sobrang mabait din. Maasarin nga lang, lagi nya kong inaasar na mataba daw ako. Tsaka, masunurin yon. Utusan ko yun eh. Hahaha! Lagi nya man akong inaasar, kapag magkaaway kami, lagi yun magpaparinig. Mahilig yun manlibre. Matakaw. Mataba, sya naman talaga ang mataba saming dalawa eh. Masayahin din yun. Pero pag umiyak yon, alam kong totoong iyak yun. Mom's boy yun. Ako naman, dad's girl. Maalaga din yun. Masipag mag aral. Matalino yun at magaling sumayaw. Mahilig din sa sports, lalo na sa volleyball. Makulit yun, katulad ko. 

Mahal ko silang tatlo. Bakit ko pa ba mamadaliin ang love na yan? Andito naman ang tatay ko para sabihan ko ng i love you, ang nanay ko para may mag alaga sakin, para may magsabi sakin na kumain ako. Ang kapatid ko, para kulitin ko at awayin ko pag wala sa mood. Bakit pa kailangan ng boyfriend? Bakit pa kailangan magmadali? Hindi naman sa hindi na magmamahal, pero sa ngayon....

Kuntento na ako sa pamilya ko. Kuntento na ako sa masayang pamilya ko. 

All about pag-ibigDonde viven las historias. Descúbrelo ahora