"Masaya ako para sa inyong dalawa.."

953 5 0
                                    

Nagsisinungaling ka eh. Hindi ka naman talaga masaya para sa kanilang dalawa. kasi sa tuwing makikita mo silang magkasama, gusto mong kumuha ng baril at barilin silang dalawa. Naiinis ka no? Kasi, ikaw naman dapat ang kasama nya. Hindi ang bagong tao sa buhay nya. Bumibilis ang tibok ng puso mo, kasi kabado ka. 

Kasi nasasaktan ka. 

Aminin na nating lahat na hindi madaling sabihin ang mga linyang, "masaya ako para sa inyong dalawa.." 

Hindi ka naman masaya para sa kanila eh. Ang totoo, gusto mo pang mabalik lahat sa dati. Kaso nga lang, no choice ka, kasi hindi na naman kayo eh. Tapos na kayo. Ano pa bang magagawa mo?

Edi ang maging masaya para sa kanilang dalawa. 

Kahit niloloko mo pati ang sarili mo. Yun na lang kasi ang way mo para mailet go sya, ang maging masaya para sa kanilang dalawa. 

Bawat status, tweet o picture na makikita mo, wala kang ibang choice kundi ang tumitig na lang sa kanila. 

Eh masaya kasi sila. 

Eh nakamove on na kasi sya. 

Paano naman ikaw? Kelan ka magmomove on? Kelan mo masasabi sa sarili mo na, "finally! masaya na talaga ako para sa kanilang dalawa!" 

Aminin na rin natin na minsan nagiging selfish tayo, gusto natin sa atin lang ang taong mahal natin, pero sya? Ayun, pagmamay-ari na ng iba. Isa na lang syang alaala. Isang alaalang ayaw mong burahin, isang alaalang hindi mo kayang limutin. 

Miss mo na sya 'no? 

Katulad ni Basha, hinihiling mo rin na sana masabi mo sa kanya na masaya ka para sa kanilang dalawa. 

Pero hindi eh. 

Hindi mo masabi. 

Okay, nasasabi mo pero hindi naman totoo. Dahil sa bawat imik mo na, masaya ka para sa kanila, may kirot dyan sa puso mo na nagsasabing, "tanga, hindi ka masaya." 

Kulang na kasi ang buhay mo. 

Hindi na kumpleto simula nung nawala sya, simula nung naghanap na sya ng iba. 

Masisisi mo ba sya? Eh sumuko eh. 

"Masaya ako para sa inyong dalawa.." isa sa mga pinakaplastik na linyang sasabihin mo sa taong mahal mo. 

Sana kaya mo 'no? Sana kaya mong sabihin na okay ka lang, sana kaya mong sabihin na masaya ka para sa kanila, sana kaya mong kalimutan lahat at maghanap na lang din ng iba. Ofcourse, kaya mo naman talaga eh. 

Ayaw mo lang. 

Kasi nakahawak ka pa rin sa pangako nyang forever na kayo, sa pangako nyang sa huli, kayo at kayo pa rin. Kaya hindi ka makamove on eh. Kasi, memories? They break us. Sinisira ka nila eh. Kaya tuloy, urong sulong ka dyan sa pagmomove on mo. Nakahawak ka pa rin kasi sa isang bagay na hindi mo kayang bitawan. Sa isang bagay na pinasaya ka kahit maikling panahon lang, kahit panandalian lang. 

Wag kang mag-alala, isang araw masasabi mo rin sa kanya, "baliw, ano ka ba? masaya ako para sa inyong dalawa."

Walang halong biro, walang halong kaplastikan. 

All about pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon