Perpektong boyfriend ampeg?

1.2K 9 0
                                    

Yung lalaking papasabugin ang inbox mo pag di ka nagrereply. Tatawagan ka kasi nag aalala sayo. Hindi ka lolokohin. Hindi tumitingin sa ibang babae kasi alam na magseselos ka. Yung lalaking hindi naman perfect pero kahit sinong babae mamahalin sya. Yung lalaking hindi makikipagtext sa iba kasi loyal sya sayo. Yung lalaking may pananaw at pangarap sa buhay. Yung lalaking gusto kang makasama habang buhay. Yung lalaking priority ka. Yung lalaking hindi pumapatol sa bakla para makahingi ng pera. Yung lalaking malinis ang konsensya. Yung lalaking yayakapin ka pag nalulungkot ka. Yung lalaking hindi ka sasabihan ng masasakit na salita. Yung lalaking kaya kang mahalin hindi dahil sa kung anong meron ka. Kundi dahil tanggap ka nya. Yung lalaking loyal at walang ibang tinetext pag di kayo naguusap. Yung lalaking kahit pasmado ang kamay mo, gusto pa rin nyang hawakan. Yung lalaking proud kasi sa kanya ka. Yung lalaking ikikiss ka sa noo. Yung lalaking totoo magmahal, yung lalaking kuntento sayo. Yung lalaking gago, pero kayang magseryoso.

Yung lalaking pinaparamdam sayo na safe ka. Sya yung taong kahit anong problema pa, masasandalan mo. Pwede mong maging unan. Pwede mong maging bestfriend. Yung lalaking sasabihan ka ng “tahan na, papangit ka nyan. Sige ka.” Yung taong kahit gaano mo pa kadalas awayin, iintindihin ka at mamahalin ka. Yung taong pinaparamdam sayo na hindi ka mag isa at hindi ka nya iiwan. Yung kaisaisahang tao na nagtama ng mga mali sa buhay mo. Yung taong nandyan at pinaparamdam na hindi mo lang sya boyfriend, kundi bestfriend rin. Yung taong handang talikuran ang nakaraan mo at tatanggapin ka. Yung taong hindi kakayanin na wala ka. At yung taong pwede mong iyakan pag may problema ka.

Yung lalaking mamahalin ka kahit gaano ka pa kalakas humilik, kahit gaano ka pa katakaw, kahit masyado kang moody at lagi mo syang inaaway, kahit bookworm at hindi ka ganoong kaganda. Yung lalaking tanggap kung ano na. Yung lalaking pinapagmalaki ka sa tropa nya, ipapakilala ka sa magulang nya, hahalikan ka sa noo pag pauwi na kayo at sasabing, “ingat ka ha, text mo ako pag uwi mo.” Yung lalaking sasabayan ang trip mo. Yung lalaking ihahug ka pag nalulungkot ka. Yung lalaking ipapagluto ka. Yung kakantahan ka at irerespeto ka. Yung lalaking alam mo at sigurado ka na sya na ang mamahalin mo habang buhay.

Yung lalaking ipaparamdam kung gano ka kaganda lalo na pag naiinsecure ka sa mga babaeng pinagseselosan mo. Yung lalaking kung tingnan ka eh parang ikaw ang pinakamaganda sa mata nya. Yung hindi na hahanap ng iba, yung nag eeffort para pasayahin ka. Sweet talaga nung lalaking maeffort, halimbawa monthsary or whatsoever man yon, yung lalaking bibigyan ka ng loveletters. Hayszxht.. Meron pa diba? Uhm, tsaka yung lalaking sasama sa barkada nya hindi para mapaaway, kundi para magpatulong sa pagsuyo sayo.

Nakakatuwa yung lalaking nagsisimba. Kasama ang pamilya nya. Kasi, ang cute tingnan. Na kahit may girlfriend sya, hindi nya nakakalimutan magthank you kay God, tsaka ang magbonding sila ng pamilya nya. Nakakatuwa lang kasi kasama ka sa dasal nya, kasama ka sa mga bagay na pinapagpasalamat nya sa Diyos. Yung mga bagay na sasabihin nya sayo, alam mong commited din sya kay God. Yung mga bagay na nakakatuwa tingnan at maramdaman kasi yung boyfriend mo maka-Diyos at mahal na mahal ang pamilya nya. Alam mong gusto nya ang ganun, pwede nyang gawin yun sa magiging pamilya nyo. Yung ayaw nya makakalimutan ang Diyos at ang pamilya nya kahit busy sya sa magiging trabaho nya. 

Athlete na boyfriend. Yung tipong hindi dota ang gusto nya kundi basketball, volleyball, badmintoon, football, at kung ano ano pa. Tuwing may laro sila, andun ka at nakikicheer. You promised to cheer more than anyone else. Nakakaproud pag may boyfriend kang athlete. Ikaw ang inspirasyon, at para sayo ang bawat points na magegain niya. Kahit gaano pa kapagod, isang ngiti at isang congrats mo lang, matutuwa sya. Importante sa isang boyfriend na katulad nya ang makitang nanonood ka ng bawat laro nya. Andun ka at nagchecheer na parang ikaw ang nanay nya, proud na proud at masasabi mo sa sarili mo na proud girlfriend ka dahil ang boyfriend mo may hilig sa sports, hindi sa dota o babae. 

Uhm.. perfect boyfriend ampeg? 

All about pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon