Chapter 5 Superhero

Start from the beginning
                                    

"But mom-"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng naputol na ito. Wala na naman po ang signal. -___________- Kaya pala kanina.. nagloloko 'yong connection.

Kung hindi ako makakauwi dahil sa malakas na ulan, edi maghahanap nalang ako ng hotel na pwedeng tulugan. Tsaka may payong naman ako. Ayoko ngang matulog sa lungga ng lalaking 'yon. Safe daw ako doon? Eh pinupugaran nga ng masasamang elemento ang condo nun. Dibale ng wala akong shoes, may payong naman! :-P

Go Trish! Makakahanap ka ng hotel. Think positive. ^_^

"Brrrrr. A-a-ang la-a-a-mig.." nangangatal ko pang wika. Kasalukuyan akong nasa harap ng ARIA. Hindi na ko makahakbang dahil sa lakas ng ulan at hangin plus 'yong paa ko parang nagyeyelo na.

Patuloy kong inaaninag kung may taxi na dumaraan. Dahil sa sobrang lakas ng ulan halos di na makita ang daan. Maya-maya'y nilipad ang payong ko.

"Anak naman ng ketchup oh!" hahabulin ko pa sana ang aking payong kaso useless din. Basa na ko. "Wuuuu.. Brrrrr.." nangangatal ko pang wika habang pilit na inihahakbang nalang ang aking mga paa pabalik sa loob ng ARIA.

"No choice. Dito nalang talaga ako sa ARIA." Umupo ako sa upuan na nakita ko. Niyakap ko nalang ang sarili ko.

Lord, bigyan nyo naman po ako ng himala. Sana naman may super hero na maglilitas sa'kin ngayon..

Napatigil ako sa aking pagdadrama ng tapikin ako ni manong guard.

"Ma'am si sir Clarence po nasa labas. Hinahanap po kayo." wika pa nito.

Nag-aalangan pa 'ko kung lalabas ako o dito nalang hanggang mag-umaga. Kaso sobrang giniginaw na 'ko kaya lumabas nalang ako. Natanaw ko kaagad ang kotse ni Clarence sa tapat. Nakita ko syang lumabas ng kotse at may hawak na payong. Kaagad syang lumapit sa kinaroroonan ko.

"Are you alright?" bakas sa mukha nito na nag-aalala nga. Hinubad nya ang suot nyang jacket at ipinasuot 'yon sa'kin.

"O-okay l-lang a-ako." nauutal ko pang wika at nag-iwas ng tingin. Bakit ganun sya makaasta? Feeling boyfriend? Remove that feeling, boyfriend nalang kasi. Chos! Trish, naulanan ka lang. Kaya ka ganyan. Nabaliw ng konti eh? :'3

Giniya nya ako papuntang kotse habang ang isang kamay ay nakahawak sa payong at ang isa ay nakahawak sa bewang ko. Wag dyan may kiliti ako dyan. Haha! Maharoooot! XD pagkatapos kong makasakay ay umikot sya sa kabila at sumakay na rin.

"Magpalit ka nalang ng damit sa likod. May T-shirt akong malinis don." wika nito.

"Huwag na. Okay lang naman ako." tanggi ko pa sa kanya. Tsaka haller? Lalaki sya noh. And kami lang dalawa dito. Baka mamaya.. anu.. marape ko sya? Eherm! Mali pala.. baka marape nya 'ko. X) Ganda ko kaya. I'm so gorgeous from head to toe, no doubt about that. Bakit? May angal? Ipapasipa ko kayo sa kabayo. Sige.. Kala nyo ha. ^.^

"Kung iniisip mong sisilipan kita. Hindi mangyayari 'yon. Hindi ka naman kagandahan. Tsaka.." pagbibitin pa nito ng salita at mataman akong tinignan.
"Magbihis ka na nga kung ayaw mong magkasakit." dugtong nito at biglang tumingin sa labas.

"Abat-- H-hoy mister. For your information, maraming nagpapakamatay ng dahil sa kagandahan ko noh. Tapos sasabihin mong hindi ako maganda?! Sumusobra ka na ha." singhal ko sa kanya.

"Tss. Magbihis ka nalang. Dami mo pang satsat." ganting saad nito.

"Ayoko nga. Hindi ako magbibihis dito. Swerte mo naman kung makikita mo ang beautiful body ko." pabalang kong sagot sa kanya at inikutan ng mata.

"Asa. Isusuka ka nga ng utak, puso, katawan at kaluluwa ko. Haha! Nikatiting nga hindi kita pinagnanasaan. Baka ikaw.. Sabagay.. Sa gwapo kong 'to? Sino ka ba naman para hindi ako pagnasaan." pahayag nito habang mataman na nakatingin saking mga mata at ngumiti pa ng nakakaloko.

"Yuck! Maghunus-dili ka nga. Ikaw? Gwapo? Pagnanasaan ko?
Never! Over my yummy, sexy and gorgeous body!" singhal ko sa kanya. Pakiramdam ko tutubuan ako ng buntot at sungay ng dahil sa hudyong 'to. Paki-tignan nga guys, baka tinubuan na talaga ako ng sungay at buntot. XD

"Hahaha. Easy lang. Namumula na mukha mo. Alam ko namang hot ako kaya relax lang." saad nito at humalakhak pa habang ang kamay ay nasa tiyan.

Pisti! Paghindi talaga ako nakapagtimpi.. Mapapatay ko 'to! Kaya.. Lord, patawarin mo po ako kung makakapatay ako ngayon. Magbabawas lang po tayo ng masama.. Ibalato mo nalang po sakin 'tong isang 'to.

Nag-iwas nalang ako ng tingin at sumandal sa upuan.

Huwag nalang. Ayoko ngang madungisan ang precious hands ko. Tsaka ayokong mabalita na "Babae nakapatay dahil pinagtawanan." Duh..

Naramdaman ko nalang na umandar na ang kotse. Walang nagsasalita sa amin habang nasa byahe. Patuloy lang syang nakatingin sa harap at nagmamaneho. Kaya pumikit nalang ako.. hanggang sa dalawin ng antok..

Clarence POV

Habang nasa byahe katahimikan lang ang bumabalot sa'min. Sinulyapan ko kung anong ginagawa nya at ayun.. nakatulog na pala sya. 15 mins palang. Ang bilis naman. Buti nalang din hindi na gaanong malakas ang ulan. Pero dahan-dahan pa rin 'yong pagpapatakbo ko ng sasakyan. Mahirap nang madisgrasya. Sayang ang lahi. Haha! Nandito na kami ngayon sa parking lot. Pang 5 floor pa ang condo ko.

Tinapik-tapik ko sya para sabihing umakayat na kami. Pero hinawi lang nito ang kamay ko at parang nanginginig pa. Dinama ko ang kanyang noo at.. Fvck! Mainit sya.

"Dadalhin kita sa hospital." bubuksan ko na sana ang makina ng hawakan nya ang kamay ko.

"Ayoko. Please.. wag mo 'kong dalhin sa hospital." bakas sa mukha nito ang takot.

Wala na 'kong magagawa. Ayaw nya ee. Mukhang takot talaga syang pumunta ng hospital. Bakit kaya? Hmmm. Dibale na nga lang. Lumabas nalang ako at umikot sa kabilang side para pagbuksan sya ng pinto.

"Labas na." wika ko. Parang ginaw na ginaw sya. Inabot ko ang kamay nya upang alalayang makatayo. Kinuha naman nya iyon at dahan-dahang tumayo. Fuck! Bakit parang may dumaloy na kuryente ng hawakan nya ang kamay ko.

Nakakailang hakbang palang kami pero parang hindi nya na kaya. Pinipilit nya lang makalakad. Kaya binuhat ko nalang sya. Bridal carry. Buti naman at hindi na sya nagpumiglas pa.

Who's FAULT?Where stories live. Discover now