“Potato naman ‘to e!” Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi niya parin ako pinagbigyan. Nakakainis, masyado siyang health concious, palibhasa model.

“Still, mataas ang calorie content niyan at di healthy.” Padabog kong binalik yung Potato Chips sa shelf.

“Hi Kai!” Biglang may babaeng lumapit saamin. Matangkad siya at wavy ang buhok niya, itsurang model sa kinis ng legs dahil naka-hipster shorts ito.

Tiningnan siya ni Kai, animo’y kinikilala pero siguro ayaw mapahiya nung babae kaya siya na mismo ang nagpakilala, “Sunshine here, remember?”

“O, Sunshine! How are you?” Nakangiti pa ang mokong. Kainis ah?

Dahil sa banas ko sa kanila, kumuha ako ng isa pang pushcart at naglagay ng mga pagkaing ayaw ipakuha sakin ni Kai. Kumuha ako ng soda, chichirya and 5 packs of Potato chips. Hinayaan ko siyang makipaglampungan doon sa matangkad na babaeng yun!

Saktong papunta na ako sa counter nung nakasalubong ko siya, hindi na niya kasama yung babae kanina. Inirapan ko siya nung nakita kong nakangiti siya saakin. Pero nawala yung ngiti niya nung nakita niya yung laman ng cart ko. Ano ka ngayon?

Kalaunan ay nangiti din siya kaya’t sinamaan ko siya ng tingin.

“Dami niyan ah?” Aba, bakit di siya galit?

“Talaga.” Note the sarcasm.

“May pambayad ka?” That’s when I realized na di ko pala dala yung wallet ko. Mangiyak-ngiyak kong binalik yung sandamukal na junk food. Muntikan ko pang hindi ibalik yung potato chips. Kainis naman ‘tong si Kai!

Padabog ko siyang pinuntahan sa counter, inakbayan niya ako pero di ko siya pinansin. “Ang selosa mo talaga,” Napatingin samin yung cashier na kanina ay malagkit ang tingin kay Kai. Nanlaki ang mata niya when she realized I am Kai’s girlfriend. Oh ano? Lalandiin mo boyfriend ko? Off-limits to! Kainis.

“Landi mo kase.” Inirapan ko pa. Pero bigla niya akong hinalikan sa noo. Masyado na kaming PDA sa grocery at napansin kong marami nang nakatingin samin at yung iba, pinipicturan pa kami, I mean- si Kai lang ang pinipicturan. Asa naman ako, si Kai ang sikat, not me.

“Si Sunshine yun, girlfriend yun ni Paul.” Kinurot ko siya sa tagiliran, there I managed to smile. “Huwag nang maselos.”

All expense paid. Nakakahiya, ang yaman kasi ni Kai. Biruin mo yung pinamili niya pang isang buwan ko nang pagkain. Nakakataba… nakakataba ng puso.

Napagkasunduan namin ni Kai na doon muna ako sa condo niya tutuloy habang nasa field trip siya. Kailangan kasi ng kasama ni Aikee, kaya ako muna ang magbabantay. Kapag nasa school ako, may pupuntang maid para ito naman ang magbantay. On-call lang kasi ito dati pero pinakiusapan namin siyang mag-stay muna sa condo ng 1 week kahit tuwing umaga lang, sa gabi, ako na bahala kay Aikee. Pumayag naman si Ate Tesang, yung maid.

365 Days with EXODär berättelser lever. Upptäck nu