Chapter 39

475 17 0
                                    

Chapter 39

Ilang araw na rin akong nasa farm namin! Pinili ko yung farm ni Mama na nasa South Cotabato para malayo at hindi ako basta basta mapupuntahan na kung sino! I was a runaway girl that night! Alam kung hinahanap ako ni Xian but I really need to do this! Ayokong ako ulit ang sumira sa kasunduan nila! Nasira ko na ito noon ng minsan ko ng inagaw si Yohan kay Channyl. Ayokong ulitin ulit iyon! Tama na!

"Ally, pagkaon na! Naa na kuy naluto sa balay!" Napabaling ako kay Nanay Isang na ngayon ay may dala dalang pinitas na talong!

"Susunod ako, Nay!" Tumango ito at agad na umalis! Nasa bahay kubo kasi ako at nagpapahinga! Kakatapos ko lang magbigay ng pagkain sa nagtatarabaho dito sa farm nila Mama! Harvest kasi ng tanim naming kamatis ngayon and after this, atsal naman ang itatanim nila!

Sumakay ako sa scooter na pinahiram sa akin ni Kuya Drake!

Noong nakarating ako sa bahay nagulat  ako ng makita ko si Kaye na nakaupo sa living room!

"Kaye?!" Agad siyang napaangat ng tingin, tumayo ito at agad akong sinampal!

"Why you didn't tell me?" Sigaw nito! Tulala pa rin ako sa ginawa niyang pagsampal! Hindi ko alam kung ano bang hindi ko sinabi sa kanya!

"What are you talking about? Iyon ba ang unang bati mo sa akin?" Napasigaw na rin ako! This is the first time that she did it to me! Hindi ko lubos maisip na magagawa niya ito sa akin!!!

"Si Yohan pala ang ama ng anak mo at fiancee ng bestfriend ko!!" Napatigil ako sa sinabi niya! Bestfriend? Si Channyl? How?!!

"You slut!" Susugurin niya sana ako ng makita kong pumasok si Kuya Drake at agad siyang inilayo sa akin!

"What's happening here?! Kaye?!!" Sigaw ni Kuya ng bigla na lang itong nagpumiglas sa pagkakahawak ng Kuya niya!

"That cousin of yours is a slut!!" Sigaw nito! Napayuko ako at nagsiunahang tumulo ang mga luha ko! Kadugo ko siya pero bakit mas kinakampihan niya pa ang iba kesa sa akin? And she accused me quickly! She didn't know anything!!

"Ikaw pala yung nanulot kay Yohan kaya napilitang umalis si Channyl sa Pilipinas at nangibang bansa! How dare you, Allysoon! Hindi ko akalain ng mang-aagaw ka pala! You such a big slut and bitch! Yuck! You give Channyl so much pain at muntikan na siyang mag-suicide dahil sa ginawa mo! I hate you!" Galit na galit na sabi nito!!! Hindi ako naka-imik sa sinabi niya! Hindi ko ginawa iyon! At sa una pa lang, tinutulak na ako ni Channyl kay Yohan! Ang sabi niya, gusto raw ako ni Yohan, iba ang pinapakita ni Yohan sa akin kumpara sa kanya at ngayon! Ako pa ang mali? Saan ba ako nagkamali doon? I try my very best na iwasan si Yohan pero siya ang lumalapit sa akin! Pero may boyfriend na si Channyl bago siya umalis! At ang Ashley na iyon? Ano ba talaga niya iyon?

"I promised to her that whoever that damnwhore bitch is, I will kill her!" Dagdag pa nito!

"Then kill me! Kill me now!" Matapang na sabi ko! Hindi niya na ako nakikitang kadugo niya para gawin ang bagay na yan, then gawin niya! Kung iyan ang makakawala ng galit niya sa akin!

"KILL ME, KAYE!" Sigaw ko! Punong puno na ng sakit at sama ng loob ang pagkatao ko! Hindi ko alam kung saan ako nagkamali! Hindi ko alam kung bakit humantong ang lahat sa ganito! Nakita ko siyang napahagulhol at napaupo sa sahig!

Nang hindi ako nakarinig na sagot kay Kaye agad akong pumanhik sa kwarto ko! And for the 2nd time, lilisanin ko ulit ang bansang kinagisnan ko! Babalik ako ng states kung saan ako nabuo ulit at sa pagkakataong ito, hindi ko kasama ang anak ko! Mag-isa at walang karamay!

I felt like the world against to me! Naging mabuti ako pero bakit tila ba ayaw akong bigyan ng pagkakataong maging masaya!

Hila-hila ko ang maleta ko, nasa living room pa rin silang dalawa ni Kuya Drake! Napaangat ng tingin si Kuya at agad akong nilapitan!

"Where are you going, Ally?" Tanong ni Kuya. At sa halip na sagutin siya, si Kaye ang hinarap ko!

"Isipin mong napatay mo ako, Kaye! Aalis ako at hindi na magpapakita pa! Ako ang nag-umpisa kung bakit naging kumplikado ang relasyon ni Yohan at Channyl! At ako rin ang magtatapos! I assured you, hindi niyo na ako makikita pa!!" Ani ko sabay alis sa harap nila!

"Allysoon! Pag-usapan natin to!" Sinundan ako ni Kuya agad ko siyang hinarap!

"Huwag na Kuya Drake! Salamat!" Ani ko sabay alis na!

Habang lumalayo ako, kasabay din noon ng unti-unting pagkadurog ko ng pagkatao ko!

"I'm sorry, Xian!" Bulong ko sa hangin!

Back to YouWhere stories live. Discover now