Chapter 20

397 16 0
                                    

Chapter 20

Nagmamadali akong naglakad papunta ng library! Gash! Kanina ko pa nakikitang naghihintay si Yohan sa labas ng room namin! Bakante kami ng isang oras dahil wala yung isang prof. namin sa isang subject!

Dahan dahan akong pumasok sa loob ng library at pumwesto sa pinakadulo! Sana naman hindi niya maisipang pumunta dito! Tsaka nagtataka rin ako sa sarili ko! Bakit ba nagtatago ako sakanya? Wala naman akong ginawang masama sa kanya ah! Umiiwas lang ako, iniiwasan ko lang siya! Iyon yun!

Naramdaman kong gumalaw ang katabi kong upuan, hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy lang sa pagpe-pretend na nagbabasa!

"Are you sure you are reading? Nababasa mo iyan na nakabaliktad?" Nanigas ako! What the hell! Nasundan niya talaga ako! Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang pagpipigil niya ng tawa! Dapadss!

"Wala kang pakialam!" Singhal ko dito! He chuckled! Gash! Ayoko na!

"Iniiwasan mo ako!" Hindi ko alam kung tanong ba iyon o ano!

"H-hindi!" Sagot ko naman!

"Tss!"

"Aalis na ako!" Tumayo ako pero nahatak niya ako kaya napa-upo ulit ako!

"You want to leave me again, huh!" Ani nito sa malamig na boses!

Umiling ako!"Hindi naman kita iniwan, tsaka walang tayo!" Sagot ko dito! Nagtiim-bagang siya! Mukhang nagalit ko siya! Totoo naman kasi yung sinabi ko!

"Anong gusto mong mangyari?" Tanong nito saakin! Natahimik ako! Hindi ko alam kung ano ang gusto ko! Ang gusto ko lang ay kalimutan mo na si Channyl! Gusto ko iyong sabihin ngunit natatakot akong baka mapahiya! Ayokong mapahiya!

"H-huwag mo ng ituloy ang binabalak mo!" Sabi ko!

"Paano kung ayaw ko!" Matigas niyang sabi! Nagulat ako sa sinabi niya!

"What do you mean?" Kinakabahan kong tanong!

"Gusto kitang ligawan, dahil gusto kita!" Medyo malakas na pagkakasabi nito! Kaya napatingin ang ilang estudyanteng naroroon sa loob kasama namin! The hell, Yohan! Kailangang isigaw?!!

"Let's go!" Tumayo siya at hinila ako! Damn you, Yohan! Marami na naman akong bashers nito! Pero hindi ko napigilang kiligin sa sinabi niya!

Nakahawak siya sa kamay ko habang tinatahak namin ang hallway papuntang classroom namin! Maraming nakatingin saamin at nagbubulungan! Yohaaan naman! Take off my hand! Sht!

Natigilan naman ang mga kaklase namin sa biglaang pagpasok naming dalawa! Kabilang na roon sina Meshel. Nagtataka ang mga mukha nila pero kita ko sa mukha ni Aica ang sobrang saya at kilig!

"I want to talk to you girls!" Sabi nito at agad na kinuha ang bag nito, kinuha rin nito ang bag ko at sinukbit ito sa balikat niya! Kinuha rin ng tatlo ang bag nila at agad na sumunod saaming dalawa!

Sakay na kaming apat sa sasakyan ni Yohan! Nasa front seat ako at nasa likod naman ang tatlo! Nakalabas kami ng school ng walang aberya! Mabuti naman at pinalabas kami, kahit class hour pa! Sabagay, kasama nga pala namin ang pamangkin ng school na ito!

"Saan ba tayo pupunta, Yo?" Tanong ni Meshel dito!

"Anywhere!" Tanging sagot nito!

Sa isang restaurant kami dinala ni Yohan! Siya na ang nag-order at naiwan kaming apat sa table namin! Kanina pa ako tinatanong ng tatlo kung ano ba ang nangyayari! Nagkibit-balikat lang ako!

Lumapit na saamin si Yohan! Seryoso ang mukha niya!

"What now, Yohan?" Nakataas kilay na tanong ni Regine dito!

"Gusto kong ipaalam sa inyo na liligawan ko si Allysoon!" Ani nito na nagpatigil sa tatlo!

"Are you sure about this? Baka naman gusto mo lang maging rebound si Ally dahil mayroon ng boyfriend si Channyl! You want to use her for the replacement!" Nakataas na kilay ni sabi Regine!

"Hindi sa ganun-"

"Hindi sa ganun? I know you for a long time, Yohan! Kaya mong paikutin sa palad mo ang lahat with a snap of your finger! Alam kong hindi ka pa sigurado kay Allysoon o ano pa iyan! Ayoko!" Matigas na pagtanggi ni Regine! Galit na galit ang mababakas sa mukha niya!

"Reg!" Angal ni Aica!

"Bakit hindi natin subukan? Nakita naman natin kung paano niya alagaan si Allysoon, tsaka si Ally ang makakasagot niyan!" Ani pa ni Aica!

"Alam kong nabibilisan kayo, pero gusto ko siya!" Sabi ni Yohan na nagpatigil na sa dalawa! Tahimik lang na nakikinig si Meshel sa harap ko!

"Liligawan ko siya!" Dagdag pa nito!

Back to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon