Chapter 13

354 15 0
                                    

Chapter 13

Hinila ako ni Channyl at pumwesto kami sa isang bonfire na palagay ko ay ginawa na nila kanina habang tulog ako! Nakapwesto na rin ang iba and lastly, dumating sa sila Yohan at pumwesto ito sa harap ko! At talagang sa harap ko pa talaga ha!!

Inikot na ni Donnie ang bote itinuro nito si Martina!

"Truth or dare?" Tanong ni Donnie dito!

"Truth!" Sagot nito!

"Sige! Sa lahat ba ng naging boyfriend mo, may nagyari sa inyo?!" Humalakhak ito bago sumagot!

"Di mawawala yan!" Natawa ulit siya! At talagang proud pa siyang isigaw ito sa harap namin!

"WHOOAH!" Sigaw ng mga boys namin na kaklase! Tsk tsk tsk!

"Spin the bottle!" Utos ni Donnie kay Martina! Inikot nito at si Jeric ang itinuro nito!

"Truth or dare?!" Tanong ni Martina dito!

"Dare!" Maangas na sagot nito!

"Sige nga! Halikan mo ang unang babaeng makita mo!"

"Easy!!" Mayabang na sabi pa nito! Naghintay kami ng ilang segundo at timing naman na may dumaang sexy'ng babae, nag-usap sila sandali bago namin nakitang hinalikan niya ito! Tumagal iyon ng 15 seconds!

Nagpalakpakan naman ang mga lalaking kasama namin habang papalapit saamin si Jeric! Mayabang talaga kahit kailan!

"Gusto ko rin ng ganun!" Ani Donnie!

"Di pwede gaya-gaya bro!" Asik naman ni Jeric dito! Nagbatukan naman silang dalawa!

Inikot na ni Jeric yung bote at itinuro nito si Meshel!

"Whoah! Truth or dare, babe?!"

"Truth, babe!"

"May boyfriend kaba, babe?!"

"Oo, meron babe!" Bigla nitong hinawakan ang puso nito at umaktong nasasaktan! May gusto ito kay Meshel?!

"Sayang naman! Huhuhuhu!" Tinawanan naman siya ni Donnie! Mga isip bata eh!!

Nagpatuloy ang laro, and thankful ako kasi ni minsan hindi ako naturo ng bote!

Natigil ang lahat ng bigla itong itinuro si Yohan! Dahil si Regine ang nag-spin ng bottle, siya rin ang magtatanong! Bigla naman akong siniko nito ng palihim! Alam ko ang tumatakbo sa isip nito eh!

"Truth or dare, Yohan?!" Tanong nito!

"Truth!" Sagot nito!

"Ohhh! Mahal mo ba si Channyl?!" Nagsigawan ang lahat! Halatang kinikilig yung iba, samantalang ako para akong pinako sa kinauupuan ko!

Tumingin siya saakin! Gassh! Bakit siya tumitingin saakin?!!

"Yes!" Sumigaw sila ng walang humpay! Nakisali na rin si Regine na nagtanong! Ako naman tila nabingi sa sinagot ni Yohan!

'Allyyyyyu! Huwag ka na kasing mag-expect na kahit ano! Mas maganda si Channyl kesa sayo! Huwag kang hibang!' Hindi siya magkakagusto sayo! Hinding hindi dahil hindi naman ikaw si Channyl! Si Channyl ang gusto at mahal niya! Okay!!!

Iyon ang itinatak ko sa isipan ko hanggang sa tinapos na nila ang laro! Hindi ako natanong ng kahit isang bese kaya nakahinga ako ng maluwag!

"Tara inuman naaaaaa!" Sigaw ni Danica! Nagsilapit naman ang iba sa cottage, at nagpaiwan naman ako tabing-dagat! Ang sarap sa pakiramdam na makita ang dagat na sobrang payapa! Tila ba natutulog din ito katulad ng tao! Pumikit ako at dinama ang malamig na simoy ng hangin, medyo maginaw na pero keri ko pa naman!

Naramdaman kong may tumabi saakin! Kaya napamulat ako ng mata! Si Channyl lang pala!

"Hi Ally! Bat di ka sumama sa kanila?!" Ngumiti ako ng alanganin!

"Hindi ako umiinom eh!" Sagot ko dito! Tumango naman siya!

"Pagpasensyahan mo na si Yohan, ha!" Natigilan ako! Bakit nagpapasensya siya? Wala naman saakin yun eh! Hindi naman kami ni Yohan kaya hindi niya na kailangang magpasensya! Wala akong pakialam sa kanila!

"Hala? Bakit ka naman nagpapasensya? Girlfriend ka niya! Hahahaha!" Pinilit kong magtunog di nasasaktan! Di bale ng magmukha akong tanga! Sigurado naman akong hindi pa lumalalim yung nararamdaman ko sa kanya eh! Kaya ko pa!!

"Wala na kami! At...gusto ka niya!!" Natigilan ulit ako sa sunod na ipinahayag nito! Impossible!!!

Back to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon