CHAPTER SIXTEEN

1.8K 53 0
                                    

TONI POV...

           Sunod kong pinuntahan yung address na binigay sa akin ni Lexi, baka sakaling may makukuha na akong impormasyon kung saan ko mahahanap si Sherry. Hindi ako susuko ng ganun na lang! Kahit na sabihin pa nitong ayaw na nya sa akin tatanggapin ko gusto ko lang maka hingi ng tawad sa kanya.







              "Sandali lang!" Wika naman ng tao sa loob ng bahay na binigay sa aking address at boses babae yun.. Makaraan ang ilang katok ko sa pintuan,sana nga may alam sya kung nasaan si Sherry. Pumihit na ang doorknob at marahang bumukas ang pinto..







             "H-hi.." Naalangan ko namang bati na kina kunot noo nito.. "Dito ba makatira si Carmen?" Tanong ko naman.. Mataman muna nya akong tinitigan.







            "Ako nga.. Anong kailangan mo?"Pormal nitong wika..







            " I'm Toni.. Itatanong ko sana kung saan ko matatagpuan si Sherry." Sana huwag nya akong awayin katulad ng ginawa ng Charles na yun sa akin.. Lalo namang napakunot noo ito! Nabigla pa ako ng inaya nya akong tumuloy muna sa loob ng bahay,at iginiya na maupo sa may sofa sa sala.






             "So,ikaw pala si Toni! Ang ganda mo nga.." Wika nito habang umupo naman ito sa katapat kung single couch.. "Wait naguguluhan ako,bakit mo hinahanap si Sherry diba nga magkasama kayo na pumunta ng Paris?" Takang tanong nito. Ibig sabihin wala pa itong alam sa mga nangyari.. Napahugot tuloy ako ng malalim na paghinga.!










              Sinimulan kung e kwento lahat ng plano ko at lahat  ng nangyari,kung paano ako nag sisisi ngayon sa nagawa ko..







               "Alam mo ba may sinabi  rin si Sherry dati sa akin, nagtaka din sya kung bakit para sayo parang walang nangyari to think ba sobra ang galit mo noon sa kanya.. Pero alam mo nanaig yung pagmamahal nya para sayo. Sinabihan ko din naman sya na huwag syang magpa dalos dalos sa desisyon nya kaso hindi sya nakinig." Kalmado naman nitong sabi, akala ko magagalit sya sa akin.








               "I'm so sorry talaga sa nagawa ko kay Sherry, gusto ko lang sanang humingi ng tawad sa kanya.." Malungkot ko namang turan at sabay pa kaming napahugot ng malalim na paghinga..







               "Wala din talaga akong alam kung nasaan sya ngayon,pero kung sabi mo nga mukhang tinatago sya ni Charles hayaan mo gagawa ako ng paraan malaman ko lang kung saan si Sherry.." Sincere naman nitong sabi.. Binigay ko na din yung calling card ko sa kanya in case na makasagap sya ng impormasyon.. Nagpaalam na din ako sa kanya pagkatapos, kailangan ko munang bumalik sa hacienda para asikasuhin ang dapat asikasuhin doon..








             Hindi parin ako kinaka usap ni Dad, malaki talaga ang tampo nito San akin. Ayoko na itong biguin pa at gagawin ko din lahat ng paraan para mabilis ang recovery niya...

-----------------------------------------------------------

                "Paano mo nagawa sa akin to,minahal kita..mahal na mahal." Humihikbi nitong sabi..








                 "I'm so sorry babe.. Nadala lang ako ng galit ko.. Please paratawin mo ako." Pagsusumamo ko naman halos lumuhod na ako sa harap nito.. Hahawakan ko sana ang mga kamay nito pero mabilis nitong pinalis ang mga braso ko,tila ayaw nitong madikit man lang kahit na konte sa balat nya.








                  "No.. Kahit kailan hindi na kita mapapatawad pa kinamumuhian kita.." Nakita ko ang galit sa mga mata nito. "Kahit pangalan mo ayoko ng banggit pa,kaya umalis ka na sa harapan ko." Pagtataboy nito.










           "Please Sherry... Mahal na mahal kita." Pagmamakaawa ko.









             "Umalis ka na.. Bago ka pa makita ng asawa ko! Si Charles na ang mahal ko."










          Tuluyan na akong napahagulgol sa sandaling yun. Sobrang sakit,ito na siguro yung karma ko.. Hindi na nya ako mahal at pag aari na sya ng iba ni hindi nya ako magawang patawarin.. Kimamumuhian na ako ng taong pinakamamahal ko.











             "Iha... Monique! Gising binabangungot ka.." Dahan dahan akong nagmulat ng mata ng tila may boses akong naririnig na tumatawag sa akin.. "Monique okay ka lang?" Napakurap kurap ako ng napag sino kung sino ang nasa harapan ko tila alalang alala ang itsura nito..










              "Manang Rosa!" Banggit ko sa pangalan nito,kulubot na ang mga balat dahil sa katandaan at hindi na na asawa dahil sa paninilbihan sa mansion...










                 "Bakit dito ka sa sofa natulog? Hindi ka na naakyat ng kuwarto mo.. Tignan mo nga yang mga mata mo." Wika nito. Bigla kung naalala sa sobrang pagod ng katawan ko,pagdating dito sa hacienda umupo ako kaagad sa mahabang couch dito sa living room. Nakatulog pala ako. Marahan kong pinahid ang mga luha sa mata ko,tila nakahinga ako ng maluwag na isiping panaginip lang pala ang lahat..





          

             "Hinanap ko si Sherry manang! Tapos nanaginip ako na pinagtabuyan nya ako na kinamumuhian na nya ako.." Kwento ko naman rito. Marahan itong umupo sa tabi ko..










               "Bigyan mo muna sya ng sapat na panahon, hanggang maghilum ang sugat sa puso nya. Masakit pa para sa kanya ang mga nangyari iha.. Napapatawad ka din nya.." Payo naman nito sa akin sabay marahang hinagod ang likod ko..
Pano kung mahuli na ang lahat,pano kung makasal na nga sila ni Charles.. Kunsabagay kapatawaran lang naman nya ang hinihiling ko pero andun parin yung pag asa kong mahahalin pa nya ako.. Sabay hugot ko ng malalim na paghinga..

"INSIDE YOUR HEAVEN" (GxG)Where stories live. Discover now