CHAPTER FOUR

3K 72 11
                                    

SHERRY POV...



                      Nagising ako bigla ng tila may naririnig akong nag do doorbell sa pintuan.. Babangon na sana ako ng may mabigat na bagay na nakadagan sa katawan ko.. Napaungol naman kung sino man ang katabi ko ngayon sa kama.. Dun lang rumihistro sa utak ko ang lahat ng nangyari.. Shit!! Anong oras na ba? Malamang yung stay out maid ko na yan.. Every other day nag pupunta dito para maglinis ng bahay schedule pala nya ngayon..










               Nagbaling ako ng tingin sa katabi kong mahimbing paring natutulog at naka yakap sa akin ang hubad nitong katawan.. Paano ba kami nakarating dito sa kuwarto' hindi ko na matandaan..









                 "Toni wake up.." Gising ko rito habang marahang tinatapik ko ang brano nito.. Napaungol naman ito ng mahina kumilos, at marahang nagmulat ng mga mata.." Andito na yung maid na maglilinis ng bahay, hindi pwedeng madatnan tayo na ganito ang ayos." Tila nagpapanic kung wika at tuluyan na akong umalis sa kama. Habang tong isa naman tila relax na relax pa at nag inat pa ng mga braso.. Hindi na ako kumibo at mabilis kong kinuha ang naka hang kung robe at sinuot iyon bago lumabas ng kuwarto.










               Mabilis kong dinampot ang mga damit naming nagkalat sa sahig at muling bumalik ng kuwarto..










               "Magbihis ka na.. Pero huwag na huwag kang lalabas ng kuwarto.." Banta ko rito at ang loko nginitian lang ako ng pagkatamis tamis. Napailing na lang ako at muling lumabas ng pinto saka sinara iyon.. Hindi ko naman pinapapasok basta na lang ang maid sa room ko kung wala akong ibang ipag uutos dito na kailangan ayusin sa kuwarto ko...










              Mabilis na akong nagtungo sa pinto at binuksan iyon,bumungad aa harapan ko ang may edad ng babae at ngiting ngiti ito..










                  "Good morning ma'am!" Bati pa nito..











                   "Wala naman pong masyadong lilinisin ipagluto mo nalang ako ng lunch good for two persons." Wika ko naman at marahan naman itong napatango.. Bago ko tuluyang pinapasok sa loob ng bahay.. At bumalik na ako sa kuwarto,bahala na ito alam naman na nito ang gagawin nya..



-----------------------------------------------------------



              "I have to go.. May business meeting pa akong dadaluhan."  Paalam ni Toni sa akin pagka tapos naming mag lunch at naligo na rin sabay suot din ng damit nito kanina..
"Some other time babe.." Wika pa nito at mabilis akong hinalikan sa labi bago ito tuluyang umalis...
Napahugot naman ako ng malalim na paghinga ng tuluyan ng makaalis si Toni...











              'Oh Charles ano ba tong nagawa ko sayo.' Naisuklay ko ang mga daliri ko sa aking buhok saka ako pabagsak na umupo sa couch.. Aksidente lang ang pagkikita naming muli ni Toni at hindi ko talaga inaasahang napatawad na niya ako sa nangyari noon..  At ang masaklap ganun ko nalang ipinagkaloob ang sarili ko sa kanya, samantalang si Charles nabibilang lang yung- argghh!! At masaklap hindi talaga ako na sa satisfied,pinag bibigyan ko lang kasi syempre boyfriend ko sya. Kailangan din naman nya yun, pero kay Toni God! Sobrang nasasatisfied nya ako..









               Muli akong napahugot ng malalim na paghinga saka mariing napapikit ng may maalala ako sa nakaraan..

Flashback......



                   Isang magandang lugar, isang tunay na paraiso ang napuntahan ko.. Isang hacienda ang HACIENDA DELA ROSA..

                     Halos dalawang oras na akong naglalakad sa isang rough road na kalsada dala ang travelling bag ko. Naramdaman ko na rin ang panunuyo ng lalamunan ko dahil ubos ko na ang baon kong tubig pero wala parin akong nakikita kahit isang bahay man lang tila palubog na rin ang araw. Kung babalik naman ako sa pinanggalingan ko masyado ng malayo.. Biglang may naulinigan akong paparating na sasakyan,taimtim akong nanalangin sana matulungan ako kung sino man ang nakalulan sa sasakyan.. Papalapit na ang sasakyan kaya napahinto na ako sa paglalakad. Isang itim na close van ang biglang huminto sa harapan ko.. Biglang bumukas ang pintuan ng van at iniluwa niyon ang isang may edad ng lalaki at may hawak pa itong tungkod..









                "Saan ba ang tungo mo iha?" Tanong nito sa akin...









                  "Ah...Hindi ko rin po alam!" Napangiwi ko namang tugon.. Hindi ko kasi talaga alam.. Narinig ko naman itong napatawa ng mahina. Nakita ko lang kasi yung karatola na nakalagay na  To Hacienda dela Rosa-- kaya ako bumaba sa bus na sinakyan ko.."mahilig po kasi akong mag travel kong saan at napadpad po ako dito." Dugtong kong sabi....










                "Gusto mo bang mamasyal sa lugar namin..? Isang hacienda iyon at tiyak magugustuhan mo!" Wika nito,sya marahil ang nag mamay ari ng hacienda.. Tila na excite naman ako dahil mukhang mabait naman ito.. At isa pa pagod na rin ang katawan ko.. Kaya napatango na lang ako..











                  "Ako nga pala si Dionicio dela Rosa.. "Pagpapakilala nito ng nasa loob na kami ng sasakyan at binabagtas parin ang walang katapusang daan..










                 "Ako nga po pala si Sherry Mendoza. Tubong bulacan po ako.. Mahilig lang po akong mag explore kung saan saang lugar tuwing summer vacation.." Pagpapakilala ko naman sa sarili ko..











                  "Buti pala at lumuwas ako ng bayan kaya ka namin nakita.. Walang dumadaang ibang sasakyan dito kundi sa akin lang iha. At kung lalakarin mo pa hanggang makarating sa lugar namin may apat na oras ka pa.." Paliwanag nito.. Seriously? Nanlumo tuloy ako bigla sa aking narinig..  Grabe sobrang layo pa pala.. Tahimik na kami pagkatapos ng ilang oras pang paglalakbay hanggang marating namin ang isang malawak na gate pero bukas naman ang tarangkahan..










            "Magugustuhan mo dito iha...at welcome na welcome ka dito sa aking hacienda..." Masayang wika ni sir Dionicio dela Rosa.. Pagkatapos ay pumarada na ang sinasakyan namin sa isang malawak na bakuran ng isang napakalaking mansion.. Bumukas ang pintuan ng van at inalalayan pa akong bumaba ng isang matipunong lalaki,pagkatapos ay si Sir Dionicio naman ang inalalayan nito.  Sobrang namamangha talaga ako sa nakikita ko ngayon.. Hindi ako makapaniwala na may ganito palang lugar dito sa Pilipinas...

"INSIDE YOUR HEAVEN" (GxG)Where stories live. Discover now