CHAPTER TWO

3.2K 93 0
                                    

SHERRY POV...



                  10 pm ng gabi ng nagtungo ako sa coffee shop na pag aari ko rin,hindi naman as in akin dahil may kasosyo ako isang college friend ko share lang kami ng puhunan pero sya ang nag mamanage .. Pag naiinip lang ako sa bahay saka ako nagpapalipas ng oras dito.. Naka dress ako ng kulay peach na taas mg tuhod ang haba nilagyan ko ng black na belt at nag suot ako ng wedge shoes. Nilugay ko lang ang mahaba at wavy kong buhok..











              Pagka park ko ng kotse ko ay tinungo ko na agad ang glass door nagmartsa papasok sa loob ng shop nang napansin naman ako ng mga tauhan dito ay agad silang kumaway sa akin.  1year na rin mahigit na successful ang coffee shop na ito magaling talagang magmanage si Lexi ang college friend ko..











                     Parang style living room ang ginawa naming design ng shop.. Couch na mahaba ang ginawa naming umupan ng bawat table..  Single couch naman na magka harap sa table for two.. May hagdan din patungo sa taas na style terrace may mga upuan din doon..









             "Drinks po ma'am.!" Alok nung isang waiter namin..










                  "Tea na lang please...!" Tugon ko naman at umupo sa pinaka gilid na balanteng upuan.. 'Asan kaya si Lexi? Baka tumutulong na naman sa baking room.. Mahilig kasing magbake yung babaeng yun..ako naman mas tutok ako sa flower shop ko mas hilig ko talaga ang mag arrange ng mga bulaklak..'Wika ko nalang sa sarili ko. Nag message naman ako kanina na pupunta ako dito..











                  Habang hinihintay kong lumabas si Lexi at mai serve ang order kong tea nag scroll nalang muna ako sa phone ko. Wala namang bago sa social media kadalasan mga fake news pa.. Sana kong tinanggap ko na yung alok ni Charles nakapag status na rin sana ako ng engaged.. Sabay buntong hininga.. At binalik ko na lang yung phone ko sa dala kong sling bag..










                      "Thank you." Tugon ko ng ma serve na yung tea..










                    "Table for two please..!" Dinig kong wika ng bagong dating na agad akong napabaling ng tingin dahil may iba sa boses nito..










                   "Can we smoke here?" Wika naman nung isa nitong kasama na mukhang mataray ang dating. Pero napako ang atensyon ko sa unang nagsalita kanina  biglang kumabog ang dibdib ko ng sandaling iyon.. Parang gusto ko na tuloy umalis pero baka lalo akong makikita kapag dumaan ako sa harap nila.. Umupo sila sa pandalawahang mesa sa tabi pa mismo ng pintuan dahil naninigarilyo yung isang babae..












              Kaya lang bakit naman ako aalis isa naman ako sa may ari ng shop na ito.. At isa pa ilang years na ang lumipas baka naman hindi na nito ako nakikilala.. Pinagmamasdan ko lang sila habang binigay ng waiter ang menu sa kanila.. At binibigay ang order nila,hindi ko naman marinig dahil medyo malayo ang distansya ko sa kanila...











                   Yung ngiting yun.. Hindi ko yun makakalimutan' wika ko sa isip ko ng nginitian nito ang waiter.. Bigla ko nalang binaling sa ibang direksyon ang mga mata ko..












                    "Sherry babe!" Nagtitiling wika ni Lexi ng makita ako.. Loko talaga nakita ko tuloy na bumaling ang tingin ng mga customer sa amin.. Pati na yung pinagtataguan ko,hindi naman sa pinagtataguan kaya lang... Naka apron pa tong babaita na to at agad akong niyakap ng makalapit ito.
"Buti naman at wala kang amnesya ngayon.." Biro pa nito ng maghiwalay kami sa pagkakayakap..  Napatawa na lang ako,bihira lang kasi akong magawi dito.. At bad timing pa may taong hindi ko inaasahang makita ngayon..












                Lalo ng nakita ko itong napatayo habang nakatitig sa akin at humakbang patungo sa direksyon namin ni Lexi...









                    "Diko pa tapos yung binibake ko eh." Wika naman ni babaita habang ako naman ay hindi na mapakali sa upuan ko.












                   "Hi Sherry.." Ngiting ngiti ito ng tuluyang makalapit sa amin.. Si Lexi din ay nagbaling ng tingin sa kanyan...










                     "T-Toni." Nauutal kong bigkas sa pangalan niya at napatayo pa ako sa kinauupuan ko..









                "Ikaw nga..!" Masigla pa nitong wika sabay yakap sa akin ng mahigpit.. Naguguluhan tuloy ako sa inaasal nito sa harapan ko ngayon.. Hindi tuloy ako nakatugon sa yakap nya.. Hanggang sa matapos na nya akong yakapin natameme parin ako.  Kahit si Lexi ay nagtataka rin ang itsura nito..










                     "Masaya akong nagkita ulit tayo Sherry.." Malamlam ang mga mata nitong tumitig sa akin at hinawakan ang aking mga kamay.. Medyo naiilang naman ako dahil nakatingin sa amin ang mga tauhan sa shop pati na ibang customers..











                      "Sige maiwan ko muna kayo ah..mukhang nagmomoment pa kayo eh.."  Sabat naman ni Lexi saka umalis ulit..











                      "Toni.." Bigkas ko ulit sa pangalan nito.. Ano ba ang dapat kung sabihin sa kanya..









               "How are you..? Sayo ba tong coffee shop na to?" Sunod sunod nitong tanong....Sabay baling sa suot kong singsing at hinawakan pa iyon at tinitigan.." Are you married?" Dagdag pa nyang sabi..
Couple ring yung suot ko na regalo ni Charles noon sa akin nung unang anniversary samin..











                   "Ah oo.. Business partner ko yung kausap ko kanina...." Bakit ba ako natetense alam ko naman sa sarili ko na wala akong kasalanan sa kanya... Yun ang paulit ulit ko noong sinasabi pero hindi niya ako pinakinggan at nagpadala sya ng husto sa galit niya sa akin.











                   "Nice.." Napatango tango nitong tugon... "Mukhang mapapadalas ang punta ko dito.." Makahulugan pa nitong sabi.." Pwedeng kunin yung calling card mo..?" Nagmadali naman akong dumukot ng calling card sa bag ko.. Hirap ko namang pakalmahin ang sarili ko sa sandaling ito.. At inabot ko sa kanya..










                 "Okay thanks!" Masigla parin nitong sabi at muli akong niyakap ng mahigpit. Pagkatapos bigla nalang akong hinalikan ng mariin sa kaliwang pisngi sabay bulong.." I like your place." Nag si tayuan tuloy ang mga balahibo ko sa sinabi nito.. Lalo na nang maramdaman ko ang mainit nitong hininga sa tainga ko..















                   

"INSIDE YOUR HEAVEN" (GxG)Where stories live. Discover now