CHAPTER ELEVEN

2K 52 1
                                    

SHERRY POV...



                          "Sigurado ka na ba sa naging desisyon mo?" Malungkot na wika ni Lexi sa akin habang nag uusap kami dito sa coffee shop. Masakit din naman sa akin na gawin ito dahil pinaghirapan din naming palaguhin tong shop na to.. Kaya lang mas importante naman sa akin si Toni, I love her so much..











                    "Oo Lexi...pasensya kana ha kung biglaan ang naging desisyon ko.." Tugon ko naman.. Naikwento ko na rin sa kanya tungkol sa relasyon ko kay Toni na isa ding babae.. Open minded naman sya sa ganung bagay.. Medyo nagulat lang ito pero mabilis naman nitong naunawaan.." Nasaan na pala yung sinasabi mong nakabili ng share ko dito sa shop?" Bigla kong naalala, hindi daw nya kasi kayang bilhin yung share ko buti nalang at my willing na bilhin iyon.. Hinihintay na lang namin ni Toni maayos lahat ng papers ko at lilipad na kami patungong Paris. Nahanapan na rin ng friend nya ng buyer yung bahay at flower shop ko.. At lahat ng pinagbentahan nyon ay join account na kami ni Toni,pati rin sa pera nito sa banko..










                  "Andito na pala sya.." Bigla naman akong nagbaling ng tingin ng biglang may sumulpot sa aming likuran. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan kung sino ang nakabili ng share ko dito sa coffee.. "Charles?"













               "Hi Sherry.." Wika naman nito..











             "Pasensya kana Sherry kung hindi ko agad sinabi na si Charles ang nakabili ng share mo.." Nahihiya namang turan ni Lexi. Nabigla lang naman ako pero okay lang naman,natutuwa nga ako dahil hindi na punta sa iba yung share ko..











                 "Hi Charles.." Masigla kung wika dahil paano namiss ko din ito.. Lumapit ako sa kanya at bahagya ko itong niyakap..











                "Wait lang guys ha.. Maiwan ko muna kayo." Biglang nagpaalam naman si Lexi. Para siguro makapag usap kami ni Charles..











               "Sherry... Nabanggit narin pala ni Lexi na mangingibang bansa ka na.." Malungkot nitong turan.. Sana hindi binanggit ni Lexi ang tungkol kay Toni malaki kasing insulto iyon para sa kanya na pinagpalit ko sya at sa babae pa..













              "I-iyon kasi ang napagkasunduan namin ni Toni." Naalangan ko namang sabi..
Narinig ko naman ang paghugot nito ng malalim na paghinga..












               "Andito lang ako lagi Sherry, kahit nasa ibang bansa ka na, tawagan mo lang ako or mag message ka lang sa akin kung may problema ka okay?" Wika pa nito. Gosh ano ba yan.. Ang hirap naman ng ganito.." Napaka swerte nya Sherry dahil sya ang pinili mo. Sana hindi ka nya sasaktan dahil kahit kailangan alam mo namang hindi ko ginawa yun sayo dahil sa pagmamahal ko sayong wagas..." Litanya pa nito.. Muli ko na naman itong niyakap ng mahigpit baka ito na rin anh huli naming pagkikita..












             "Thank you so much Charles.." Yun lang ang nasabi ko..




-----------------------------------------------------------




                Ito na siguro ang pinaka masayang nangyari sa buhay ko,kaligayahan sa piling ng taong mahal ko.. Flight na namin ngayon ni Toni patungong Paris at dun kami magsisimula ng bagong kabanata ng buhay namin na magkasama.. Kahit todo pigil din sa akin si Carmen na gawin ito,pero paulit ulit ko ding sinasabi sa kanya na buo na ang pasya ko at ito ang sinasabi ng puso ko.
Sa parents ko naman wala naman silang kontra kahit anong desisyon ko sa buhay,nung sinabi ko ang tungkol kay Toni nagkibit balikat lang ang mga to.. At dadalaw na lang daw sila kapag nagawi sila ng Paris.. Hayy!! Sa phone ko nga lang sila naka usap dahil nasa New York sila ngayon..











                    Gusto na nga nilang ibigay ang mana ko,pero hindi ko pa naman kailangan yun at buhay pa sila. Malakas pa sila.. Yung trust fund ko lang ang kinuha ko noon para magpatayo ng negosyo ko pati yung bahay ko. At pinagpalit ko ang lahat ng yun para sa taong pinakamamahal ko..












               Isang two storey house ang bahay ni Toni dito sa Paris,dito rin ang mommy niya kaso meron na daw itong bagong asawa. Minsan dadalaw daw kami sa kanila.. Bigla ko namang naalala si Tito Dionicio kamusta na kaya ito.. Kamusta na kaya ang hacienda, pag nagka lakas loob ako itatanong ko yun kay  Toni.. Saka na lang huwag muna ngayon timing nalang ako kapag okay na kami dito kapag settle na lahat pati yung negosyo na uumpisahan ulit namin..












                    Napag usapan namin na flower shop din ang business na ipapatayo namin  kasi yun na yung gamay ko. Ako daw ang bahala.. Nakaka homesick din nung unang buwan ko dito sa Paris ang dami kong namimiss at nanibago din kasi ako sa lugar.. Masaya parin ako dahil kasama ko si Toni at hindi naman nito hinayaang ma homesick ako ng husto. Basta alam kong sobrang saya ng unang buwan namin ni Toni dito sa Paris....










                   "Where have you been.. Nag alala ako sayo di ka man lang tumawag..!" Wika ko nang  dumating si Toni at amoy alak ito.. Paggising ko kasi kaninang umaga wala na ito sa tabi ko buong akala ko ay bumaba na ito at nagluto ng breakfast pero dismayado ako dahil wala naman akong nakitang Toni sa kusina at lahat ng  parte ng sulok ng bahay.. Balak ko pa naman sana itong e date sa labas dahil one month na namin dito sa Paris. Kaya lang namuti  na ang mata ko kakahintay pero wala namang Toni na dumarating. Tinatawag ko naman yung number nito.. Pero ring lang ba ring.. At heto kakauwi lang nya at amoy alak pa..











                   Tapos kina kausap ko ni lagpas lang nya ako dito sa may pintuan at tuloy tuloy itong humakbang paakyat ng hagdan...

"INSIDE YOUR HEAVEN" (GxG)Where stories live. Discover now