CHAPTER NINE

2.2K 64 1
                                    

SHERRY POV...

"Gaano ba ka importante ang sasabihin mo at agad agad kang napasugod dito sa bahay.." Wika agad ni Carmen ng pagbuksan nito ako ng pintuan at nakasunod naman ako sa kanya hanggang sa kitchen dahil nung tinwagan ko sya kanina sabi kung pupunta ako sa bahay nya.. Ipagluluto daw ako nito ng favorite kung pasta ..





"Cous... "Turan ko sabay sandal sa gilid ng lababo.." Toni's here.." Naalangan kung wika paano hindi naman kasi nito kilala kung sino ang tinutukoy ko.. Kaya lang kailangan ko talaga ng makakausap.
Nakakunot noo tuloy itong tumingin sa akin..






"Sino ba yang sinasabi mo cous?"







"Yung nakilala ko noon sa hacienda.." Buntong hininga kung sabi na ikinali naman ng mga mata nito..





"Sabi ko na nga ba Sherry may dahilan ka kung bakit nag tagal ka sa hacienda na yun.. May naging asawa ka dun!" Naiiling naman ako na nanginiti sa sinabi nito.. "At ngayon binabalikan ka nya.. Lagot ka kay Charles nyan..!"







"Wait lang Carmen.. Hayaan mo muna akong mag explain sayo dahil hindi ko na alam ang gagawin ko sa totoo lang.." Medyo nagpapanic ko nang sabi,biglang nag seryoso naman ang mukha nito.. Humakbang ako at umupo sa upuan sa may dining table pero pinaharap ko yun sa gawi nya.. "Sya si Toni dela Rosa.. Nag iisa syang anak ng may ari ng hacienda.." Nakita ko na naman ang panlalaki ng mga mata nito sa pagka bigla sa sinasabi ko..






"A-and Toni.... She- she's a woman... Trisha Monique ang totoong pangalan nya.." Nauutal kong wika..






"WHAT???" Napataas ang boses nito sa sobrang pagkagulat sa pinagtapat ko sa kanya... "Y-you mean..my god Sherry lesbian ka ba?" Sunod sunod naman akong napailing sa tanong nito,alam ko naman sa sarili ko na hindi ako ganun, hindi naman ako nagka interest sa ibang babae.. Sya lang talaga...







"Hindi ako lesbian Carmen..." Pinag diinan ko pang sabi.." I don't know basta.. Minahal ko sya,nagkaroon kami ng relasyon. Hindi ko alam kung paano nagsimula ang lahat.." Sabi ko naman.." Siya lang ang minahal ko ng ganito Carmen.. "
Natahimik naman si Carmen sa sinabi ko ng matapos ang niluluto nito in off na nito ang stove at humakbang palapit sa akin..







"Hinuhusgahan mo ba ako Carmen?" Tanong ko rito ng tuluyan itong makalapit sa akin.. At habang nakatayo ito marahan naman niya akong kinabig at niyakap.. Sabay masuyong hinagod ang likod ko.








"Of course not... Nabigla lang ako sa mga kinonfess mo ngayon sa akin.." Sabi naman nito at gumanti naman ako sa yakap nya.. At least may isang taong nakakaintindi sa akin...








"Ewan ko ba.. Nung una ko syang makita,natural lang siguro yung humanga.. Kasi maganda sya mestiza, matangkad at sexy.. Basta hindi ko alam kung paanong sya yung nag bigay ng motibo. Naramdaman ko nalang na hindi na normal yung tibok ng puso ko kapag nakikita ko na sya." Litanya ko naman..






"Sabihin na natin cous na oo nga nagmahalan kayo.. Dati. Pero hindi na pwede ngayon dahil may Charles ka na.." Simpatya naman nitong sabi.. Sabay kalas nito mula sa aming pagka yakap at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko..





"Alam kung malaki ang galit ni Toni sa akin noon.." Nagsimula na akong ikwento sa kanya ang nangyari sa buhay ko sa hacienda.. Manghang mangha naman ito sa kanyang nalaman.






"So,nagalit si Toni sayo dahil sa pinirmahan mong mga documents na sinasalin na sa pangalan mo ang buong hacienda..." Napatango naman ako bilang tugon..






"Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na mag explain sa kanya dahil umalis sya kaagad nung araw ding yun.. At hindi na sya bumalik pa hanggang nagpasya narin akong umalis sa lugar at binalik kay Tito Dionicio ang pangagalaga sa ari arian nya... Hindi ko rin naman kasi matatanggap ang offer nyang yun.." Buntong hininga kung turan.. "Hanggang umabot na nga ng pitong taon..at biglang nagkita nalang kaming muli na tila walang nangyari.. At hanggang may nangyari ulit sa amin dun sa bahay ko.."






"Ano?? My God Sherry...!!" Hindi makapaniwalang bulalas nito.."Seryoso? " Sabi pa niya.. Napatango ulit ako.
"Paano mo nagawa yun kay Charles cous,kawawa naman yung tao parang pinag tataksilan mo narin sya.." Napahugot nalang ako ng malalim na paghinga..." Kalimutan mo na si Toni Sherry... " Turan pa nito...








Paano ko nga ba magagawang kalimutan sya.. Yung pitong taon na nga lang na lumipas hindi sya nawala sa puso ko.. Tapos ngayon pinapapili pa nya ako..







"Sherry,nasa iyo yan... Pero sana pag isipan mong mabuti kong anuman ang magiging desisyon mo.. Dahil kailangan isa lang sa kanila ang piliin mo,hindi pwede yung ganyan na pinagsasabay mo... Sana gamitin mo rin yang isip mo okay!! Huwag puro puso,mahirap na yung pagsisihan mo ito balang araw..." Seryoso itong nagpapayo sa akin buti nalang pala at sya ang naisipan kung puntahan ngayon at pagsabihan ko ng problema ko.. Ang hindi ko lang nasabi sa kanya ay yung isang buwang palugit sa akin na binigay ni Toni.. Siguro naman sa isang buwan na yun makakapag isip na rin ako ng mabuti..









"Natatawa ako sa buhay mo cous.." Sabi pa nito.. Gusto ko ngang ipakilala si Toni kay Carmen.. Mabait naman so Toni tyak magkakasundo ang dalawa..." Halika na nga at pagsaluhan na natin yung niluto ko.." Masayang turan ng pinsan.. Pasalamat din ako at hindi ako hinusgahan ng pinsan ko...

"INSIDE YOUR HEAVEN" (GxG)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora