CHAPTER SEVEN

2.3K 67 0
                                    

SHERRY POV...



                      6pm na ng sinipat ko ang wrist watch ko, dito ko nalang sana sa flower shop hintayin si Charles para sunduin nya ako para sa dinner namin. Kaya lang sabi nito may gagawin pa sya kaya sa meeting place na lang kami mag kikita. 7 pm pa naman yung dinner namin kaya mga 6:30 na lang ako aalis dala ko naman abg kotse...












                   Mag isa ko na nga lang dito dahil 5 ang closing ng shop nag si uwian na rin ang mga tauhan ko..  Bigla ko palang naalala na nakalimutan kong ilagay yung paskil na Sorry we're CLOSE.. Kaya nagtungo na ako sa pintuan para ayusin iyon ng biglang may tumambad sa aking harapan..












                "Hi babe.." Masaya nitong bungad sa akin..











                    "Toni what are you doing here?" Nagtataka ko namang taong. Nung una nalaman nito kung saan ang bahay ko. Ngayon naman pati tong shop...napo frustrate na talaga ako sa babaeng to!











                      "Gusto  kitang makita.." Lambing naman nitong sabi at akmang hahalikan sana ako sa labi pero umiwas ako.. Baka may makakita sa amin agad ko tuloy itong hinila sa loob ng shop saka mabilis na sinara ang pinto..
"Namimiss na kita agad.." Sabay yakap nito sa akin mula sa likuran... Mariin ko namang naipikit ang aking mga mata at pilit inaalis ang mga braso nitong nakapulupot sa baywang ko..












                "Toni.. Hindi pwede tong ginagawa natin..Hindi to tama..!" Sabi ko naman kaya kinalas na nito ang pagka yakap sa akin at hinila ako paharap sa kanya..












               "Why...? Dati naman natin tong ginagawa ah.." Maktol nito.. Hindi ko talaga sya maintindihan ni wala nga kaming pormal na usapan sa naging relasyon namin noon at sobrang galit nya noon sa akin.. Hinawakan nito ang mga kamay ko..











                  "Pero.... Toni may boyfriend na ako at....ikakasal na kami.." Dahilan ko nalang yung huli dahil nga tinanggihan ko yung alok ni Charles.. Sana pala tinanggap ko nalang yun.. Nai stressed na talaga ako.. Bigla na naman akong kinabig nito at niyakap ng mahigpit..











                 "Pero alam kung iba ang binubulong ng puso..At naramdaman ko yun last night... At ako parin hanggang ngayon,diba Sherry!"  Hindi naman ako nakakibo sa sinabi nyang iyon. At pilit na naman akong nagpupumiglas sa yakap nya.












                   "Toni.. May dinner kami ngayon ni Charles kailangan ko nang umalis.." Sa sinabi kong yun,dun lang nito kinalas ang pagkakayakap nya sa akin at ng salubungin ko ang titig nito nakita ko at sakit sa kanyang mga mata...












                 "So,Charles pala ang pangalan ng lalaking pinagpalit mo sa akin.." Wika nito sabay napabuga ng hangin.. Naloloka na talaga ako sa babaeng ito.. "Okay I'll go ahead.." Napa tango tango pa nitong sabi sabay talikod na nito at tuluyang lumabas ng pinto...
Mariin na naman akong napapikit ng marinig kong padabog nitong sinara ang pinto. Bigla naman ako parang nakaramdam ng lungkot at sakit ng isiping baka hindi na ito magpapakita pang muli.. Baka huling kita ko na yun sa kanya dahil hindi naman sya taga dito sa San Jose.. Bigla tuloy ako nanlumo at nanlalambot na umupo sa swivel chair ko..












                       Naglakbay na naman ang isip ko ng sandaling yun..

Flashback...

                         "Anong ibig sabihin nito..." Sabay hagis sa mukha ko ang mga papeles at nagkalat sa sahig... Nagulat naman ako sa inasal ni Toni ngayon sa harapan ko...
"User,gold digger...." Sigaw nitong wika sa mukha ko.." Yan ba ang dahilan kaya ka napadpad dito? Para utuin ang daddy ko or should I say utuin kaming lahat para angkinin lahat ng ari arian ng Dad ko.." Anong pinagsasabi nito.. Oo tinanggap ko yung alok ni Tito Dionicio na pirmahan ko ang mga documents na yun dahil naawa ako sa kalagayan nya.. Pero may usapan kaming isasalin ko din ang mga yun sa pangalan ni Toni kapag nakombinse ko itong sya na ang magpatakbo sa lahat ng negosyo ng pamilya nila..












                Ano namang karapatan ko para angkinin ang mga ari ariang ito...may sarili din namang negosyo at ari arian ang pamilya ko balang araw ako din ang magmamana ng lahat ng yun..











                 "Now I understand kung bakit ang bilis mong bumigay sa akin... Kahit straight ka..dahil part yun lahat ng plan mo!! Right?? Ni hindi nga kita kilala eh.." Wow ang sakit naman nitong magsalita,pagkatapos ng lahat binigay ko ang lahat sa kanya.. Iyon ba ang tingin niya sa akin. Hindi ko namalayang umaagos na pala ang luha ko sa sandaling yun habang nandito kami sa loob ng kuwarto na inuukopa ko.. Sobrang sakit ng mga pinagsasabi nya sa akin..














                    "Toni...." Yun lang ang na bigkas ko ng sandaling yun dahil hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Sakit ,galit! Mahal ko sya pagkatapos aakusahan na lang nya ako basta basta....












                    "Minahal kita Sherry... But, okay fine kung yan ang gusto mo.. Iyong iyo na ang ari arian ng Dad ko..Aalis na ako sa lugar na to at hinding hindi na ako babalik.." Mariin nitong sabi at kita ko ang galit sa kanyang mga mata ng sandaling yun.. Bago tuluyang umalis ng kuwarto at pabalibag na sinara ang pinto..











                Doon ako biglang napahagulgol sabay sapo ng dalawang palad ko sa aking mukha... Binuhos ko ang lahat ng frustration ko hindi ko alam kung ilang oras bago  at ng kumalma na ako... Nagpasya na akong lumabas ng pinto... Kaya lang wala na si Toni nakaalis na ito ng hacienda...





End of flashback....

           
                   Hindi ko namalayang tumulo pala ang luha ko ng maalala ang nakaraan.. Siguro nga napatawad na ako ni Toni sa nangyari noon.. Kung sakaling nag balik man ito ng hacienda malalaman din naman nito ang katotohanan.. .
Napahugot nalang ako ng malalim na paghinga ng maalala ang dinner namin ni Charles... Sinipat kung muli ang suot kong wrist watch.. Quarter to seven na pala,ang bilis nh oras...

"INSIDE YOUR HEAVEN" (GxG)Where stories live. Discover now