Chapter 26

7.2K 135 10
                                    

DANIEL'S POV

With that I went to ICU as fast as I can. Hingal na hingal ako. Iniisip ko yung sinabi ng nurse sakin.

"Kung kaibigan niya po kayo kailangan niyo na magmadali."

Khalil no. Wag naman Khalil oh. I just got my freedom back wag ka namang ganyan.

Nung huli kitang binisita ginawa mo pa kong camera man. Hihingi ka na lang ng favor ako pa yung gagawin mong taga-kuha ng music video mo. Khalil please? Please pare?

Pagkadating ko dun nakita ko ang mga tita at mama ni Khalil, nakaupo. Ang barkada naman nakatayo at palakad lakad. At lahat sila umiiyak.

"Guys." kasabay ng pagkasabi ko niyan ang siyang pagbukas ng pinto ng ICU.

"Mrs. Ramos, I'm sorry." sabi ng doctor then she bent her head down.

At lalo namang humagulgol ang mga taong nasa harap ko ngayon. Ako? Nagmistulang statwa ako dito.

When I came back to my sense, tumakbo ako kaagad sa chapel ng ospital.

"Bro, eto ba kapalit ng paglaya ko sa tali ng pamilya ko? Bro ba't naman ganun? Ba't buhay ng kaibigan ko ang kapalit?"

"Ang selfish ko! Sobra sobra pa saya ko kanina tapos ganito na pala ang nangyayari. Bro, kung kasama mo na si Khalil ngayon pakisabi humanda siya sakin pag nagkita kami ulit. Hindi man lang niya ako hinintay."

"Khalil, nakakainis ka naman eh. Nasayo na si Kath oh, pano na siya ngayon? Bakit mo kami iniwan? Bakit mo siya iniwan? Bakit pre? Bakit?" Patuloy lang ang pagluha ko habang nagdadasal.

Biglang may humawak sa balikat ko na siyang ikinagulat ko. Yung pakiramdam na parang kinuryente ka nang madikit ka sa isang tao. Naramdaman ko ulit yun ngayon.

Paglingon ko. Walang duda kung bakit iyon ang naramdaman ko.

"Kath..."

"Wala na siya Daniel. Iniwan na niya tayo. Tae ka Khalil. Lagi mo na lang kaming binibigla. Ang mean mo!" Tumabi siya sakin at umiyak.

KATH'S POV

Bukod sa pamilya mo sino pa ba ang ayaw mong mawala sa'yo? Ang kaibigan.

Sino ang nandyan sa tabi mo pag may problema ka? Ang kaibigan.

Sino ang handang dumamay sayo pag kailangan mo ng makakausap? Ang kaibigan.

Sino ang nagpapasaya sayo at nagpapatawa ng wala sa oras? Ang kaibigan.

Sino ang kasama mo sa oras ng saya, lungkot, pagkagipit, inis at higit sa lahat sa kalokohan? Syempre, ang kaibigan.

ConstantlyWhere stories live. Discover now