Chapter 20

7K 146 10
                                    

Constantly

Chapter 20

-----------------------------

KATH'S POV

"Hoy Kathryn! Kanina ka pa tulala ah? Problema mo?" Sigaw ni Julia.

Ewan ko ba. Di pa rin kasi ako maka-get over sa kagabi.

FLASHBACK

"Pwede ka ba maging girlfriend ng anak ko?"

"P-po?" Nauutal kong tanong.

"Alam kong nililigawan ka ng anak ko. At ramdam ko din na gustong gusto ka niya. Kwento pa nga ni doc sakin kanina bago nila i-check up si Khalil nagkamalay ito saglit at binabanggit ang pangalan mo pero nakatulog ulit."

"Eh tita.."

"Bakit may iba ka bang gusto?"

Hindi ko pa sure kung gusto ko na nga si Daniel pero ayaw ko din naman masaktan ang bestfriend ko. Lalo na ngayon.

"Ano po kasi tita.."

"Please Kath. Just for 3 moths. P-please.. P-please Kath." Dun ko lang namalayan na umiiyak na pala si Tita sa harap ko. Hinawakan niya ang mga kamay ko.

"Alam ko mahirap para sa'yo. Pero please iha, ngayon ko lang naman nakitang sumaya ang anak ko eh. At dahil yun sa'yo. Please iha." Pagpapatuloy niya habang umiiyak.

"May taning na ang buhay niya Kath. At gusto kong bago siya mawala, may iiwan siyang ngiti sa mga labi niya. Please Kath. Please!" Ummiiyak padin si Tita at mas lalo pa niyang hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

"Pag-iisipan ko po." Tanging nasabi ko.

END OF FLASHBACK

"Hello! Ay tao po kami hindi hangin. Baka pwede kaming pansinin." Sabi ni Miles

"He-he-he. Funny." Sarcastic kong sabi.

"Ewan ko sa'yo. Bakit ka ba tulala?"

"Wala wala."

"Weirdo." Sabay na sabi ni Julia at Miles.

After ng class diretso kami ng barkada sa ospital.

"Hoy pare. Alam mo ba bagsak nanaman ako sa quiz kanina sa Math. Kainis!" Bati ni Igi kay Khalil.

ConstantlyWhere stories live. Discover now