Chapter 15

7.8K 157 5
                                    

DANIEL'S POV


Di ako makakasama sa barkada ngayon, late na din ako makakapasok sa school. Eh pano andito ako sa opisina, Oo tama ka ng basa, hindi ka nagkakamali, opisina. Ang magaling kong lolo pinagtatrabaho ako, yun din yung dahilan ng pagiging busy ko dati. Haaay. Eh wala pa nga akong kaalam alam sa mga ganitong bagay eh. Buti na lang andito si Mr. Les, siya nagtuturo ng mga gagawin ko, minsan pa nga, siya na gumagawa ng inuutos sakin para naman daw makapag-enjoy ako.


"Yes, lolo.. Opo.. Masusunod po.. Tapos na po yun.. Okay na din po.. Ha?! Meron pa kong gagawin? Lo naman.. Okay okay.. Bye." Kausap ko kase si lolo sa phone eh nasa kabilang room lang naman yung office nya. Lakas tama din yung matandang yun, hehe, joke lang haaaayy. Di kami magkasundo sundo niyan.


"Ano meron pa daw?" Tanong ni Mr. Les

I nodded.


"Sige na tulungan na tayo para matapos na kagad. Absent ka nanaman sa school ngayon dahil dito."


"Miss ko na kagad barkada ko." I sighed.


"Edi bilisan na natin para makapag pahinga ka na, para may lakas ka bukas sulitin mo na mga oras mo kasama barkada mo tsaka sa girlfriend mo."


"Girlfriend?" Ano daw. Di pa nga ko sinasagot eh. -__-


"Oo yang wallpaper mo sa cellphone mo tsaka sa laptop mo. Anowbaaa."


"Ah. Di ko PA girlfriend. Kaw talaga. Excited ka eh, don't worry pag sinagot na ko sasabihan kita."


"Dapat lang."

Masaya kasama si Mr. Les kwentuhan lang kami ng kwentuhan habang tinatapos mga dapat tapusin. Nalungkot lang ako nang bigla niyang tanungin,


"Kamusta na nga pala Kuya Vhong mo?"


"Sumulat siya last week, okay naman daw siya. Di nga raw sanay yun ng tahimik mundo niya eh."


"Haha. Baliw talaga yun. Parang dati lang siya yung tinutulungan ko dito, ngayon ikaw na. Nakakatuwa."


"M-miss ko na K-kuya ko.." I murmured with a tear slowly fall from my eye.

Ginulo niya buhok ko. "Padilla ka nga. Mukhang bato pero sing lambot naman ng unan pagdating sa mga taong mahal nila."


"Eh ba't yung mga kamag-anak namin hindi?"


ConstantlyWhere stories live. Discover now