Chapter 16

6.9K 164 11
                                    

"Daniel!" Paglingon ko si Neil pala. Hingal na hingal.

Ano naman kaya nangyari dito?

"Oh bakit?"

"Oh bakit? lang itatanong mo?" Sagot niya.

"Ha? Ano?"

"Anung ano?"

"Hoy. Nakahithit ka ba? Ganda mo kausap ah."

"Gagu. Anong date ngayon?"

"Hmm... March 26." Nagtataka padin ako. Ano ba meron?

"Oh anong meron pag March 26?"

"Ako nga magtatanong sa'yo nyan eh. Ano ba meron?"

"Tangna bro! Manliligaw ka tapos ni birthday di mo alam! Ang tagal na natin magkakakilala ah."

"Kath..." teka iniisip ko pa kung ano meron ngayon. Di kaya birthday niya? "Birthday ni Kath?"

"Hinde binyag niya." Mukha ni neil --> -______-

"Ulul! Eh ba't hingal na hingal ka?" Shet. Ba't ko ba nakalimutan yun. Cnelebrate naman namin yun dati eh.

"Para makita mo yung effort ni Khalil! Leche ka! Weak!"

"Ako weak? Hoy ano dota na lang!" Ako pa weak ngayon, siya naman tong laging talo.

"Siraulo! Lika na nga dun!"

Tumakbo kami sa may quadrangle andun si Khalil sa gitna ng grounds tapos may dala pang gitara. Kasama niya sina Igi at Paul na may hawak na banner nakalagay 'Happy Birthday Kath!' tapos si Miles at Julia naman may dalang mga balloons at si Diego may dalang cake.

Tae. Edi ako na effortless. Nahiya naman daw ako. -.-

"Oh bro, ikaw anung papel mo dyan?"

"Ang tawagin kayo ni Kath. Nakakapagod kaya yun! Kung san san kayo pumupunta."

"Eh asan si Kath?"

"Ayun ho oh nakatingin sa kanila." Sabay turo.

Tumingin ako sa kung saan siya tumuro and there I saw Kath standing, smiling at Khalil. I can see na kinikilig siya.

"KATHRYN CHANDRIA BERNARDO! HAPPY BIRTHDAY! This is for you." Khalil announced.

ConstantlyWhere stories live. Discover now