• Epilogue •

40 2 0
                                    

H A V E A

“Aish! Ang tagal naman nila.”

“Hindi ka ba napapagod magsalita?” inis na tanong ko sa kanya. He just pouted kaya natawa ako.

“Hmp! Payakap nga diyan!” nagulat ako ng bigla niya akong niyakap.

“Haven. Ang daming tao dito.” bulong ko sa kanya. Nasa isang restaurant kasi kami, unfortunately mag di-dinner kaming lahat. Yes, lahat. Haven, Kieron, their Dad, Gio, and my Dad.

“Pake ko?”

“Ako ang may pake Haven.”

“So?”

“Alisin mo na 'yang yakap mo.”

“No!”

“Tss.”

Wala na akong nagawa. Makulit siya eh, makulit si Honey.

“Havea, ang tagal pa naman nila. Doon muna kaya tayo sa rooftop?”

“Why?”

“Wala lang.”

Tumango na lang ako sa kanya. Gusto ko din naman pumunta sa rooftop. It's already 8:00 PM. Gabi na, malamig. Saka buti na lang special ang restaurant na 'to, may rooftop eh. Yeah.

“Let's go Honey.” hinawakan ko ang kamay ni Haven at sabay na umakyat kami papunta sa rooftop.

“Whoaaaaaaaaa! Fresh air!” sigaw agad ni Haven nang makarating kami sa rooftop. Napa ngiti ako dahil sa reaction niya.

2 years.

2 years na ang nakakalipas pero hindi pa rin siya nagbabago. He's still the same Haven that I love. Yeah, baliw pa rin siya. Hahaha.

“Honey.” hindi na ako nagulat ng yakapin ako ni Haven mula sa likod. Naka hawak kasi ako sa may railings at naka harap sa magandang view.

Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa singsing na suot ko.

Oh I forgot, hindi pa kami kasal ni Haven. We decided na kapag nakabalik na ang Kuya niya at ang Dad niya, saka lang kami magpapakasal. And yes, ngayon na ang uwi nila. So, malapit na rin ang kasal namin.

“I'm so excited Havea.”

“Sa wedding?”

“Yes.”

Napangiti ako, “Me too.” sagot ko.

Iniisip ko pa lang na ikakasal na ako kay Haven. Sobrang bilis na agad ng tibok ng puso ko.

Ah...

This heart.

Sa kanya ka lang talaga tumibok huh?

Very good.

“Havea Vuenavista.”

“Hm?” he called my full name.

“Soon to be my wife. Am I right, Mrs Monfero?”

D*mn.

“Honey...”

Pinapakilig niya ako. Sh*t.

“What? Kinikilig ka na naman? In love ka talaga sa akin 'no?”

I laughed, “Yeah, in love nga ako sa'yo.”

“....”

“Hahaha!”

“WAAAAAAAAAAAAAHH!”

Hindi na ako nagulat nang mabilis na lumayo siya sa akin at nagpaikot ikot dito habang sumisigaw ng 'Waaaaaaaaaah!'

Hahaha, yes. Sanay na sanay na ako sa kanya. Lagi siyang nasigaw kapag kinikilig siya.

“Haven stop! Ang ingay mo!” suway ko sa kanya habang hinahabol siya. D*mn. Ang ingay niya pa rin! He's 22 years old for Pete's sake!

“WAAAAAAAAAAHH—”

There.

I kiss him. I shut his mouth using my lips.

“Shut up, Honey. Shut up.” bulong ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin at hinila ang bewang ko.

“I'm addicted to you Havea. You're my cure, my heart, my soul.”

Oh God.

“You're my everything Haven.” tinuro ko kung saan naka pwesto ang puso ko, “Bawat tibok ng puso ko, tanging pangalan mo lang ang sinisigaw.” naka ngiti kong sabi sa kanya.

Mas lalong lumaki ang ngiti niya sa akin. Hinawakan niya ang kanang pisngi ko. “Hindi na ako makapag hintay sa araw na magiging isa tayo Havea.” naka ngiting sabi nito. Tumango naman ako habang nakapikit.

“I love you so much Haven, my Honey.” emosyonal na sabi ko habang naluluha.

D*mn.

Ang dami kong gustong ipagpasalamat sa mundo. Kay Death Master, kay Mother Death—ang Mom ko. Kung hindi nila ako binigyan ng isa pang chance, siguro hindi ko makikilala si Haven. At siguro, hindi ako magiging ganito kasaya. I'm so thankful. 

“Mas mahal na mahal na mahal na mahal kita Havea, my Honey.”

I smiled when his lips touches mine, uh, this kiss, it's still passionate. Yeah, as always. Napapikit ako dahil sa sobrang saya, kasabay ng pagpikit ko ay ang pagtulo ng mga luha ko.

Dug. Dug. Dug. Dug.

Noon akala ko kaya lang may puso ang tao...

para mabuhay ito.

Pero ngayon nalaman ko na, kaya pala may puso ang tao....

para umibig ito.

Hindi ko na kailan man hihilingin na sana walang puso ang isang tao.

Sapagkat hindi niya mararanasan kung gaano kasaya ang umibig.

Ang umibig ng walang hanggan.

Puro saya.

At walang alinlangan.

Masaya ang may puso.

Masaya ang magmahal.
Hanapin mo lang ang tunay na nagmamahal sa iyo.

At 'yun ang tunay na magpapatibok sa puso mo.

“Namatay man ako.
Namatay man ang puso ko.
Pero muli mo itong nabuhay.
Muli itong tumibok.
At nahanap nito ang tunay na pagmamahal.”

DEATH HEARTWhere stories live. Discover now