46 || The Invading of White Dead

21 1 0
                                    



H A V E N

“Thank you very much Strife, bye.”

“Honey?” agad na napatingin sa akin si Havea sabay tago ng cellphone niya sa bulsa ng short niya.

“H-haven.” medyo gulat na sabi niya. Hindi ko naman pinahalata ang emosyon ko at lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang tumakas na hibla ng buhok niya at itinago sa tenga niya.

“Our sports uniform suits you Honey.” I said with a smile. Ngumiti lang siya sa akin at yumakap sa bewang ko. Nagulat ako.

“Galingan mo Honey ha? Ikaw ang panlaban namin.” sabi niya. Napangiti naman ako. Yeah, that's the charm I need. It's only her who can do that to me.

“For you Honey, I will.” sagot ko. Natawa naman siya. “Wag para sa akin. Para sa school Haven.” sagot niya. Lumapit ako sa kanya at mabilis na hinalikan ang labi niya.

“Alright. Let's go.” hinawakan ko ang kamay niya at hinila palabas ng veranda, nilingon ko naman siya at gulat pa rin ang itsura niya kaya napangiti ako. Hays, Honey.

School. Naka ready na ang lahat para sa Sport Festival. Actually, walang pasok ang mga school na kasali sa lalaban but—actually...

“GO WINSTON! GO WINSTON! GO WINSTON!”

Uh yeah. We have supporters. Lalo na—

“KYAAAAA! GO HAVEN! GO HAVEN! HAAVVVEEEENN!”

Syempre ako pa ba? May fans club na nga ata ako, hehe. And dahil isa ang Winston Academy sa pinakamalaking school. Dito gaganapin ang Sport Festival. Even though walang pasok ang mga estudyante dito, andito pa rin sila para sumuporta.

“Ok this is the schedule...” Coach told us the schedule. So for this day, pang umaga ang laro namin. We are on the first batch, dati basketball talaga ang una but now kami ang una.

“Be ready guys. Pagkadating ng pagkadating ng mga schools ay magsisimula na ang laro.”

“Yes coach!” sabay sabay na sabi namin. At para sa mini training ay nag simula na kaming mag stretching at tumakbo ng kaunting oras. Ganun na ang nakasanayan namin, ang mag exercise bago mag simula ang laro. After ng exercise ay nakita namin na may mga dumating na galing ng ibang school. Konting oras na lang mag sisimula na.

“Ouch.” napalingon ako sa boses na yun at napatigil sa pag inom ng makitang nakahawak si Havea sa noo niya. Agad na lumapit ako sa kanya, “Honey? Are you alright?” mahina kong tanong sa kanya. Tumango naman siya at umupo sa malapit na bench, I followed her.

“Bakit?” tanong ko sa kanya. Hindi muna siya sumagot at pumikit ng ilang segundo. Pagkamulat ng mata ay saka siya sumagot sa akin.

“Nahilo lang ako.” sagot niya pagkatapos ay nginitian ako. “Ok lang ako Honey, don't worry.” sabi niya kaya napangiti ako. Nagiging sweet siya ah? Hmm.

Ilang minuto ang lumipas at nakumpleto na ang lahat sa loob ng gymnasium. Sobrang daming tao ngayon dahil maraming taga suporta ng ibang school ang pumunta dito. Bago nag simula ang laro ay nag program lang ng maikli ang principal namin and there, simula na.

Ang simula ay ang laro namin which is Track and Field kaya nag handa na ang mga kalahok dito. Panay ang sigawan ng mga tao at batid ko ang mga 'fans' ko ang mas malakas ang sigaw, of course. Para sa 1st round ay ako agad ang nilagay nila.

“Whoaaa! Si Haven agad!” sigawan ng mga ka-member ko. Napangiti ako at tumingin kay Havea, pero wala sa akin ang attention niya. Tatawagin ko na siya pero tinawag na ako ni coach.

“Haven!”

“KYAAAAAAAAA! SI HAVEN AGAD!”

“KYAAAAAAAH! GO HAVEEEN!”

“WINSTON ACADEMY! WINSTON ACADEMY!”

“HAVEN! HAVEN! HAVEN!”

Napangiti ako sa mga naririnig ko. Dumeretso na ako sa pwesto ko at pumusisyon. Muli kong tinignan ang mga tao bago ibaling ang paningin sa mga kalaban ko.

'Sorry bro, I'm going to win this', I whispered.

“Ready!” agad na nag ready ako sa aking narinig,

“Set!”

“Go!”

*BOOOOOOOOOOMMM!*

“AAAAAAAAAAHHHHHHH!” kasabay ng pag 'go' ay hindi ko in-expect ang pagsabog ng isang bomba. Akala ko ay normal lamang iyon ngunit nag bago nung nag sigawan ang mga estudyante at ang pag karipas nila ng takbo. Sh*t!

“D*mn!” mura ko ng lamunin ng usok ang buong gym. Hindi na magkaintindihan ang mga estudyante dahil panay ang takbo nila. Pati na ang mga coach ay hindi na malaman ang gagawin dahil pati sila ay natataranta.

Oh f*ck! “Havea!” agad na sigaw ko ng maalala ko si Havea. D*mn it! Where is she?! Agad na umalis ako sa pwesto ko at tumakbo sa bench kung nasaan kami kanina.

“Havea! Haveaaaa!” sigaw ko. Napa-ubo ako dahil sa usok na patuloy na lumalamon sa gym. “H-havea!” patuloy na pag sigaw ko habang walang tigil sa pag takbo sa buong gym.

“HAVEN! HAVEN!” agad na napantig ang tenga ko ng marinig ang boses na iyon. Agad na hinanap ko kung saan nang-gagaling ang boses.

“Havea! Where are you! Sh*t!” malakas na sabi ko. Ang dami ko ng nakakabunggo na mga estudyante at hindi ito nakakatulong. F*ck!

“H-haven! I-I'm here!” muli kong sinundan kung nasaan ang boses na iyon. Patuloy lang ako sa pagtakbo at nang may makita ako na isang babae na nakatalikod ay agad akong sumigaw, “Havea!” sigaw ko. Agad na humarap naman ito sa akin. Ngumiti siya sa akin pero nanlaki ang mata ko ng makita ko siyang biglang bumagsak sa sahig.

“D*mn! Havea!” wala na akong sinayang na oras papalapit sa kanya. Malapit na sana ako sa kanya ngunit may isang malakas na hangin ang dumaan sa harap ko at kasabay noon ay ang pag bagsak ko sa lupa.

“U-ugghhh!” sigaw ko dahil sa sakit na naramdaman ko. Unti-unting lumalabo ang mata ko kasabay ng unti unting pagsara ng mata ko pero bago pa itong tuluyang sumarado ay may nakita akong isang anino.

F-f*ck...

White Dead.










DEATH HEARTWhere stories live. Discover now