One Day

6 1 0
                                    

Suicide Attempt No. 13

" ...Ayon sa mga nakakita sa aksidente masyado raw mabilis ang pagpapatakbo ng puting van..." Anunsyo ng isang reporter mula sa breaking news sa T.V.

Hindi kalakihan ang apartment nila Gab, ngayon ay nanonood sya ng T.V. Hindi malaman ang tayo nya dahil nasa pagitan sya ng pagkakahiga at pagkakaupo, nakataas ng kaliwang paa nito sa sofa habang ang kanang kamay naman ay may hawak ng remote. Kanina pa nyang pinapalipat-lipat ang channel ng T.V. at 'yong balitang 'yon lang ang nakuha ng atensyon nya.

'Ano na bang nangyayari sa mga tao ngayon? Ganon na ba sila kapabaya?!' Sa isip-isip nya.

Sa likod naman nya ay makikita si Van na nakaupo sa silya at naglalaro ng lego na nakapatong sa isang tamang laking lamesa. Sa madaling sabi magkatalikuran sila, kung nakaayos ng upo si Gab. Kanina pang nagbubuo si Van pero mahina 'ngayon' ang creative mind nya dahil wala naman talaga sa paggawa ng ano mang itsura sa lego ang isip nya. Iniisip nya kung paano magpapakamatay. Hay! Napakalaki ng problema nya.

Noong isang linggo lang pumalpak ang plano nyang pagpapakamatay, naabutan pa rin sya ni Gab. Hay!

Kung may bibisita man na kung sino man sa apartment nila ay mapapahanga sila sa ayos nito dahil kahit summer na ay maaliwas ang pakiramdam kapag pumasok ka. Bukod sa may mga puno sa likod ng pinaparentahang-bahay ay ang dingding nito ay gawa sa semento ngunit nababalutan ng kahoy. May malapad na bintana sa kanlurang  bahagi ng apartment at nasa silangan naman ang pintuan palabas sa outside world. May dalawang kwarto sa may hilaga at nasa timog naman ang banyo at kusina, magkahiwalay sila ng pwesto sa kaliwa ang banyo at sa kanan naman ang kusina kapag nakaharap ka sa timog.

Mag-aalas onse na ng umaga kaya tumayo na si Gab para magluto. Naglakad sya papunta sa kusina dahil hindi naman sya alien or kung ano mang nilalang para mag teleport papunta doon. Nang mapadaan sya sa tapat ni Van ay matamang tinignan nya ang ginagawa nito. Nagtataka sya dahil kanina pang umaga ito naglalaro ng lego pero wala pa rin nabubuo. Hay! Kung alam nya lang ang nasa isip ngayon ni Van. Dumeretso na sya sa kusina.

Simula bata pa ay magkaibigan na ang dalawa dahil na rin siguro sa magkaibigan ang kanilang magulang. Hindi naman ganon kayaman ang dalawang pamilya, sapat na para mapag-aral sila sa isang magandang paaralan. College student na silang dalawa at hindi naman ganon kahalaga sa istoryang ito kung anong degree ang kinukuha nila dahil bakasyon at wala silang pasok.

Sa iisang apartment sila nakatira malapit lang ito sa paaralan nila. Simula't sapul na magkolehiyo sila magkasama na sila sa apartment na 'yon hanggang ngayon na third year na sila.

Matapos ang outing ay pumunta ang pamilya ni Gab para binisitahin ang kanyang lolo't lola. Hindi na sya sumama dahil wala daw magbabantay (kasama) si Van, baka daw kasi kung ano naman ang gawin si Van, para namang may gagawing kakaiba si Van. Si Van naman ay walang mapupuntahan ngayong bakasyon dahil matagal nang patay ang kanyang lolo't lola. Ang mga magulang naman nya ay... Hay! Sa susunod ko na sasabihin. Kaya heto nandito sila sa kanilang apartment.

Matapos magluto ni Gab ay naghain na sya. Sinadok niya ang kanin at nilipat sa malaking plato, inilipat nya rin ang ang gulay na bulanglang na teternohan ng piniritong galunggong.

*BLARGH.*

Isang misteryosong tunog ang narinig ni Gab.

*GACK.*

*COUGH. COUGH.*

'Shet. Wag mong sabih---' sa isip ni Gab.

*THUD*

'Shet'

Dali-daling pumunta kung nasaan si Van. Tama ang hinala nya. Nakita nyang namumula na ang mukha ni Van at halatang nabubulunan.

'Hays! Hayaan ko na lang kaya sya.'

Dali-dali nyang itinayo si Van at niyakap ito patalikod ipinalupot ang kanyang mga braso sa may bandang tiyan ni Van at pinagdakip ang kamay. Sinubukan na nya alisin ang nabara sa lalamunan nito.

Isa. Dalawa. Tatlo. PUMP!

Hindi mawari ni Van kung matatawa ba sya o maiiyak.

Isa. Dalawa. Tatlo. PUMP!

*GACK. COU----*

Isa. Dalawa. Tatlo. PUMP!

*PFF--- GACK*

Isa. Dalawa. Tatlo. PUMP!

Isa. Dalawa. Tatlo. PUM----

*PWEEEEHH FLOP FL---*

Lumabas na din ang sinubo ni Van na lego. Hays!

'Gaano ba nya ganon ka gustong magpakamatay!?' Naiinis na bulyaw ni Gab sa isip nya.

Tinulak nya palayo sa kanya si Van.

*COUGH. COUGH. COUGH*

Napaluhod at umuubong hinawakan ni Van ang leeg nya. May lumabas na dugo mula sa bibig nito.

Nang makita ito ni Gab ay gulat nyang hinablot ang kwelyo nito at nang maiharap na sa kanya si Van ay sinaman nya ito ng tingin. Hays!

"Tee-hee."

"Tee hee!?! Tee hee?!? Ha!? Tee hee!?" At tinulak ni Gab palayo sa kanya ang natatawang si Van na may dugo pa sa bunganga. Hays!

Tumayo na si Gab at naiinis na pumunta sa kusina, hinapas nya pa ang dingding nang madaanan nya. Hays!

"Hahaha----" *cough cough*

May lumabas na ulit na dugo mula sa bibig ni Van. Hays!

'Hahahahaha.' Pinunasan nya ang natirang dugo sa gilid ng labi nya.

"HINDI AKO ANG MAGLILINIS NYANG PINAGKALATAN MO DYAN!" Galit na sigaw ni Gab mula sa kusina. "KAKAIN NA!"

"S-sige." Mahinang tugon ni Van. *cough cough*

Napangiti si Van, suicide attempt no. 13... failed.

Tumayo na si Van at nilimot ang lego na may dugo. Hindi na nag aalala si Gab dahil hindi na inuulit ni Van ang nagawa na nya. Binulsa ni Van ang lego at pumunta sa kusina, nagmumug at ramdam nya ang hapdi sa lalamunan. Napangiti sya.

'I deserve it.' Sa isip nya.

*Blargh.*

Mapula ang niluwa nyang tubig. Hays! Napalingon sya sa kumakaing si Gab. Magkatalikuran ang pwesto nila kaya hindi nya kita ang reaksyon nito. Patuloy lang ang pagkain nito. Napangiti muli si Van. Siguro ay hindi na lang sya kakain. Masakit talaga ang lalamunan nya. Siguro naman ay mamamatay sya dahil sa gutom, yon ang iniisip nya. Kaya napagpasyahan na lang nya na pumunta sa kwarto nya at isulat ang naisip na sunod nyang gagawin.

...

"Hoy! Linisin mo yong pinagkalatan mo dito." Sigaw ni Gab habang hinahapas ang pinto ng kwarto ni Van.

"..."

'Sigh!' Tumalikod sya at muling nagsalita. "Kumain ka na ako na ang maglilinis nito. Hays!" Singhal nya ulit.

Pumunta sa kusina si Gab at kinuha ang basahan, binasa nya ito at bumalik sa salas.

No sign of Van again.

"Hoy! Kumain ka na. Ako na naglilinis dito."

"..."

"Tsk." Inis na tumayo si Gab at iniwan muna ang basahan sa sahig.

*BLAG. BLAG*

"HOY! ANO BA LALABAS KA BA DYAN O SISIRAIN KO 'TONG PINTO MO?"

*Clank.*

Bumukas ang pinto at iniluwa ang natungong si Van. Hays. Dumeretso sya papunta sa kusina.

"Tsk."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 17, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Day and the Other DaysWhere stories live. Discover now