"Oh, ganoon ba?" malungkot na sabi nito. " Noah puwede ka bang iinvite sa birthday ko this Saturday?"

"I'm not sure if I can come. Alam mo naman na hindi kami puwede sa mga celebration na iyan. Lalo pa ngayon kailangan higpitan namin ang seguridad sa palibot ng isla" sabi ko.

Hindi kami kailangan magpakampante dahil naging tahimik ang lugar. Masyadong tuso ang mga terorista baka naghihintay lang ulit ng pagkakataon umatake. Kailangan maging mapagmatiyag kami.

"Okay, pero umaasa pa din akong makakadalo ka sa kaarawan ko." tinanguan ko lang ito.

"Mauna na ako" paalam ko dito. Tinalikuran ko na ito at pumasok na sa kampo.

******

"Sir, may namataang mga armadong lalaki sa may ilog na malapit sa bayan" sabi ng tauhan ko.

"Okay, men get ready." kinuha ko ang baril ko lumabas na ko. Sumunod ng mga tauhan ko. Nagsikayan na kami sa truck para puntahan ang lugar kung saan nandoon ang mga armadong mga lalaki. Sigurado akong mga terorista ang mga iyon.

"Be ready because we don't know kung patibong ito. Kailangan nating mag-ingat" briefing ko sa mga tauhan ko. Nagsitanguan naman ang mga ito.

Nang narating namin ang lugar napansin namin ang mga damit na nakakalat. Sumenyas akong magspread kami. Sigurado akong ninakaw ang mga damit. Baka nagbihis ang mga iyon at magpapanggap na isa sa mga residente dito.

Pinalibutan namin ang lugar. Subalit pagkabungad namin sa isang area pinaputukan na kami. Sumenyas akong magtago kami.

Gumapang ako para hindi nila ako mapansin. Ginala ko ang mata ko sa paligid baka may sniper. Tiningnan ko kung may mataas na lugar kung saan nandoon ang mga sniper ng kalaban. Ng masiguro kong wala naman ipinagpatuloy ko ang paggapang. Napansin kong may isang kubo sa may di kalayuan. Sigurado akong nandoon nagtatago ang iba.

Dahan dahan ang paglalakad ko habang palinga linga ako. Narating ko ang kubo. Nakarinig ako ng umiiyak. Sumilip ako sa may siwang ng bintana. Nakita ko ang dalawang matanda na nakatali at may nakatutok sa kanilang mahabang baril. Limang armado ang nasa loob ng kubo. May mga batang nakatali din na nasa isang sulok. Tahimik na humihikbi ang mga ito.

"Ilabas na natin ang mga ito. Siguradong nakatunog na ang mga sundalo. Dalian niyo bitbitin niyo na ito gagawin natin silang panangga.

Naalarma ako sa narinig ko. Kailangan kong gumawa ng paraan, Nakita ko ang isa sa tauhan ko. Sumenyas akong mag standby muna sila hintayin nila ang signal ko. Inilabas ko ang patalim ko. Kailangan hindi ako makakagawa ng ingay. Gagamitan ko muna ang lakas. Napatingin sa akin ang dalawang matanda. Kaya sumenyas ako na tumahimik sila. Hindi ko na hinintay na lumingon pa ang lalaking nakatalikod sinaksak ko sa leeg nito.

Sinalo ko ito at dahan dahan na hinila. Sinunod ko ang isa pa ganun din ang ginawa ko. Nagulat ako ng pumasok sa silid ang isa pang lalaki kaya dinamba ko na ito at sinuntok sa mukha. Ginilitan ko ito sa leeg. 

"Napasok tayo!" sabi ng isa na nakita ako. Nagpaputok ito naramdaman ko na lamang ang tagiliran ko. Fuck may tama ako. Pinaputukan ko ang lalaki. Isa pa sanang putok ang ibibigay ko ng isangga ng isa ang batang hawak nito.

"Sige magpaputok ka itong batang ito ang matatamaan!" Tangina!

Itinaas ko ang baril ko at dahan dahan ibinaba.

"Hindi ako magpapaputok." sabi ko habang nakataas ang kamay ko. 

Pero traydor ang mga ito inumang nila sa akin ang baril nila. Bago nila ako maunahan tianrget ko ang isa ng patalim ko sapol ang dibdid nito. Magaling ako sa dart kaya pasensyahan na siya ang ginawa kong dart. Buti nagtatakbo sa kabilang side ang bata. Kaya may pagkakataon na akong barilin ang natititrang lalaki. 

Subalit bago ko napaputukan ang lalaki naunahan na niya ako. Natamaan ako. Napabagsak ako. Babarilin pa sana niya ako dumating ang mga tauhan ko. Pinagbabaril na nila ito.

"Commander may mga tama po kayo! Men tulungan niyo ako dito." narinig kong sabi ng tauhan ko. 

"I'm okay dalhin niyo ang mga bihag baka may backup pa na dumating ang mga kalaban" nanghihinang sabi ko dahil sa tama ko. Inalalayan ako ng tauhan ko. Napahawak ako sa may bandang dibdib ko. May umaagos na dugo doon. Halos hindi ko na naiintindihan ang mga sinasabi ng mga tauhan ko. Nanlalabo na ang paningin ko. 

HEAVEN

Napahinto ako sa pagtuturo ko dahil bigla akong nakaramdam ng kaba. Napaupo ako sa may chair ko para payapain ang kaba na nararamdaman ko. 

"Class, kopyahin niyo ang nasa blackboard" sabi ko.

Lumabas muna ako saglit sa room para sana pumunta ng CR. Napansin ko ang mga teacher na nagkukumpulan.

"Anong meron?" nakatingiting na tanong ko.

"Naku Ms. Heaven may balita na nakaengkwentro ng mga sundalo ang mga rebelde sa may malapit sa ilog. Nailigtas nila ang mga bihag kaso ang pinaka commander ng sundalo natamaan. Critical daw ang lagay dahil may tama daw sa bandang puso nito.

Bigla na naman kumabog ang puso ko. Hindi ba si Noah ang Commander?

"Ano pong pangalan ng Commander po?" tanong ko. Umaasa akong hindi si Noah iyon. Huwag naman sana.

"Cmdr. Noah Dela Costa ang name. " Nanlaki ang mata ko sa narinig. Para akong nanghina kaya napakapit ako sa isang teacher.

"Okay ka lang Ms. Heaven?" Biglang tumulo ang luha ko. Hindi maari ito.

Bigla akong naglakad palabas ng school upang puntahan si Noah. Natigil ako dahil hindi ko alam kung saang ospital ito dinala kaya napahagulgol na lang.

 Natigil ako dahil hindi ko alam kung saang ospital ito dinala kaya napahagulgol na lang

Deze afbeelding leeft onze inhoudsrichtlijnen niet na. Verwijder de afbeelding of upload een andere om verder te gaan met publiceren.

Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13



BARAKO SERIES: #6 You and Me (Noah Dela Costa Story)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu