44th Piece

560 29 10
                                    


Halos lahat ng Senior Students ay sobrang busy sa pag-aayos at pagpapaganda ng kani-kanilang booths. Kung mapapansin niyo rin, kami lang ang kakaiba dahil na rin siguro mga nakabaro't saya ang buong section namin. Nakakatuwa kasi naagaw namin ang pansin ng mga estudyante at natuwa rin ang mga teachers sa theme ng booth namin. Naghihintay na lang kami hudyat ng opening ng foundation week.

Napansin niyo ba kung bakit ganun ako magsalita? Kasi nagpa-practice ako. Ganito kasi ang napagusapan naming magkaklase:

"O, mga ka-pangkat, mayroon tayong kondisyon kapag may nagsalita ng wikang Ingles. Marapat na lahat ay magtagalog lamang upang hindi magbayad ng sampung piso." Natuwa ang lahat sa naisip ni Yong.

"Sang-ayon ako kay Ginoong Yong." Ani Krisine.

"Ngayon na ba magsa-start?" Biglang singit ng isa namin kaklase na si Erin. Nagsitinginan ang lahat sa kaniya at napa 'omg' na lang siya. Mas lalong nagngitian ng maloko ang iba namin kaklase.

"Paumanhin binibini. Ngunit hindi mo pa ba napapansin ang  malalim na pagtatagalog ng bawat isa?" Sabi ni Aion.

"Hala! Ang hirap naman! Pwede bang magbayad na lang ako para kahit isang buong araw na akong mag- taglish?" Pagrereklamo niya uli.

"N-- ibig ko sabihin, hindi pwede. Dapat lahat ay may pagkakaisa. Ganito na lang. Kapag nag-Ingles, may bawas ang punto ng parsi- parti- parsipi- ay ano ba ang Tagalog ng participation?" Napatawa ang lahat sa sinabi ni Yuan. "Basta ayun! Yung sa punto ng par-ti-si-pasyon ng grupo sa klase. Mababawasan ang grado sa Filipino."

"Mga binibini't ginoo, ikinalulungkot kong sabihin na hindi makakarating ang pinuno nating si Edward sapagkat nagkaroon ng biglaang pag-uwi sa Alemanya dulot ng nasa kritikal na kalagayan ang Mr. Nicholas Barber." Napatingin ako sa nagsasalita na si Christian. At ganun din silang lahat na parang hindi inaasahang makikisama ito. Pero wala namang dapat ipagtaka dahil bise presidente siya ng klase namin at dapat na manguna siya sa mga patakaran.

Wait nga! Time out muna. Sa isip lang naman ako nagsasalita e.

Hindi ko ine-expect na bagay na bagay kay Christian magtagalog ng malalim at hindi ko maitatangging mas dumagdag yun sa charm niya. Ngayon ko lang napagtanto na ibang-iba na talaga siya compared sa dating siya na palaging may dark aura kung makikita mo siya. Kaya siguro nagulat ang iba at ang ibang girls naman ay parang humuhugis puso na ang mga mata.

"Ako na muna ang bahal sa inyong lahat. Siguro nama'y alam niyo na ang iskedyul niyo ngayong buong Linggo kung kaya ay nais kong hingin ang inyong partisipasyon. Maliwanag ba?" Tumango ang lahat.

"Hey guys! We need to go to the covered court na daw said Mrs. Zafra." Napatingin ang lahat ng dumating si Angeline. Hindi maitatangging bagay na bagay ang suot niya sa kaniya. Mukha siyang Foreigner with a Filipina Heart dahil sa litaw na litaw ang pagiging dugong foreigner niya at ni Angel.

Speaking of Angel.

Parang hindi ko pa siya nakikita ngayong araw?

Maraming nagsabi sa kaniya ng tungkol sa rule namin ngayong araw. Naintindihan niya naman at napapayag pa siya. Dumiretso na kami sa loob ng covered court at doon naghintay ng opening remarks ng aming principal.

"Let us all pray for the founder of this school, Mr. Nicholas Barber. He was hospitalized and is now in a critical state." Dinig kong sabi ng isang admin. At namalayan kong hindi na naman ako nakapakinig dahil sa inisip ko na naman si Edward.

Hindi kaya kasama niya si Angel ngayon sa Germany kaya wala ito ngayon? Marahil close na siya sa pamilya nito at bumisita rin kay Mr. Nicholas.

Nakakainggit naman siya. Pero wala akong karapatan, diba? Ang saya siguro maging isang Angelica Warrenths. Ang sarap sigurong mahalin ng isang Edward Barber.

The Lost Pieces (MayWard Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon