14th Piece

1.7K 111 3
                                    

Maymay's POV

*Mama Lorna calling*

"Hello Ma?" Sinagot ko ang tawag ni Mama Lorns. Mahalaga kasi.

"May hello! Kamusta kayo ni Fenech?"

"Ma Okay naman po kami dito sa Makati! Kayo po ang kamusta?"

Well hindi naman talaga ako okay... alam nyo naman, mga pangbubully at stress na ako dahil sa pinapagawa ni President. At sabayan pa ng mainiting ulo, hambog at salbaheng President.

"Okay lang naman kami nila Ryu. Anak may mahalaga akong sasabihin." Parang kinabahan naman ako dito kay Mama Lorns.

"Ano po yun ma?" Tanong ko.

"Nak sorry! Hindi ako makakapagpadala... Nagkaroon kami ng problema sa pera dito eh. Tapos nagkasakit pa ang kapatid mo." Halata sa boses ni Mama ang pagkalungkot.

"Okay lang po Ma. May kaunting ipon pa naman po ako. Pagkakasyahin na lang po muna namin yun at maghahanap na lang po ako ng trabaho. Malaki na rin naman po ako kaya tutulong po ako sa inyo."

"Anak sigurado ka ba jan? Baka naman mapahamak ka?"

"Mama naman... malaki na nga ho ako at sisiguraduhin ko naman po na malinis at marangal ang trabaho ko. Hindi naman po ako papasok sa gulo."

"Oh sige anak. Sorry talaga ha! Sige alis na ako, pupunta pa kami ni Ryu sa ospital eh."

"Sige Ma. I love you po... ingat kayo jan ni Ryu."

"Sige nak. Love you too. Ingat kayo palagi ni Fenech jan ha."

At saka nya na ibinaba ang telepono.

Napaupo na lamang ako sa kama. At unti unti ng bumagsak ang luha ko. Kanina pa kasi talaga nitong gusto lumabas pero kailangan kong ipakita kay Mama na malakas ako at hindi nasasaktan. Ang hirap naman ng buhay.

Oo, hindi ko maipagkakaila na wala akong galit na nararamdaman.

Si Mama kasi, may iba na syang pamilya sa Japan. At once a year lang sya dumadalaw dito. Diba ang sakit nun bilang isang anak na naiwan dito?

Naiinis pa rin ako kasi iniwan nya kami ni Fenech dito. Hindi nya ba alam na nahihirapan na kami? Kahit pa sila Mama Ludy?

Kahit na naibibigay nya ang mga pang araw araw namin, hindi pa rin yun sapat. Kasi ang kailangan namin ay y ung pagkalinga at pagmamahal ng isang magulang.

Hindi nya rin ba naisip na may mga anak sya ditong nakalimutan at nagkaroon na sya ng bagong pamilya? Hindi nya man lang inalala kung ano man ang magiging desisyon namin kung magkakaroon sya ng bagong pamilya?

Okay na sana na wala si Papa pero pati si Mama wala na rin eh. Tanging sila Papa Joe na lang talaga ang tangi naming yaman. Ang hirap maging broken family. Wala ka na ngang tatay, tapos nanay mo pa malayo sa inyo.

Hindi ko na lang ipinakita kay Fenech na nasasaktan ako at umiiyak. Alam ko namang mag aalala sya.

At hindi naman dahilan ng pag iyak ko yung hindi nakapagpadala si Mama. May galit lang talaga ako sa puso.

Pag talaga pamilya ang pinag uusapan, lagi akong naaagrabyado.

Maghahanap na talaga ako ng trabaho mamaya.

Pumasok ako sa school. At parang wala ako sa mood ngayon. Ayoko lang talaga na gumulo pa lalo ang isipan ko dahil sa mga tanong na hindi naman masagot sagot.

Pansin din ni Fenech kanina na parang malungkot ako. Pero pinipilit kong ngumiti para hindi nya na ako alalahanin.

Dumiretso muna ako sa COF para tanungin si President kung may mahalaga syang ipagagawa sa akin. Alam ko naman na meron dahil hindi ko iyon nagawa dahil nga sa nangyari kahapon.

The Lost Pieces (MayWard Fanfic)Where stories live. Discover now