42nd Piece

1.4K 59 28
                                    

Hi! Sorry na late po hihi. Slow down muna natin ang revelations and happenings po, okie? Flashbacks muna tayo! ^_^

***

Maymay's POV

Pagkarating na pagkarating ni Ate sa graden, nakita ko ang ilang katulong sa likod niya na may dalang mga trays. Nakangiti siya habang nasa harap ko. Napansin ko naman ang ilang mga pagkaing dala ng mga kasambahay nila. May pizza at marami pang iba. Pero hindi ko na tiningnan iyon dahil napadako ang tingin ko muli sa bintanang nakabukas. Nagbabakasakaling lumabas ang mukha ni Edward doon.

"That's his room. You're right." Sabi niya at umupo na. Hinainan niya ako ng ilan sa mga pagkain pero nananatili akong tahimik. "Bakit ang tahimik mo?" Nagtataka niyang tanong. "Are you okay?"

Nabakas ko ang pag-aalala sa salita ni Ate.

Tumango lamang ako at pilit na ngumiti.

"Hmmm! I don't know if i'm right with what I am feeling. I know my brother too well even if it's really rare that he's opening up things to me. In some cases, did he already made fun of you? Or did he bullied you before on your school? It's not impossible co'z you're on the same place everyday." Umiiling niyang sabi.

Umiling lang rin ako.

Maymay umayos ka nga! Kausapin mo ng maayos si Ate at wag mo siyang sagutin ng mga ngiti at iling diyan.

"Ate. Tama ka na nasa iisang lugar lang kami araw-araw. Classmates kami. He's the class President."

"Yup! Nabanggit niya sa akin iyon. So what's with my brother? You seems so quiet simula nang makita mo ang family picture namin."

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba talaga kay Ate. Pero feeling ko dapat ko talagang sabihin. Isa siya sa mga naging importanteng tao sa buhay ko.

Buo na ang desisyon ko. Sasabihin ko na sa kaniya.

"Ate... hindi ko sasabihin ito para tulungan mo ako sa kapatid mo. I'm saying this because you're like a real sister to me and ayokong maglihim sa iyo. I really like your brother." Napayuko ako dahil sa hiya. Ano na lang kayang iisipin ni Ate?

Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at tumalon-talon. Kita ko rin ang pamumula ng kaniyang pisngi at ang napakalaking ngiti sa labi niya. Napangiti na rin ako sa ginawa niya.

Umupo siya at kaagad na humarap sa akin. "Really? How? Kailan pa?" Hinawakan niya ang kamay ko.

Uminom muna ako ng juice dahil nakaramdam ako ng panunuyot ng lalamunan kanina nung sinabi ko sa kaniyang gusto ko ang kapatid niya.

"That's the problem ate. I don't know how and when." Pag- e-english ko. Ang galing ko na mag-english no? Araw araw ba namang english ang sumasagupa sa tenga ko e.

"Hay nako! That's it! That's it. Kapag talaga love, you don't know how and when you loved that person." Nge? Nasa love stage na kaagad si Ate. Pero feeling ko nasa love stage na din naman ako e. Iniyakan ko nga si Edward. Nahihiya lang talaga akong i-admit.

"Ateee!" Hinabaan ko ang pagbanggit nun para maramdaman niyang nahihiya ako.

"Don't be shy na, baby girl." Sabi niya. Nakalimutan ko namang nasa bahay pa rin nila ako dahil sa pag-uusap pa namin. Mabuti na rin iyon para hindi ako mukhang mute dahil sa hindi pagsasalita ng maayos.

"So, paano mo nakilala ang isang Edward John Barber?" Nakakaloka niyang tanong.

"You wouldn't believe it. Nagstart kami as enemies. Mutual enemies." kita ko ang pagbilog ng mata niya. Inalala ko ang lahat ng alaala simula nang magkita kaming dalawa. "Hindi kami sa school nagkakilala, ate. Nasa resto ako nun sa isang mall kasama si Fenech. Nang biglang may sumingit sa harapan ko. Isang lalaking naka-leather jacket at mukhang action star." Natawa si Ate sa narinig niya. "Nainis ako sa biglaang pagsulpot at pagsingit niya kaya kinausap ko."

The Lost Pieces (MayWard Fanfic)Where stories live. Discover now