11th Piece

1.8K 68 2
                                    

Maymay's POV

Simula ngayong araw, susuotin ko na talaga itong bracelet na ibinigay sa akin ni Mr. Pogi. Malay naman natin na baka dahil dito ay makilala nya ako diba?

At malaki na rin ang kasalanan ko sa kanya eh. Matagal ko na ring hindi ito naisusuot. Bilang pambawi naman, gagamitin ko na ito.

Huehue :"> back to normal na naman ngayong araw. Ngayon lang talaga ako tinamad na pumasok sa school! Sino ba naman kasi ang hindi tatamarin kung araw araw, puro pambibwisit ang matatanggap mo?

Itinulak ko ang sarili ko sa swing. Buti pa dito, ang peaceful ng paligid. May mga bata mang naglalaro, nakakatuwa silang panoorin.

Sana nung bata ako ganyan rin ako. Nung bata kasi ako, nawala yung Maymay na masiyahin ng iwan ako ng mga importanteng tao sa buhay ko... Si Mama Lorna, at si Mr. Pogi. Tapos natrauma pa ako dahil nga sa trahedya sa Davao. Pero nanumbalik din naman yung saya ko.

"Hi Maymay!" Isa lang naman ang tumatawag sakin ng nickname ko. Si Kisses.

"Kisses!" Atsaka nya ako niyakap. Araw araw ganito ang routine namin. Magkita sa Park.

"Kamusta ang weekends mo?" Tanong nya.

"Okay naman. Atleast nakapagpahinga ako sa mga gawain. Pero eto na naman, matatambakan na naman ng mga schoolworks."

"Hep! Hep! Hep!" Napatingin naman kami bigla sa kung sinoman.

Si Veronica at ang mga alipores niya. Nakahanay pa ang mga ito na animo'y magchi-cheerleading.

"You! Kirsten!" Sabi nito with matching kilay na pagkataas taas.

"Bakit?" Malumanay lang si Kisses.

"Why are you flirting with Marco?" Naguluhan naman ako sa sinasabi nitong bruha na ito. Inantay ko na lang ang sasabihin ni Kisses.

"What do you mean?" Kahit pala si Kisses ay nagtataka rin sa pinagsasabi nito.

"Oh c'mon! Wag ka ng magmaang maangan!" Kahit ang mga alipores nito ay nakaabang na.

"Wala akong alam sa pinagsasabi mo! At hindi ko nilalandi si Marco. Sya ang lumalapit sa akin." Medyo naiiyak nitong sabi.

"Lumayo ka na sa kanya hangga't maaga pa. Kung hindi, magsisisi ka! Let's Go Girls!" Ani Veronica atsaka na lumayo.

Napakadesperada naman nito.

Napatingin naman ako kay Kisses.

"Kisses anong problema?" Nag aalala na ako para sa kanya. Ayoking nakikita syang umiiyak.

"May-may h-hindi ko *sob* n-naman gusto n-na *huk* lumapit pa s-sakin si Marco. Sya lang naman *sob* yung luma-lapit s-sa akin." Sabi nya kaya't niyakap ko sya.

"Shhh! Tahan na. Wag mo na lang silang pansinin. Alam mo naman sa sarili mo ang totoo kaya yun yung panghawakan mo. Nandito lang ako palagi para sa'yo." Kung ako, matapang ang loob ko, si Kisses mahina pa ang loob nya. Alam kong hindi nya naman gusto ang ganitong bagay.

"Salamat." Sabi nya.

Umalis na kami ni Kisses dun sa Park dahil malapit na ring magpasukan.

At ng papasok na kami sa room, parang ayaw nya pang pumasok sa room. Nimotivate ko naman sya kaya't nauwi rin kami sa pagpasok sa loob.

Sakto din naman ang pagdating ni Mrs. Cariño.

"Okay class! Para sa lahat ng class officers, excuse kayo ngayon. May meeting ang lahat ng officers." Huh? Agad agad naman!

"Now na po ba Ma'am?" Sabi ni Yong, ang peace officer ng room.

The Lost Pieces (MayWard Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon