21st Piece

2.1K 85 11
                                    

Alaaaa! Guys thank you! We're now in #95 sa top ranking ng fan fiction <3 wiwiwi thank you talaga! Nakakatuwa rin magbasa ng comments ninyo! Mas ginanahan pa si Otor na magsulat :* alabyu all!

***

Maymay's POV

"This will be your place. We have some tents naman. You can share it by two." Pagpapaliwanag sa amin ni Mrs. Cariño, yes kasama sya dahil sya ang adviser namin.

"Okay, we're now going to group you into two for the tents. And Mrs. Cariño will stay at the admins house." Nagsalita naman ngayon ang presidenteng si Edward.

Malaki ang space namin at masasabi kong magkakalapit lang din kami ng lugar ng iba't ibang grupo. Kaya naman hindi gaanong nakakatakot. Alam nyo naman, nandito kami sa gubat at baka may mga ibang creatures pala ang naninirahan rito.

May mga ilaw din sa paligid. Maganda nga itong camp site na ito dahil hindi sya masyadong mapuno at makikita mo pa buong paligid.

May bahay rin dito na tatlong palapag at sa tingin ko ay para ito sa mga admins. Nandun rin ang medical team.

"Okay, so the pairs that will share on the tents are:

VP Christian and PIO Yong
Treasurer Lindsay and BM Alyza
Muse Kisses and Sec. Entrata
Pres. Edward and Escort Marco
Auditor Kristine and PO Kris

Aba ako lang yung tinawag sa apilyedo -,- grabe sya bai!

Sumang ayon naman ang lahat, at nag apiran naman kami ni Kisses. At si Kris at Kristine naman magkambal kaya okay lang yun.

Pumunta na naman kami sa tent namin ni Kisses. Hindi ito ordinary tent dahil makapal ito hindi makikita kahit na shadow mo pa pag nasa loob ka. Medyo malaki ang tent kaya't di masyadong masikip. May mini e-fan pa nga pero sa tingin ko hindi na namin ito magagamit dahil malamig ang klima dito at presko.

Inilapag ko na ang gamit ko at ganun rin naman si Kisses. Hay ang lami talaga! Kuhain ko kaya yung jacket ko.

Inihalungkat ko naman ang bag ko.

"Bushak san na ba yun?"

"May? Anong hinahanap mo?" Tanong ni Kisses.

"Ah eh yung jacket ko. Naiwan ko ata." Sabi ko at patuloy pa ring hinahalungkot ang bag.

"Hala ang lamig pa naman dito. At wala rin akong extra jacket or sweater. Pero gusto mo ba yakapin na lang kita?" Sabay yakap sa akin ng mahigpit.

"Hahaha! Sige!" Sabi ko na lang kahit na nilalamig pa rin ako.

*whistle*

May sumipol na ng malakas bukas kaya lumabas kami at ganun na rin ang ibang tao sa tent.

"Mamayang alas diyes magkakaroon tayo ng military training. At yun ang gagamitin ninyo para sa inyong clash." Sabi ng lalaki na mukhang sundalo.

"Understand?"

"Sir, yes, sir!" Sabi ng lahat.

Nagsalute naman ito at lumakad ng maganda ang tikas.

"Everyone! Team Diamond!" Narinig ko naman ang pagtawag sa section namin kaya't napalapit kami sa nagsasalitang si Edward.

The Lost Pieces (MayWard Fanfic)Where stories live. Discover now