Chapter 40: Tinuruan ako ni...

Magsimula sa umpisa
                                    

"I am the future CEO of J.S Company. Hindi ako papayagan ng mga magulang ko na pumasok sa ganyang industriya."

"Hah! Knowing you. You... of all people? Please, hahahahaha!" Tumawa na naman siya nang tumawa. Feeling ko ay maluluha na siya sa katatawa. Gusto ko talagang sumilip pero natatakot akong mahuli nila at hindi ko na marinig ang iba pa nilang pag-uusapan. "Nagpapatawa ka talaga, Nathan. Ikaw? Sa ugali mong iyan, hindi ka susunod sa mga magulang mo. Dakila kang pasaway. So who is she?"

"What're you talking about?"

"Alam kong love life ang reason kung bakit hindi mo magawang sumama sa amin sa Canada. Haaaay, ano ba yan? Sisirain ng babaeng iyon ang career na naghihintay sa 'yo."

So ito ba iyon? Madaming tanong ang agad na pumasok sa isip ko. Kung aalis ba si Nathan, paano ang pag-aaral niya at kung paano na ako kapag wala siya sa tabi ko.

"Mind your own business, Andrea." Narinig ko ang ingay ng upuan kaya sumilip na ako nang dahan-dahan. Hawak ng babaeng nagngangalang Andrea ang braso ni Nathan. "Bibigyan pa kita ng time para mag-isip, Nathan. Nakahanda na ang papers and passport mo. Ikaw na lang ang bahala kung dadating ka. Maghihintay kami sa airport sa November 10."

November 10 ang final round ng Battle of the Bands. Bigla tuloy akong kinabahan. Nang akmang aalis na si Nathan ay wala na akong nagawa kundi umupo na lang at nagtaklob ng mukha habang nakayap sa tuhod ko. Hindi ako napansin ni Nathan dahil mabilis ang paglabas niya sa kwartong iyon. Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad siya palayo hanggang sa huminto siya sa harap ng dingding at sinuntok iyon.

Nakita ko ang paghihirap niya sa paggawa ng desisiyon. Napahawak ako sa aking bibig kasabay ng pagpatak ng aking mga luha. Alam ko na ngayon ang gusto niya. Gusto niyang umalis para matupad ang pangarap niya pero hindi niya magawa dahil natatakot siyang iwan ako.

=End of flashback=

Hinawakan ko ang mukha niya. Tinitigan ko siya. Alam kong nangingilid na naman ang mga luha sa aking mga mata.

"Mika."

Tuluyan nang pumatak ang aking mga luha pero tahimik lang ako habang nakatingin sa kanya. Hinawakan niya rin ang kamay ko na nakahawak sa kanyang magandang mukha.

"I love you. Sobra kitang mahal, pero hindi ko kaya na makita kang malungkot dahil hindi mo natupad ang pangarap mo."

"Masaya naman ako sa 'yo. Kahit wala na nun, kahit hindi na ako sumama. Hindi ko rin kayang makitang malungkot ka kapag nawala ako. Ikaw pa, eh patay na patay ka sa akin." Hinampas ko siya sa balikat. Nagawa pa niyang magbiro ngayon. "Ouch!"

"Yabang mo talaga."

"Huwag ka nang mag-emote dyan. Hindi ako aalis," nakangiting sabi niya. Alam ko na kahit nakangiti siya ay malungkot siya kaya hindi ko magawang ngumiti. Ayokong maging selfish sa kanya. Gusto kong matupad niya ang kanyang mga pangarap.

"Moo. Mahal kita kaya susuportahan kita sa gusto mo."

"I said I'm not going."

"Pwede ba, Nathan? Makinig ka nga sa akin. Ayokong ako ang maging dahilan kung bakit hindi mo matutupad ang pangarap mo!"

"November 10 ang alis ko. I know it's not okay. Araw 'yun ng Battle of the Bands."

"Alam ko..." Bumuntong hininga ako. "Wala naman akong magagawa. Basta tuparin mo na lang ang gusto mo sa buhay. Babalik ka naman, 'di ba? Maghihintay ako. Hihintayin ko ang pagbabalik mo."

"Hindi ko alam kung gaano ako katagal doon. Pero sana, hintayin mo ako."

"I will Moo..." And then we kissed.

"Bakit mo ako pinapaalis tapos hindi mo ako pinapansin ng tatlong araw ha?"

"Eh kasi naiinis ako. Ayokong umalis ka pero ayokong malungkot ka. Haay nako! Hello, pangarap mo kaya 'yun!"

"Edi hindi na ako aalis."

"Ano ba, Nathan! Ang kulit moooooooooooo! Nakapagdrama na nga tayo kanina. Aalis na nga ikaw, 'di ba? 'Di ba?! Basta hihintayin kita."

"Bakit ba atat na atat kang paalisin ako? May lalaki ka ba dito? Gusto mong manlalaki kapag nawala na ako, 'no? Papabantayan kita kina Tristan at Arden! Kaya malalaman ko kung may lalaki ka!"

"Edi pabantayan mo, good luck kung may makita ka! Asa ka pa naman na may lalaki ako! Baka ikaw! Madaming magagandang babae dun! Ipagpapalit mo na ako sa mga sexy chikas doon!"

"Ako?!" Itinuro pa niya ang sarili niya. "Ipinanganak akong loyal, Mika. At feeling ko nga, ipinanganak ako para sa 'yo."

Leche ka, Jonathan Smith! Hindi ako sanay na ganyan ka kung bumanat. Gusto ba nitong mamatay ako nang maaga dahil hindi ako makahinga sa sobrang kilig?

"And there, ang bilis mong mamula," dagdag niya.

"Panira ka talaga ng mood!"

"Teka, kung sina Arden at Tristan ang magbabantay sa 'yo, siguraduhin mong hindi ka mai-in love sa isa sa kanila ah. Lagot kayo sa akin."

"Asa pa naman na mangyari iyon. Never!" Nagulat ako nang niyakap niya ako.

"Mas gusto ko pang mamatay kesa makuha ka ng iba. Huwag kang magkakagusto sa isa sa kanilang dalawa ha? O kaya sa kahit na sinong lalaki. Ako lang dapat." Niyakap ko rin siya.

"Ano ka ba? Hindi mangyayari 'yun. Si Arden, may Nicole na. Si Tristan naman may pinopormahang iba. At hindi rin ako magkakagusto sa iba. Ikaw lang, Moo."

Humiwalay siya ng yakap.

"May pinopormahan si Tristan?"

"Oo. Sinabi niyang may gusto raw siyang babae."

Nagkulitan lang kami maghapon tapos pumunta kami sa music room. Nandoon pala sina Arden, Nicole at Tristan. Tuwang-tuwa si Nicole sa pagda-drums ni Arden. Si Tristan naman ay naggigitara lang. Tinuruan na rin ako ni Nathan na mag-gitara pero nagulat siya nang medyo marunong na ako.

"Paano ka natuto?" nagtatakang tanong niya. Mukha siyang disappointed.

"Tinuruan ako ni Tristan."

"Ahhh." Para siyang napanganga. "A-akala ko, ako ang unang makakapagturo sa 'yo nito."

"Busy ka nung mga panahong iyon kaya si Tristan na lang ang sinabihan ko. 'Di ba, Tristan?" Tumingin ako kay Tristan na mukhang hindi mapakali.

"Ah... oo."

"Saan kayo nag-aral? Nahirapan ka ba nung una?" seryosong tanong niya. Wengkz! Para namang nag-iimbistiga si Nathan ko. Haha!

"Mahirap noong una. Nag-practice kami dito sa music room at—" naputol 'yung sasabihin ko nang sumabat si Tristan.

"Dito lang sa music room."

"Ahhh, ganun ba? Pero buti naman at marunong ka na. Basta practice ka pa ha?" sabi ni Nathan sa akin.

"Yup! Ako pa!"

Bakit kaya hindi sinabi ni Tristan na nag-practice rin kami sa bahay niya? Hmm.. Baka dahil alam niyang seloso si Nathan? Siguro ganoon nga.

Book1:Courting my Future Husband (CMFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon