Siya din ang direksyon ko sa buhay, ang taong nagbibigay sa akin ng mga tanong at sinasagot nya din ang lahat ng tanong ko. She was the ultimate answer to everything. Lahat ng duda sa sarili at kahit ano pa, lahat nawawala dahil sa kanya. Maya-maya lamang ay lumapit na ito sa akin, kinakanta ang bawat linya ng kanta. Punong-puno ng ningning at pagmamahal ang kanyang mga mata.

"Kahit maputi na ang buhok ko..." She looked me in the eye as she sang the last part of the song.

Agad kong ginawaran ng halik ang kanyang labi. It was a quick and chaste kiss. I smiled at her before saying.

"Happy Monthsary, Mahal ko."

"Happy Monthsary, Love." She said as I pulled her into a hug.

Napuno ang EDSA People Power Monument ng palakpakan at hiyawan. Kinikilig sila sa amin.

"Ayan partner, tunay ngang may forever dito sa EDSA. Isa pang palakpakan dyan para kay Ka Denise at Ka Maling!" Sabi ng isa sa mga Emcee si Ka Angel.

"Oo nga partner at nakakamangha, kasi si Ka Denise at Ka Maling ay parehong babae, patunay lang na ang pag-ibig ay sadyang makapangyarihan." Pagsang ayon ni Ka Nico.

"Kaya tayo ay magmahalan mga kasama, labanan natin ang pwersa ng kadiliman na ngayon ay bumabalot sa atin, remember Love trumps Hate." Sabi ni Ka Angel.

Bumaba na kami ni Denise sa entablado, andito ang pamilya namin ngayon, cheering for us. Nasa harapan sila ng entablado ngayon, sa harap na kami bumaba ni Denise. Niyakap si Denise ng mga magulang at Ate nya habang ako at mga magulang ko at ang dalawang nakakabatang kapatid ko na si Jenny at Jerick ay yumakap sa akin.

May dinner kaming pamilya ngayon, treat namin ni Denise para sa pamilya namin. Eto na nga at sumakay na kami ni Denise sa kotse nya, which was a Ford Focus 2018, sila nanay ay nasa Ford Ecosport, habang ang pamilya ni Denise ay nasa kanilang Honda CR-V.

Napagkasunduan naming pumunta sa Banawe, Q.C., magdidinner kami sa isang Chinese Restaurant. Denise and I led the convoy, Denise was the one driving.

"Mahal ko, I really can't believe na magaling ka pala kumanta. Salamat for offering me a song. Sobrang natulala ako kanina."

"Better believe it love, I am more than just a law student." She smiled and said confidently.

"Mahal ko, I never said you were just a law student. I was just in awe of you. Everyday mo akong sinosorpresa." I said to her.

"Sorry love. Hay, wala pa ding balita if tuloy ang board exam. Kaya nasestress na ako." She admitted.

"Mahal ko, don't be stressed. Dapat magreview ka lang lagi, para kung matuloy ang bar this year, you are prepared." I said to her.

"Yeah, you're right. It's better to be prepared than to end up empty handed. Salamat, love." She said smiling.

"For now we celebrate. It's been 6 months of us. Thankful ako kasi lagi kang andito sa tabi ko, sabay nating lalabanan ang diktaturya. Hindi ka mabibigo." I said to her reassuringly.

"Salamat, love. You're trully one of the people who supports me." She smiled as we made a left turn.

"Welcome, mahal ko." I replied to her.

Maya-maya lamang ay nakarating na kami sa restaurant. We sat as a whole family as we had dinner. It was also my thanksgiving dinner, dahil last month lamang ay natanggap ako sa trabaho, I teach Folk music now at my Alma mater. Habang si Denise ay isang court clerk para sa kanyang ama. Bagamat pareho kaming busy sa mga trabaho namin, hindi pa din kami nawawalan ng time na umattend ng mobilization. Ganun din ang bonding namin kasama ang pamilya namin. Kasalukuyang naka-enroll ang mga nakakabatang kapatid ko sa school, si Tatay ang may sagot sa tuition nila at ako naman sa mga gamit sa eskwela at baon nila. Matatalinong bata ang dalawa.

We had dinner with our families. We had fun and talked about how life was for us ngayong pareho na kaming nagtatrabaho ni Denise. This is one of the best days in my life. Ang makasama ang mga magulang namin at ipagdiwang ang ika-anim na buwan namin bilang isang ganap na magkasintahan ni Denise. Mabait at matulungin si Denise, lagi itong may pasalubong hindi lang para sa dalawang kapatid ko, kundi para din kela Nanay at Tatay. Siya ang pinaka-paborito nila Nanay at masaya ako sa puntong ito. Bagamat madaming tao ang bumabatikos sa amin, hindi ko kailangang makinig at magpadala sa kanila. Kami lang ni Denise ang may karapatang mag-sabi kung mali na kami. It makes me proud to have her.

A/N:

rastroheart, I hope that your birthday went well. I am writing this chapter January 18, 6 days before your birthday. But, as I mentioned I haven't finished it yet at this time. So, this serves as your belated birthday gift from me. Madami pang chapter ang itatakbo ko. Medyo natatakot lang ako na isulat ito. Pasensiya ka na kung natagalan ako tapusin ito. Pero alam kong hindi ko na mapipigilan ang mga bagay sakaling mangyari ang mga nakasulat dito. Sakaling nakalimutan mo na, gusto kong malaman mo na sinosuportahan ko lahat ng bagay na gusto mong gawin. Kahit pa sinasabi mong hindi mo kaya. Paki-usap, wag mong sayangin ang pagkakataon. Alam mo na ang dapat mong gawin.

Sa mga readers, sana ay patuloy niyong suportahan ang story na ito. I will be back soon with another story. Siguro as soon as you finish reading this, there will be another one. Who knows? 😂

Spread light and love!

-Sky




2103: Martial Law (Love in Dark Times)Where stories live. Discover now