Ang aking utak ay nanduon pa rin sa eksena na aking napanaginipan, at pakiramdam ko ay madami pa ring kutsilyo ang nakatarak sa aking katawan. Nararandaman ko pa rin ang sakit ng bawat pagtarak kaya hindi ko mapigilan ang pagtulo ng aking luha.

"A-anak, hinga ka." Tumingin lamang ako sa kung sino man ang nasa aking harapan.

Sa mga oras na ito ay rumihestro na sa akin na ang aking tatay ang sa harapan ko, tumitig lamang ako sa kanya dahil hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi niya dahil sa hina ng pagprocess ng utak ko ngayon.

Nang mapansin niyang hindi ako gumagalaw ay agad siyang lumipat sa aking gilid at mahina niyang hinahaplos ang aking likod. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit niya ginagawa iyon pero pakiramdam ko ay inaalis n'yon ang bawat kutsilyo na nakaturok sa akin.

"Hingang malalim, anak." Mahina niyang sinabi sa akin.

Hindi ko alam kung ilang beses niya itong sinabi sa akin habang patuloy pa rin niyang hinahaplos ang aking likod ngunit napansin ko na lamang na sumasabay ang aking paghinga sa bawat pag-gabay ng kanyang salita.

"Very good, anak. Hingang malalim tapos buga," he didn't stop saying this to me.

Tumigil lamang siya ng marinig naming dalawa ang malakas kong hagulhol, marahil siguro sa pagkawala ng sakit na aking iniinda kani-kanina lamang. Sa mga oras ring ito ay tila ba tuluyan ko ng naintindihan ang nangyayari.

My father is here, helping me to calm down. Finally, someone. There's someone...

Mas lalong lumakas ang aking palahaw ng maramdaman kong niyakap niya ako at marahang hinahaplos ang aking buhok.

"TATAY!" Tawag ko sa kanya habang mahigpit ang aking kapit sa kanyang damit – na tila ba dito nakasalalay ang aking buhay.

"Sige lang, anak. Iiyak mo lang iyan. Andito lang si tatay." When he said this, pakiramdam ko ay binuksan ang gripo sa aking mga mata dahil lalong bumuhos ang aking mga luha.

Hindi ko alam kung ilang minuto ako umiyak ngunit ramdam na ramdam ko ang pamamaga ng aking mga mata, at sa sakit ng lalamunan ko kakahagulhol. Pakiramdam ko rin ay basang basa na ang damit ni tatay dahil sa akin.

Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago kumawala sa yakap ng aking tatay.

Ginulo niya ang aking buhok bago umupo sa aking harapan at mahinang tinatapik ang aking balikat na tila ba nagpapatulog siya ng isang bata. Gusto ko sanang magreklamo ngunit alam kong wala naman akong lakas para doon kaya naman hinayaan ko na lamang.

"Mas maayos na ba ang pakiramdam mo ngayong nakaiyak ka na?"

Nakayuko akong tumango sa kanyang tanong dahil ngayon na ako tinamaan ng hiya sa pag-iyak sa kanyang harapan. Napatigil ako sa paglalaro ng aking mga daliri ng kunin ito ng aking ama. He looked closely on my calloused hand, checking if there are wound up to my wrist.

"Gusto mo bang ikwento kay tatay kung bakit ka umiyak?" Pakakuwa'y tanong niya sa akin pagkatapos niyang inspeksyonin ang aking mga kamay.

Umiling lamang ako sa kanya dahil ng pakiramdaman ko ang aking sarili ay tila ba ayaw ko pang magsabi ng kung ano sa kanya. Besides, I don't really have the energy to do so.

Tumango lamang siya sa aking pag-iling at muling ginulo ang aking buhok. Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti bago muling tapikin ang aking balikat bago tuluyang tumayo.

"Gigisingin sana kita para sabay sabay na tayong mag-agahan, pero dahil hindi ka pang handa magkwento sa akin kung bakit ka umiiyak at dahil na rin sa itsura mong hindi pa handa makisalamuha, siguro ay magpahuli ka na lang muna kumain ngayon at baka kulitin ka ng kulitin ng nanay mo pagnakita iyang namamaga mong mata," mahaba niyang lintaya bago tumungo sa pinto.

Justice One: Revenge For Justice (Under Major Revision)Where stories live. Discover now