1st Avenge

2.8K 97 23
                                    

Sa araw araw na pagpasok ko sa paaralang ito, pakiramdam ko ang haba haba ng hallway papunta sa classroom namin. Alam ko sa sarili kong dapat ay masanay na ako ngunit hindi pa talaga – o kaya naman, hindi na talaga.

Mariin kong linunok ang bikig sa aking lalamunan at pilit ko ring tiniis ang tila ba pagikot ng mga organs ko sa tiyan at itinatakwil ata ang lahat ng kinain ko kanina sa agahan.

Hindi ko man tignan ang aking paligid ay alam kong nakasunod ang mata ng mga estudyante na kakarating pa lamang sa paaralang ito.

Hearing them whisper gives me cold hands and feet, and it alerts my whole senses. Pakiramdam ko kasi ay mayroon na namang susungab sa akin mula sa likuran.

The type of people that finds a self-fulfillment and power by hurting those weaker than them.

And in this school, I am aware na nasa weaker group ako ng population or "hierarchy". Sa ilang taong pamamalagi ko sa paaralang ito ay danas na danas ko na kung gaano kalupit ang tadhana at ang sistema sa mga taong walang kalaban laban o mga "charity cases" ika nga nila.

"She has the guts to still go here?" Bulong niya lamang itong sinabi ngunit hindi ko mapigilang mapakinggan dahil nasa tabi ko lamang siya habang umaakyat ako.

"Shh!" Her friend hushed, and in my peripheral vision I saw how she nudge her.

"What? I'm just telling the truth?!" Napalunok ako ng medyo lumakas ang kanyang boses kaya naman ay mas binilisan ko pa ang aking paghakbang.

"She has the audacity to go here, buong school ata ang may ayaw na andito iyan eh?"

Bago pa ako tuluyang makaakyat sa floor ng classroom namin ay naabot pa iyon ng aking pandinig. Mariin na lamang akong napalunok at malalim na lamang akong napabuntong hininga habang nasa tapat na ako ng aking classroom.

Analyzing what she said hurts me but I know she's telling the truth. It just that – truth hurts, I guess.

Pagpasok ng classroom saglit na natigil ang mga kaklase ko sa pag - iingay, pero maya- maya ay bumalik sila sa dati nilang pinaggagawa. Agad akong dumiretso sa kahuli-hulihan na pwesto ng mga upuan sapagkat iyon lamang ang lugar na maari kong upuan kung saan wala akong katabi.

Mag-isa lamang ako sa row na ito hindi dahil kulang ang estudyante ngunit dahil mas ginusto pa ng karamihan na magrequest sa school ng bagong set ng upuan at ilagay sa harap ko kesa sa tumabi sa akin.

Tahimik kong kinuha ang aking libro habang randam ko ang titig ng iba naming kaklase at maya maya pa ay naramdaman kong may tao sa gilid ko. Hindi ako agad nag-angat ng tingin bagkus ay tinignan ko muna ang sapatos na suot nito.

A Prada high-heel chocolate patent leather loafers.

Bago pa man ako mag-angat ng tingin ay naramdaman ko ang pagdaloy ng malagkit at mainit init na likido, kasabay ng pagdausdos nito mula sa aking ulo ay ang noodles – a carbonara. Narinig ko ang kanilang singhanapan ngunit maya maya pa ay narinig ko na ang kanilang pagtawa.

Pakiramdam ko ay may nalasahan akong mapait sa aking bibig habang pinipigilan ko ang pagtulo ng aking mga luha. Ang aking puso ay napakabigat na tila ba dinaganan ng napakalaking bato. Gustuhin ko mang ipagtanggol ang sarili ko ngunit sa sistema ng paaralang ito, alam kong wala akong laban.

"Oh, sayang ng carbonara. Bakit naman kayo nagsasayang ng pagkain?"

Hindi ko mapigilan ang pag-angat ko ng tingin, kasabay ng pagtaas rin ng aking pag-asa na may tutulong na sa akin. Ipinagsawalang bahala ko ang tawanan ng mga tao sa aking paligid sa isiping may tutulong na sa akin, ngunit agad rin itong nawala ng makita ko ang babaeng nasa aking harapan habang may nakakalokong ngisi sa kanyang labi.

Justice One: Revenge For Justice (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon