3rd Avenge

629 59 1
                                    

Hindi ko alam kung pa'no ako nakalabas sa lugar na iyon pero natagpuan ko na lamang ang aking sarili sa lugar kung saan ako nagtatago pagpinupuntirya ako ng mga kaklase ko.

I feel so suffocated that it made me think that I will die to due suffocation.

I am trying my best to organize my thoughts but right now I feel like my brain is a in void – it just feels like there's a lot in there but at the same time there's nothing. My hands and feet are cold and I feel like my heart had freeze.

May naririnig ako sa gilid ko pero parang hindi iyon pumapasok sa utak ko at patuloy lamang akong nakatingin sa aking harapan. Hindi ko alam kung ano ang tinitignan ko pero nakatutok lamang doon ang aking atensiyon.

I feel cold.

I feel blank. 

I feel like there's a huge void within me.

Gustuhin ko man umiyak pero parang ayaw ng mata ko at mas interesado ito sa kung ano man ang nasa aking harapan. Gustuhin ko mang kalmahin ang aking sarili ngunit hindi ko naman alam kung para saan. Gustuhin ko mang maka-alis sa kung ano mang pumipigil sa akin para makahinga ng maluwag ngunit hindi ko alam kung papaano. Gustuhin ko mang alisin ang aking panlalamig sa mga oras na ito ngunit hindi ko alam kung saan makakakuha ng sapat na init.

Ang dami kong gusto sa mga oras na ito pero parang ayaw itong sundin ng katawan at isip ko.

I, I just want to disappear – the little voice in my head whispered.

Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago buksan ang bahay namin. Sumalubong agad sa akin ang katahimikan na parang iniinganyo akong dumito na lamang at huwag nang lumabas pa.

Mas pinili ko na lamang umuwi kahit alam kong mayroong pagtalak na naman sa akin pagpumasok na ako ulit. I feel like this is the best choice to save myself from what I feel awhile ago.

This is the best choice to keep a little dignity within me, maybe my sanity too.

Quotang quota na ako sa araw na 'to.

Nang mailapag ko ang aking bag sa upuan namin sa sala ay agad kong hinagod ng tingin ang bawat sulok ng bahay kung sakali man na mayroon akong pwede linisin, ngunit napabuntong hininga na lamang ako at agad ng dumiretso sa aking kwarto ng mapansin na maayos at malinis ang buong paligid.

Maybe I'll just take a nap. Maybe that'll help me to get rid of this uncomfortable feeling.

Hindi na ako nag-abalang magpalit ng damit at agad na akong huniga sa aking kama. Ngunit pagpikit na pikit ko ng aking mga mata ay muka agad ng aming teacher ang aking nakita. Pakiramdam ko ay nauulit na naman ang nangyari kanina sa faculty.

Ang pinagkaiba lamang ay nakikita ko ang pagtubo ng sungay ng bawat isa sa mga tao na nandoon. Nakita ko rin kung papaano ang unti unting pagbabago ng hugis ng kanilang mga mata na tila ba nandidilim ang paningin nila sa akin at tumatalim ito.

Makalipas kong pasadahan ng tingin ang aking paligid, bigla na lamang tumahimik. Ibinalik ko ang aking tingin sa aking teacher at agad akong napaluhod ng mapansin kong kutsilyo na ang lumalabas sa kanyang bibig at hindi na mga salita.

Napasigaw na lamang ako sa sakit ng ang bawat kutsilyo na lumalabas sa kanyang bibig ay tumutusok sa aking buong katawan. Bawak tarak nito sa aking katawan ay parang mayroong nababasag ngunit wala namang lumalabas na dugo.

"T-tama na po..." I struggled to utter each word because my whole body is pierced by sharp pain. I plead and I plead, but no one hears it. Maybe this is the my en –

"Anak, gising na!" Agad akong napabalikwas ng yugyugin ako ng isang lalaki na kaboses ng aking tatay.

Siguro kung hindi niya ako hawak sa mga oras na ito ay nahulog na ako sa aking kama. Parang tumigil ang aking oras dahil hindi agad sa akin nagsisink in ang kung sino ang nasa aking harapan.

Justice One: Revenge For Justice (Under Major Revision)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ