Good Bye

4 2 0
                                    

I sipped from my cup of coffee while fiddling with my ring. Cydrick has not woken up yet and is later than usual.

I sighed as I thought of the things that are going to happen. Smiled but it later vanished.

Napa-angat ako ng tingin nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan. Bumungad sa akin si Cydrick na nag-uunat at hindi pa makadilat ng maayos. Hindi ako nakangiti kaagad nang magtama ang mata namin. Ngunit nang lumabas ang ngisi niya ay nadamay na rin ako.

Hinayaan ko siyang lapitan ako. Nang makapunta sa aking likuran ay naramdaman ko ang mahigpit niyang yakap at kasunod ang mainit niyang halik sa aking noo.

"Good morning, baby." He said with a husky voice that it nearly sent the butterflies in my stomach go wild, but it gladly did not.

"Good morning." I replied dryly.

Tumungo siya sa counter para magtimpla ng sarili niyang kape. Hinayaan ko naman na siya at tumingin na lamang sa aking cellphone.

Nalulungkot ako tuwing iniisip ko ang mga susunod na mangyayari. Pero habang tumatagal ay nawawalan na ako ng emosyon tungkol doon at hinayaan na lamang ang dapat mangyari.

Nang makaupo na siya sa tapat ko ay hindi ko siya tinapunan ng tingin. Narinig ko ang ilan niyang pag-ubo para lang mapatingin ako sa kanya, kaya naman napilitan ako.

Nang muling magtama ang paningin namin ay agad siyang ngumisi. Ngunit sa halip na balikan ko iyon ay lumihis ako ng tingin at hindi nagsalita.

Siguro ay napansin niya ang pag-iwas ko kaya naman bigla niyang nagsalita matapos humigop sa kanyang tasa.

"May problema ba, Cai?" Aniya para bang nag-aalala. Tumagal ang ilang segundo nang tingnan ko siya pabalik at muli nanaman sa aking cellphone.

"May nagawa nanaman ba akong masama?" Aniya muli at saka ko inihanda ang aking cellphone. Inilapag ko ito sa mesa at hinarap siya ng buo.

"Let's call off our engagement."

Hindi siya kumibo at kumunot ang kanyang noo. Tila ba nag-iisip siya nang malalim kaya naman matagal-tagal siyang nakasagot matapos kong magtaas ng kilay.

"Baby, why?" Sambit niya matapos ang kanyang katahimikan.

"I woke up on our anniversary only to know that you've been cheating on me for months already." Diretso kong sambit kaya naman nahulog ang panga niya at hindi alam kung saan titingin.

"I would never do such thing! I-I love you! Why would I do that?" Sabi niya pa kaya naman inikot ko ang cellphone at ipinakita sa kanya ang litrato.

"Suot mo pa yung regalo kong damit... Hmm. In fairness bumagay sa dress niya." Matawa-tawa kong sagot sa kanya na mas lalong nagpahulog sa kanyang panga.

"Huh? Kaibigan ko lang 'yan, Caizen!" Sigaw niya kaya mas lalo ko pang nahalata. Pumikit na lamang ako at muling kinuha ang cellphone.

"Wala ka bang tiwala sa akin para pag-isipan ako ng ganyan? Hindi ko magagawa iyan sa'yo!" Sabi pa niya at mas lalo akong natawa.

Binuksan ko uli ang cellphone at nagpakita muli ng litrato. I smiled before showing another photo to him. "Hmm. Ayan. Sa hotel pa ng honeymoon natin. Buti naman naisipan mong kumuha ng kwartong may kurtina."

Sa litrato ay kitang nakashorts lamang si Cydrick at naka-underwear lamang ang babaeng kasama niya. Good thing she's facing away from the camera, if not then I'd be throwing up all morning.

"Cydrick naman. Kung magiging unfaithful ka sa akin sana naman tinago mo ng maayos." Tumatawa kong sabi kaya siya tumigil. Tinaasan ko siya ng kilay ng makita kong kinakagat nanaman niya ang labi niya. Bagay na ginagawa niya tuwing nagagalit.

"Ganyan ba kababa ang tingin mo sa akin?" Aniya. Nagtaka ako bigla at kumunot ang noo ko. Hindi ako nagsalita.

"Mahal mo ba talaga ako at pag-iisipan mo ako ng ganyan? Paniniwalaan mo pa 'yan?" Aniya tila nagpipigil pa.

Sumilay ang ngisi sa labi ko ngunit sumakit ang puso ko sa sinabi niya.

"Ikaw, mahal mo ba talaga ako?" Tanong ko na nakapagpatahimik pa lalo sa kanya. Tumuwid ako ng upo at tinitigan siya.

"Wala ka namang kakambal, ano? Hindi naman ako tanga para maniwala sa'yo ngayon. Kaya tatanungin kita. Mahal mo nga ba talaga ako?" Pilit kong tinago ang lungkot sa mga salitang iyon. Tila may nagbara sa lalamunan ko at may namuong luha habang hinihintay ang sagot niya.

Ngunit walang lumabas sa bibig niya at umiwas lamang ng tingin nang nakaigting ang panga.

Tinitingnan ko lamang siya pero alam ko na kaagad ang sagot. Pilit akong ngumiti at nangibabaw ang galit sa sistema ko.

"Malinaw na pala ang lahat. Huwag na tayong maglokohan." Kalmado kong sabi at tumayo. Dumiretso ako sa pintuan at binuksan iyon.

"Labas."

Nanlalaki ang mata niya habang tinitingnan ako mula sa malayo. Kitang-kita ang pagkunot ng noo niya at ang pagsalubong ng kilay.

"H-huh?" Nakangiti niyang sabi. "Palalabasin mo lang ako? Ganoon lang?" Tawa niya habang tumatayo.

Tumaas ang kilay ko at tinitigan siya. "No. Lumabas ka na at huwag ka nang magpakita sa akin. 'Di bale ipapadala ko na lang 'yung mga gamit mo sa condo mo." Sabi ko na nagpalaglag muli sa panga niya. Bumuka ang bibig niya ngunit walang lumabas.

"Gulat ka 'no? May condo ka pala ni hindi mo ako sinabihan para sa atin sana 'yon." Sambit ko bago mas ibinuka ang pintuan.

Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya kaya awtomatikong tumirik ang mata ko. Wala na akong ibang maramdaman pa bukod sa pagkairita at poot. Wala akong panahon para umiyak at magmakaawa sa harap niya lalo na ngayong umaakto siyang inosente at parang gago.

I clicked my tongue once nang hindi siya gumalaw. Bumalik siya sa kanyang huwisyo at tiningnan muli ang pinto.

Binalewala ko ang ibang iniisip at mas lalong nilakihan ang pagkabuka ng pintuan, "Good bye, Cydrick." Sambit ko at tahimik siyang tiningnan.

Naramdaman ko ang init ng kanyang tingin sa akin habang lumalabas siya sa pintuan, ngunit hindi ko iyon pinansin. Nang maka-tapak na siya sa labas ay dali-dali ko namang isinara ang pintuan at sumandal dito bilang suporta.

'Tsaka lamang nahulog lahat ng pinigilan kong sakit. Nahulog ang likidong pinaka-ingat-ingatan ko.

Ganito pala ang pakiramdam ng sakit? Sakit na masarap sa pakiramdam...

Shorts and Poems by Ingridaaahh Место, где живут истории. Откройте их для себя