Sleep

6 1 0
                                    

"Lea! Lea!" Napamulagat ako nang marinig ang malalakas at tuloy-tuloy na boses mula sa aking paligid. Marami akong nakitang mukha, at ni isa wala akong nakilala.

Mas umingay ang paligid nang sinubukan kong bumangon. Agad namang may pumigil sa akin at muli ako ipinahiga sa kung saan ako nakahilata.

"Huwag kang pipikit! Naririnig mo ba ako?" Isang pamilyar na boses ang gumising sa aking diwa. Napatingin ako sa kanya at tumango. Naramdaman ko ang mariin niyang pagpisil sa aking nanghihinang kamay.

Bumigat muli ang talukap ng aking mga mata kaya ako pumikit. Sumigaw muli ang mga tao sa paligid at ngayo'y naramdaman ko na ang paglapit ng mukha ni Adrian sa akin.

"Please, Lea... 'wag ka munang pipikit, okay?" aniya kaya ako pagod na tumango. Pilit akong dumilat at inilibot muli ang aking mata upang maiwasan ang pagpikit nito.

Sobrang liwanag. Hindi ko maidilat ng maayos ang mata ko dahil sobrang liwanag.

Naramdaman ko ang kakaibang sakit sa aking ulo at tagiliran. Nang subukan kong gumalaw ay hindi ko magawa dahil tila nakatali ako sa stretcher na kinahihigaan ko at maraming tao ang nagbubuhat sa akin.

"Huwag ka gumalaw, Lea." May nagsalita muli ngunit hindi si Adrian. Si Clarence iyon, ang isa pa sa kasamahan ko.

"Kilala mo pa ako?" Tanong ni Adrian at tumango ako nang hindi siya tinitingnan. Pinisil niya muli ang aking kamay na mas nanghina ngayon.

Bigla na lamang nanlabo ang aking mga mata. Humina ang aking pandinig at muling nagsigawan ang mga tao sa paligid ko.

Lumakas nang lumakas ang sigawan nila na tila kasalanan ko.

Mas humigpit ang hawak ni Adrian sa kamay ko at naramdaman ko ang paghawak niya sa aking pisngi. Napadilat ako at nasalubong ko ang mukha niyang medyo malabo pa'rin .

"Lea! 'Wag kang pipikit. Naririnig mo ba ako? Lea, please huwag muna." Narinig ko siya ngunit pahina nang pahina. Liwanag na lamang ang nakikita ko at tila bumibigat nanaman ang talukap ng aking mga mata.

Nang hindi ko makayanan ang napapikit na lamang ako nang tumama ang isang mahaba at nakapanlulumong sakit sa aking ulo. Bumilis ang aking hinga at tuluyan akong walang narinig.

Dumilat akong muli ngunit wala na akong nakita. Puro kadiliman. Ngunit may kapirasong liwanag sa kung saan na tila ba bumulong sa akin na bumalik na lamang sa pagtulog nang mahimbing.

Shorts and Poems by Ingridaaahh Where stories live. Discover now