Laro

7 1 1
                                    

Tanda ko pa noon
Noong araw na sinabi ko na
Yung nagkaroon na ako ng pagkakataon
Na sabihin ang aking nadarama

Iyong paghahanda sa aking sasabihin
Inalala ang mga dapat kong gawin
Huminga ng malalim
At hinintay ang kalangitan na dumilim

Ang nanginginig kong kamay at tuhod
At ang pinagpapawisan kong noo
Ang pintig na nanggagaling sa aking dibdib
At ang pusong umaasa

Natandaan ko iyong tuwa na aking nadama
Dahil ang damdamin ko'y iyong tinanggap na
Hindi ka nakakita ng malisya
At ang malamang iyong sinuklian ang aking pag-hanga

Naiyak na lamang ako
Natuwa at nagalit
Nahiya at hindi makakain
Kinabahan para sa ating pagkikita

Pero alam mo yung masakit?
Bakit ka lumalayo?
May masama ba akong nasabi?
O baka naman, biro lang ang iyong sinabi?

Bawat araw na lumilipas
Ikaw nang ikaw ang nasa isip
Palalim nang palalim ang sugat
Sugat na iyong iniwan, dahil sa pag-ibig na iyong sinayang

Hanggang ngayon, dama ko pa rin
Yung pait at tamis
Ng panandalian nating pag-ibig
Na kailanman ay hindi ko makakamit

Dahil alam kong hindi ako para sa'yo
Hindi dapat ako umamin sa'yo
Kailangan ko nang lumayo
At magpatalo sa laro

Sa laro na pag-ibig
Na aking sinimulan
Na iyo namang ginalingan
Kaya ako ang naiwang sugatan

Shorts and Poems by Ingridaaahh Where stories live. Discover now