Gunaw

11 1 0
                                    

Paunti-unti
Nadarama ko na
Iyong dati
Muling nangyayari na
Iyong kinakatakutan ko
Iyong hindi ko mapaghandaan
Iyong sa iyo ay mapalayo
At bigla mo akong malimutan
Dahil isa lamang akong hamak na kakilala
At siya'y matalik na kaibigan
Isa lamang akong hadlang na nakatago sa iyong mga ala-ala
At siya ang balikat na 'yong sinasandalan

Sabi ko noon
Handa na ako kahit lumisan ka
Sabi ko noon
Kahit sino, kahit sa akin ay malapit pa
Pero bakit ganoon?
Ano bang meron siya na wala ako?
Ganda?
Masayang kasama?
Hindi bungangera?
At higit sa lahat, pinakikisamahan ka?

Ang sakit
Sabi ko hindi na mauulit
Pero bakit parang nangyayari nanaman
Pero mas masakit na ngayon
Iyong magkunwaring wala akong pakialam
Iyong kunwari ayus lang ako
Iyong kahit tanungin nila ako kung nagseselos ba ako
at alam mo ba ang sagot ko?
Oo.

Pero dapat hindi halata
Dahil ayaw kong magmukhang mahina
Sa harap ng mapanghusgang mga mata
Dahil wala akong karapatan na angkinin ka

Pero kahit ganoon nagagawa pa din kitang magustuhan
Kahit nakikita kong may iba ka ng gusto
Kahit mundo ko'y gunaw na gunaw na

Shorts and Poems by Ingridaaahh Where stories live. Discover now