Jump

10 1 0
                                    

Wala akong maramdaman na kahit ano habang pinagmamasdan ang nagkukumpulang mga tao sa tapat ng mataas na building.

Maski ang mga tao sa likod ko ay naghihiyawan at puro ang tawag sa aking pangalan na hindi ko naman alam kung bakit sila nag-aalala sa akin.

"Jane!" They called again for the millionth time but I never answered. Kanina lang hindi nila ako kilala, ah.

I walked slowly at the edge of the concrete making them scream more. Bakit sila nagpapanic kung ako nga mismong naglalakad, hindi?

Sa bawat hakbang na aking gawin ay naramdaman ko ang marahas na paghampas ng hangin sa aking katawan, na tila nag-uudyok na sa aking tumalon. Ang araw ay kanina nama'y tirik, but for some reason it started to get cloudy and dark.

I walked again, nang hindi makuntento sa hanging natatanggap ay ibinitin ko sa ere ang aking kanang paa kaya halos magsigawan na lahat ng tao sa baba at sa mga taong nasa likod ko.

"Jane, huwag kang tatalon!" Someone shouted again but I didn't listen. Sino ba sila para pagsabihan ako sa gagawin ko?

I'm ready.

Iyon ang nasa isip ko habang inaalala ang mga ginawa nila sa akin. Ang magaspang na takbo ng aking buhay na pinagtiisan ko ngunit walang patutunguhan. Pagod na akong hindi mapansin na tila isa akong langgam na hindi makita.

Para na lamang akong aninong nakatago sa kadiliman na kahit sino'y hindi ako pinagbalingan ng tingin. Nakakatawa dahil kung kailan na ako napagod sa buhay, at saka lang ako mapapansin?

Tumingala ako at dinama ang hangin. Lumalamig dahil sa papalapit na siguro'y ulan. Palakas nang palakas ang hiyawan nila nang umapak ako sa dulo ng semento. Kaunting galaw na lamang ay mahuhulog na ako.

Ano kayang pakiramdam kapag nasa baba na ako? Masasaktan ba ako? Para lang ba akong natulog?

Sa huling pagkakataon, narinig ko ang hiyawan ng mga tao habang nararamdaman ko ang mabilis kong pagkahulog. Pumikit ako ng mariin at hinintay ang malakas kong pagbagsak sa lupa... pero walang nangyari.

Dahil sa iritasyon ay dumilat muli ako. Walang masakit. Tumahimik ang paligid at may mainit na nakabalot sa akin.

Lumingon ako sa paligid at nakitang nasa rooftop pa rin ako. Ngunit walang tao. Tanging ang maliwanag na langit ang sumalubong sa akin.

Nasilaw ako nang sumilip pa ang araw mula sa pagtatago sa likuran ng mga ulap. At saka ako napatayo.

Tutuloy na sana ako sa dulo ng rooftop pero nakita ko ang isang pusa na tila masama ang tingin sa akin. Iniwasan ko siya ng tingin pero pagkadilat kong muli ay nasa harap ko nanaman siya.

Pumikit ako ng mariin at itinanong, "Anong gagawin ko?"

At pagkamulat ko pa lang ay sumalubong sa akin ang malaking billboard mula sa kabilang building.

Isang lalaking tila pinipigilan ako. At saka may bumulong sa hangin na nagpatindig ng aking balahibo...

Huwag... huwag kang tumuloy...

Shorts and Poems by Ingridaaahh Where stories live. Discover now