Pangarap

18 3 2
                                    

Kung magkaroon ako ng pagkakataong,

Mahagkan ka kahit saglit,

Dahil ikaw yung isa sa mga taong,

Kay hirap na makamit.

Kaysaya siguro noon,

Ang makatitigan ka sa mata,

Lalo na kung sa ilalim ng ulan o ambon,

Parang ang utak ko nasa fairytale na.

Pero atsaka ko lang muli naalala,

Isa lamang akong tagahanga,

Na tinitingnan ka mula sa malayuan,

At hindi mo makikilala kailanman.

Araw-araw sinasaktan ko ang sarili ko,

Kunware masaya kahit di totoo,

Ang mga charot ay di pala biro,

Yun pala sa loob-loob durog na ang puso.

Nais kong malaman mo,

Mahal kita.

Kahit ang tyansang mahagkan ka ay malabo,

Tandaan mo, mahal pa rin kita.

Kahit na hanggang tingin lang,

Dinadala mo ako sa alapaap,

Pero sa totoo...

Isa kang hindi makamit-kamit na pangarap.


Dedicated to my egg, Do Kyungsoo.

Shorts and Poems by Ingridaaahh Where stories live. Discover now