[26] History

4.3K 93 10
                                    

Third Person's POV

Nagkalat ang dugo sa sahig. Maraming tao na wala ng buhay ang nakakalat sa madilim na kwartong ito.

Pero wala siyang pake.

Sino siya?

Siya ang Dark Queen, ang babaeng kinakatakutan ng lahat. Kaya niyang pumatay ng tao sa loob ng ilang  minuto nang walang pag-aalinlangan.

"I told you... Slap me and you'll die" Mariing sabi niya sa bangkay ng babaeng pinatay niya. Tinago niya yung baril na hawak niya at umalis sa lumang gusali na iyon. Pagpasok niya sa kanyang kotse ay bigla siyang nawalan ng malay.



This is the effect of being the human tester of the new found chemical—Elixir Void.


May isang lalaking tumakbo papalapit sa kotse ng babae. Bakas sa mukha ang pag-aalala nito.


Bakit siya andito?



Andito siya para protektahan ang babaeng mahal niya kung sakaling may mangyaring masama sa mission niya. Alam niya ang totoong pagkatao nito pero ni minsan hindi niya ito kinasuklaman bagkus, tinanggap pa niya ito ng buong-buo.



"Mukhang pagod na ang mahal ko ah" sabi niya sa babaeng natutulog ng mahimbing sa loob ng kotse nito. Dahan-dahan niyang binuhat ito papunta sa kanyang kotse at umalis na sila sa lugar na ito.


Pagkarating sa kanyang bahay, agad niya itong binuhat at dinala sa kanyang kwarto. Pinagmasdan niya ito at hinalikan sa noo.



Talagang mahal niya itong babaeng tinatawag na Dark Queen.


Mamamatay tao man sa tingin ng iba, para sa kanya ay isa itong anghel na nabuhay para lang sa kanya.



Siya si Rachel Empress Park. Ang Dark Queen ng Dark Guild. Siya ang tinaguriang pinakamalakas na 'gangster girl' dahil sa angking lakas at galing niya sa pakikipaglaban.

Ang lalaki naman ay si Sebastian Marco Lopez. Isang negosyangte at namumuhay ng normal kumpara kay Rachel.



Nagkakilala sila nung araw na niligtas siya ni Rachel mula sa mga lalaking nais sana siyang patayin. Nung una, natakot talaga siya kay Rachel dahil nakakapatay ito pero nung malaman niya ang kalagayan nito, naintindihan niya ang lahat at minahal niya ito ng lubusan.


"Ughh" Napahikab ang babae at nag-unat saka dumilat. Sa kabilang banda naman, nakangiting pinagmasdan ni Marco ang mahal niyang bagong gising.



"Goodmorning, mahal ko" bungad ni Marco kay Rachel. Agad na ngumiti si Rachel at hinalikan sa labi si Marco na agad naman ikinangiti nito.



"Goodmorning din" mala-anghel io ngumiti pero bakit kapag nagagalit ay parang demonyo?



"Bakit pala ako andito? Anong nangyari?" Napahawak ito sa ulo na para bang inaalala ang mga nangyari sa kanya ngunit wala siyang maalala.



"Nawalan ka kanina ng malay sa ginta ng kalsada kaya dinala kita dito. Ayos ka na ba?" Hinawakan niya ang braso nito at marahang hinimas.



"Yes. I'm alright" Hinalikan niya ulet ang lalaki bago ito bumangon at nagtungo papuntang CR.


Nagtaka naman bigla ang lalaki sa ginawa ni Rachel. Nakahawak kasi ito sa bibig bago tumakbo papuntang CR. Sumunod siya sa CR at nakita niya si Rachel na nakaluhod sa harapan ng toilet bowl at parang nasusuka.

The Bad Boy's Girl is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon