[6] Wrong Move

7.4K 173 12
                                    

Sofia's POV

Argh!! Nakakainis talaga yung bakulaw na yun! >___<

Sino siya para i-kiss ako sa lips? SA LIPS HUH!

Kaasar talaga! First kiss ko yun eh tapos mapupunta dun sa bakulaw na sobrang yabang.

NAKAKAINIS TALAGA!

"uy sofia!" biglang sumulpot si Yana sa harapan ko.

"Bakit?" wala sa mood kong sagot.

"Balita ko nagde-date daw kayo ni Prince Joshua! Ayiieee! Luma-lovelife na si bespren!" bigla niya akong inakbayan.

"Psh. Lovelife? Yuck"

"Oh bakit? May nakakita nga sa inyo na magkasama kayo sa bar eh"

O___O

"Huh? Sino naman yun?"

"ewan ko eh. Pero kumakalat na yung picture niyo sa internet. You know naman, ka-date mo kasi ang isa sa NB kaya kumalat agad"

Teka.... Kung hindi sa Yana ang nakakita samin nung nasa bar kami edi sino?

Ibig sabihin ba nun meron ng nakakaalam ng totoo kong pagkatao? Fck!

"Oy Sofia! tulaley ka na naman"

"Ah wala to napagod lang. Sige punta muna ako ng CR" hindi ko na siya hinantay makasagot kasi umalis na agad ako.

Right now, hindi ko alam ang gagawin ko kung kumalat na sa ibang gangster group ang totoo kong pagkatao.

Anytime pwede nila akong patayin.

Pero paano nila malalaman ang itsura ko kung hindi naman nila ako kilala diba? Paano nila malalaman na nasa bar ako nung kasama ko si Joshua kung di nila alam ang pagkatao ko?

Kailangan ko mag dobleng-ingat.

Celestial Princess' POV

Hello guys! Ahahaha.

Yan muna ang name ko huh! Hindi niyo pa kasi dapat malaman kung sino talaga ako. Pero atleast may idea na kayo kung ano ang mga hakbang na ginagawa ko para mahanap ang black princess.

Anyways, may clue na pala ako sa kanya.

Sabi kasi ang Dark Guild daw, which is ang grupo ng black princess, ay may tattoo na sumisimbolo na isa silang miyembro ng DG.

Ang sabi pa iba-iba daw ang pwesto ng tattoo nila. Meron sa batok, palad, tiyan, dibdib at sa kung saan pang parte.

Pero yung daw kay Black Princess ay nasa may bewang na malapit sa pusod. Imaginin niyo na lang na nasa may bandang kaliwa ng pusod niya.

Kaya oras na makita ko yung babaeng yun dito sa Yuzuri Academy sisiguraduhin kong mapapatay ko siya.

Salamat na lang sa isang miyembro ng DG at nalaman ko ang mga impormasyon na ito.

Bwahahahahaha!

Sofia's POV

Andito ako ngayon sa gym kasi PE time pa din namin.

Ugh! dapat pala tinagalan ko na lang maglinis kasi ayoko ng mga laro-laro. Masyadong pambata.

Tapos andito din yung 4-B dahil maglalaban daw ang dalawang section.

"Okay class! Ang lalaruin natin ay Dodge ball. Okay? Ang mamamato ay ang 4-B tapos ang iiwas ay ang 4-A. Lahat kasali dahil kasama ito sa performance niyo sa PE"

Psh, performance ba ang paglalaro? srsly.

"Bestie tara na!" hinila ako ni Kat papunta sa gitna ng gym tapos pumwesto na din yung 4-B.

"psst" nilingon ko kung saan nanggaling yung sumitsit tapos nakita ko na may bakulaw sa likod ko.

Kilala niyo naman na kung sino ang bakulaw sa istoryang ito diba?

- - -

After 30 minutes..

5 na lang kaming natitira sa 4-A. Tanggal na si Katrina tapos kami ni Yana kasali pa.

"sana tayo matira Sofia" pagkasabi nun ni Yana biglang may tumamang bola sa ulo niya.

Pfft. Matira kami pero taya na siya!

"Argh! gusto ko pa naman matira tapos nataya agad ako" pagmamaktol ni Yana. "Sino yung bastardong bumato sa ulo ko?!" pinagtuturo ni Yana yung mga 4-B.

"Siya" tinuro nung mga 4-B si Stephen. Yup, si Stephen ng NB.

Lumapit dun si Yana tapos kinuha yung bola at binato sa mukha ni Stephen. Sakit nun!

"Pambawi yan sa pag-headshot mo sa'kin!" sabi ni Yana sabay walkout.

Ahahaha, ang cute. ^___^

Tinuloy na namin yung laro tapos dalawa na lang kaming natira.

Ang laging binabatuhan ng bola ni bakulaw ay ako. Kaasar!

Takbo dito, takbo doon.

Teka nag-eenjoy na ako maglaro ah. ^__^

"Sofia yung sintas mo!" narinig ko na sumigaw si Kat pero di ko naintindihan.

Hanggang sa nag-slow mo ang lahat.

(A/N: Imaginin niyo guys na slow motion lahat ng nangyayari okay? Use your imagination para ma-gets ito)

Paatras na ako ng bigla kong naapakan yung sintas ko.

Tapos bigla pang binato ni bakulaw sa'kin yung bola.

Malalaglag na ako na mauuna ang likod tapos binatuhan pa ako na tatama pa sa mukha ko.

No choice ako kundi gamitin ang kakayanan ko.

Inayos ko yung pwesto ko na para bang nagbending ako tapos ayun lumagpas na yung bola.

Pagkatapos lumagpas nung bola tumambling naman ako pabalik.

Yung isa kong kamay ay nasa sahig tapos pabaliktad ako tumambling.

Gets niyo?

Nakabending ako tapos tumambling pabalik.

(use your imagination. Ito ay parang ninja moves)

Nung nakatayo na ako nakita ko lahat ng mga estudayente nakanga-nga na nakatingin sa'kin. Kasama na si Bakulaw at teacher namin.

"Wooooh! Ang galing ni Sofia!"

"Idol!"

"Ang hot ng moves mo Sofia!"

"Oooh Yeah! Nice one Sofia babe!"

=______= Anu-ano ang mga pinagsasasabi nila? Tapos pumapalakpak pa sila.

Biglang lumapit sa'kin sila Kat at Yana.

"OMG bestie! Ang galing mo pala! Ahaha!" pabiro akong hinampas ni Kat.

"Nice move Sofia" sabi ni Yana na nakatingin ng seryoso sa'kin.

Anong meron?

Nagulat ako ng biglang may umakbay sa'kin.

"Nice one! ang galing naman ng GIRLFRIEND KO"

O____O

Sht! anong girlfriend niya?!

Tinignan ko yung mga reaksyon ng mga estudyante at lahat sila nakatingin sa'kin ng masama

Err, di ko kaya type itong si Joshua. At hello, isa siyang bakulaw at hindi ako pumapatol sa mga katulad niya.

"A-ano? girlfriend mo si Sofia?" tanong ni Kat kay bakulaw.

"Yup ^___^"

"Hoy hindi kaya kami! Hindi nga siya nanligaw eh!" sabi ko.

"Ah, yun pala ang gusto ng baby ko. Sige from now on I'll court you Ms. Lopez"

Wrong Move Sofia.

WRONG MOVE >____<

************************

Hello? meron bang mga kinikilig sa Sofia and Joshua tandem?

#TBBGIAG

The Bad Boy's Girl is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon