Chapter 46

169 10 3
                                    

Naglalakad kame ngayon ng babaeng mahal ko inshort, si Rae hehe. Sa totoo lang diko alam pero ang awkward, tipong takot na takot kaming magdikit ang mga balat namin sa isa't isa. Aish ayoko ng ganito.

"Uhm, hindi ka ba natatakot? Baka mamaya may makakakilala sayo dito? Tapos may kasama ka pang babaeng tulad ko? Mag-isa ka pa naman." Tanong nya bigla sakin.

"Wag ka magalala, walang makakakilala sakin, maingat ako. Tsaka kung sakali namang may dispatch nga talaga dito, edi maganda hindi na tayo mahihirapang umamin sa buong mundo"

Napansin ko namang napatingin sya bigla sakin, hindi ko nalang sya nilingon.
"A-anong aamin? Anong pinagsasabe mo?" Tarantang tanong nya sakin.

"Hahaha ano ka ba, biro lang! Wag ka kasing masyadong nega! Hindi ko rin naman hahayaang mapunta ka sa panganib. Trust me." Inakbayan ko naman sya at naglakad na kami nang sabay. Parang in a relationship nga talaga kami sa oras na to tinignan ko naman sya at napatingin din sya sakin nakakunot ang noo nya at namumula na rin ung pisnge parang angry bird lang hahahaha.

"Oh ano tinitingin mo? Diba nga? Iingatan kita! Kaya wag ka nang pumalag, akbay lang yan oh. Choosy ka pa-- Aray!" Bigla nya naman akong siniko sa tagiliran ko. Pero di naman masakit kasi mahina lang naman eh umacting lang ako.

"Uy sorry. Napalakas ba? Ikaw kasi ang hangin mo eh" sabi nya naman sakin.

"Aba at ako pa sinisi mo? Ako na nga tong nasaktan sa ginawa mo?" Sagot ko sa kanya.

"Sorry na nga po eh. Saan ba masakit?" Tanong nya na kinakapa ung tagiliran ko.

"Uuyyy gusto mo lang mahawakan abs ko eh." Bigla naman ulit syang nagblush hahahaha ang cute nya talaga nakakainis.

"Joke! Kiss mo nalang ako para mawala ung sakit." Dagdag ko naman.

Hindi na talaga sya makapagsalita sa mga sinasabi ko haha. Gagawin ko talaga lahat para mapasa-akin ka Rae, diko hahayaang mapunta ka sa iba. Gustung gusto talaga kita, nah, feel ko mahal na kita.

RAE's POV

Hindi ko na ata kakayanin tong isang to. Grabe sya kasama. Sobrang saya ko feeling ko maiiyak ako sa saya at kilig. Eto talaga ung isa sa mga araw na hinding hindi ko makakalimutan. Imagine, ultimate bias ko pa naman kasama ko. Tapos ganto pa sya kasweet sakin. Bakit gantooooo!

Naglalakad lang kame ngayon dito sa mall, at ayun naka-akbay lang naman sya sa balikat ko. Daig ko pa talaga si rapunzel nito sa sobrang haba ng buhok ko abot hanggang south korea amp dejoke.

Naa-awkwardan parin ako ngayon. Bakit ganito na sya kasweet sakin? Siya ung unang nagkagusto sakin diba? Alam nya na kaya ung about samin ni Jimin? Nagtataka lang talaga ako eh. Ung mga kilos nya, dapat hindi ganito. At alam nya na kaya na alam kong may gusto sya sakin? Hays, ang gulo na tuloy. Dinalaw nanaman ako ng mga tanong sa utak ko. Parang ang dating kasi sa moment na to ngayon kaya kami awkward eh parang may tinatago kami sa isa't isa. Parang pareho kami ng gustong sabihin pero hindi namin masabi sa isa't isa? Ung awkwardness na nafifeel ko hindi ung awkwardness sa isang fan at idol eh. Iba. Bakit ganito?

Bigla kong naalala si Jimin. Jimin? Nasaan ka na ba? Pupunta ka pa ba? Bakit di ka nagtetext? Mas maigi siguro na wag ka na pumunta? Hayaan mo muna kami ni Taehyung?

Bwiset ka Rae ano bang mga tanong yan?

Bakit nasasaktan ako at the same time? Ung kahit na hindi alam ni Jimin na magkasama kami ni Taehyung ngayon pero nasasaktan ako para sa kanya? Nasasaktan ako pag nakakasakit ng tao. Pinaka ayoko ng may nasasaktan akong iba. Paano pag nalaman nya? Ayoko na, ang hirap.

"Rae, tignan mo nandon ung poster namin"

Parang konting saya ko lang ngayon matinding lungkot na ung kapalit, well for sure na yon.

Lucky ARMY (continuation)Where stories live. Discover now